Chapter 2: We meet again

5K 133 30
                                    

-JENNICA RAMIREZ POV-

Haayy! Sana naman hindi na malas 'tong araw na 'to at maging 'happy happy' na ulit ako.

Kasi naman eh! Peyborit kong dress na dapat ay isusuot ko sa 1st or 2nd day ng 1st semester, na-imburnal pa! Kainis!!!

*sigh*

*sigh ulit*

"Hoy, Jenna. Kanina ka pa bumubuntong hininga jan ah. Iniisip mo pa rin ba ang nangyari nung Saturday?" Si Ashely Romero. Bestfriend ko. Maganda yan kaso nga lang magulo ang utak.

Bestfriend ko na yan simula pa nung High School. Actually dalawa sila kaso nahiwalay ang landas namin after ng graduation. Si Ashely lang palagi kong kasa-kasama kaya wala akong time makipagkaibigan dito. Kasama ko rin siya sa Condo. Tatlo kaming umuukopa dun kaso madalang umuwi yung isa eh. Pinsan ko pa yun ah, wala akong pakialam.

"Oo. Nakakapanghinayang kasi eh. Tsaka alam mo naman kung ilang beses kong binabalik-balikan yung dress na yun, diba?"

"Ano ka ba naman! Malapit na matapos ang Summer dapat masaya ka!"

"Masaya?! HINDI! Duguan kamo. Review week ngayon. Next week na ang Final Exams natin."

"Sus! Next week pa ang exams wag mo munang intindihin. Bili ka nalang ng bagong damit mo, samahan pa kita. Masaya ka na ulit ah?"

"Talaga? Libre mo na ko, mayaman ka naman eh!" sabay kapit sa braso niya.

"Siniswerte ka! Kapag magsa-shopping tayo laging ako taya ah,"

"Sige na Ashely! Isa pa, ikaw naman nag-aya eh."

("Hello? Oh, napatawag ka? magkikita tayo? Saan? HA?! After class agad? Sige, pupunta ako.. Byieee!")

Ayun, Dineadma lang ako. Di man lang nagpaalam na sasagutin niya yung phone.

Di ko alam kung totoo bang may tumawag nga sa kanya o kung umiiwas lang siya sa paglibre sakin.

"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.

"TM."

"Ha?! Diba Sun ka, nagpalit ka ba ng sim? TM ka na?"

"Hindi! Siya yung tumawag. Si TM! Magkikita daw kami mamaya. EEEEEEEEEEEEE" Kilig na kilig na sabi nya.

Di na pinatawad ang kawawa kong tenga, kung makatili naman!

"Edi hindi mo ko masasamahan mamaya? Di rin tayo sabay uuwi?"

"Kaya mo na yun. Malaki ka na eh!"

Anla, Siya tong nag-ayang magshopping, may pa 'sasamahan pa kita' pa siya tapos yun ang sasabihin nya?!

"Hoy, Ash—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nagsibalikan na kasi sa mga sari-sariling upuan ang mga kaklase namin eh. Ibig sabihin, dumating na ang Prof namin. Inayos ko na rin ang upuan ko.

Eto na naman tayo sa prayer meeting ni Prof.

Wala ba siyang pakulo kung mag-discuss?! Wala bang katawa-tawa siyang gagawin mabuhay lang ang klase? Last 2 weeks na nga lang, ganun pa din ang Prof namin. Kaantok tuloy.

Pumapasok ako sa BriTech University. Susyal ng name ng school namin noh? British kasi may-ari.

BS in Hospitality Management kinuha kong course.

Parang HRM na parang hindi. More on management kasi. Nagfo-focus kami sa pagmamanage ng restaurants, hotels.. ganun. Mabibilang lang ang pagluluto namin.

Hayy, nakakaantok talaga. Bukod tanging Prof na anlakas makapag-antok sa mga estudyante. Tagal naman mag bell.

Review lang dapat 'to eh, bakit aabot siya ng 1 hour sa pagle-lecture?

Di nalang nga ako pupuntang mall ngayon, wala rin lang naman akong makakasama eh. Uwi nalang ako diretso sa bahay at magsisimulang... mag-aral. Chos.

ting.ting

Ayan na, tapos na din ang klase! Uuwi na ko. Yipeeeeee!

"Jenna. Una na ako sayo ah. Kita nalang tayo sa Condo," Ashely

"Oo na! Wag kang gagabihin ha."

"Opo!" Sumaludo pa sakin sabay alis.

Naglalakad ako papuntang labasan ngayon. Ng mag-isa! Hay, buhay...

Lalabas na sana ako ng gate kaso may isang malaking rebultong nakaharang sa daan.

The guy had a black beanie on and had his hands on his pockets.

Di ko makita ang mukha, nakatalikod eh. Gusto ko sana silipin mukha nya. Ico-confirm ko lang kung Kapre ba siya. Antangkad eh!

"Ah, excuse me." sabi ko dun sa lalaki na hanggang leeg lang ako.

"..."

"Makikiraan."

"..."

"Ahm..."

"..."

Kaya naman pala hindi ako marinig eh, may nakasalampak na headset sa tenga nya. Tinabig ko nga siya sa braso.

"Makikiraan PO."

Blink.blink

"IKAW!!!!!!!"

Kamuntik ko ng masuntok sa mukha ang lalaki paglingon nya sa 'kin.

Eh, siya lang naman yung unggoy na naging dahilan kung bakit na-imburnal yung damit ko eh!

Nagulat naman ata ang lalaki sa 'kin. Di nakapagsalita agad eh.

"I wasn't expecting to see you here. Oh, what a nice surprise." And he's wearing a dark grin now.

"Dito ako nag-aaral, bakit?"

Tiningnan lang nya ako ng mabuti at parang kinikilatis... Tiningnan nya talaga ako from head to toe! Aba, nangmamata!

Tumigil naman ang mata niya sa may...

"HOOYYY!! Saan ka nakatingin?!" Sabay harang ko sa dibdib ko gamit ang aking dalawang kamay

"Tss!"

Unggoy na nga manyak pa!

"Padaan nga! Anlaking sagabal sa daan eh!" Tapos hinawi ko siya.

Lalakad na sana ako palayo kaya lang napatigil ako sa huli niyang sinabi.

"See you, Ms. Jennica Ramirez" *evil smile*

So ibig sabihin, yung tinitingnan nya kanina ay yung I.D ko?!

Ang feeling ko naman! EEE.

Parang napahiya pa tuloy ako..

At...

NO!!! Hindi niya alam ang pangalan ko.... HINDI!! UUWAAAAAAAAAAAAA!!!

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now