Chapter 18: Are you kidding me?

3.2K 69 17
                                    

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. :)

_______________________________________________________



Lagi na akong dito sa gym nakatambay at habit ko na din ang pag nganga dahil wala namang pinapagawa sa 'kin si Knight.

Hindi ko na siya ginagalit kasi baka itapon nga niya ang bracelet ko. Worst, baka pati ako ipatapon na din niya. Tsaka friends naman na siguro kami ngayon kasi dinala na niya 'ko sa mall eh.

Pero ang nakakainis lang na part ay parang alam na alam na talaga ata niya ang mga weaknesses ko. Ang bracelet ko at ang gym na ito.

Nakaupo ako ngayon katabi si Knight kasi sabi niya dito lang daw ako para quick access daw.

Tiga abot ako ng tubig, towel, bag at kung ano ano pa.

WOW! Senyorito ang peg ni Koya. Napaka-consistent.

Naging maayos naman na kaming dalawa pero hindi pa din nawawala ang pagiging masamang tao niya. Ganun pa din siya.

Pero immune naman na ako. Hayuff siya eh. Ganun talaga.

Naputol naman ang kung ano ang iniisip ko nang may biglang sumulpot sa harap namin.

"Hi Kevin. How are you?" Malanding tanong ni Celine kay Knight.

Hindi kami okay! Dumating ka pa kasing babaeng bakla ka.

Wag mo siyang matawag tawag na Kevin dahil wala kang karapatan.

Celine Del Rio. BS Tourism 3 student.

Siya yung babaeng palagi kong nakikitang kasama ni Knight dito sa gym, sa mall, sa corridor pati na rin sa room namin. Ew. Siya pa mismo dumadalaw kay Knight doon.

Maputi siya, matangkad at mas sexy siya sakin... ng konti lang naman.

Maganda naman siya eh pero sobra sobrang make-up ang nasa mukha niya. Hindi pa niya nakakalimutang ilagay ang false-eyelashes na nakakapagpa-bading sa hitsura niya.

So ganito pala ang gusto ni Knight sa babae?

Ayaw ba niya ng chubby ng onti ang mukha pero sexy? Ayaw ba niya ng mga natural beauty lang? Ayaw ba niya sa babaeng katulad ko? Chos.

Sabi ni Kentt sakin, star dancer daw si Celine ng cheerleading team.

Eh kung isabit ko kaya siya kasama ang parol at iba pang dekorasyon ko sa bahay? Star daw eh.

"Fine," tipid na sagot ni Knight sa kanya.

"I missed you that's why I'm here,"

"...."

PPFFFFFFFTTTTTTT!!!

Gusto kong humagalpak ng tawa dahil hindi siya sinagot ni Knight pero hindi ko pinahalata na natatawa ako, baka kasi mainsulto pa eh.

Hindi man lang nag 'I miss you, too'.

BWAHAHAHA! Pahiya ka ba dun, Teh?

"Are you free today?" tanong ni Celine nang ma-feel niya na hindi siya sasagutin ni Knight.

Ay, may balak kang bilhin siya, Teh? Wag kang masyadong obvious babae ka.

Base sa nasagap kong balita, hindi daw magjowa sina Knight at Celine.

Pampalipas oras lang daw ito ni Knight. Ang mambabae. Naku naku!

"May practice ka pa," sabi ko kay Knight.

Eepal lang ako ng konti. Hello? Celine, kung hindi mo ko nakikita nandito ako.Katabi ko pa nga ang nilalandi mo eh. Duling!

"Oh, how about tonight?" tanong pa niya sabay wink.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now