Chapter 9: It's still Him

3.7K 91 23
                                    

Wednesday.

Napagpasyahan namin ni Ashely na hindi na pumasok ngayong araw na ito.

First week pa naman eh. Marami pang estudyanteng humahabol magpaenrol.

Karamihan naman sa mga teachers, hindi pumapasok sa klase kasi ang daming meeting churvaloo. Ang ibang teachers na papasok naman, puro orientation. Paulit-ulit nalang nila dini-discuss ang mga school policies. Nakakabingi na.

Ayoko ding makita ang pagmumukha ni Knight. Ang tapang tapang kong pagsalitaan siya pero sa totoo lang natatakot din ako sa kanya. Ayoko lang talaga ipahalata. Baka mas lalo pa niya akong gaguhin eh.

Hindi ko pa siya maintindihan minsan. Ugh!

Nasa kwarto pa si Charmaine kaya kaming dalawa lang ni Ashely ang nandito sa sala. Nanonood kami ng TV habang kumakain ng chips sa sofa.

Paulit-ulit na naman siya! Unli siguro.

"Tanga ka ba?" si Ashely yan.

Sarap sabunutan diba? Walang pakundangan!

"Bakit na naman ba?!" iritadong napatingin ako sa kanya.

"Sana kasi nag-isip ka bago mo ginawa yun! Ang dami-dami pang nakakita!"

"Hayy. Heto na nama—"

"San ba kasi napunta yang utak mo?" Sabat niya sa sinasabi ko.

Bakit ba ang hilig hilig nilang hindi ako patapusin sa pagsasalita?

"Alam mo naman kung sino si Knight diba? Siya lang naman ang Team Captain ng basketball team, #1 heartthrob ng campus at tinitilian ng mga kababaihan tapos yun ang gagawin mo?" Sabi pa niya.

Paki ko naman sa reputasyon ng unggoy na yun, diba? Tsaka ngayon ko lang naman talaga nalaman kung sino siya eh. At hindi siya ganun ka importante.

"Nararapat lang naman sa kanya yun eh!"

"Kahit na! Kung gagawin mo yun, edi sana sa lugar kung saan walang makakakita! Gaganti sayo yun panigurado. Sa harap pa kasi ng maraming tao ginawa mo yun eh!"

"A-ah..." wala na. wala na akong masabi. May point kasi siya. Amp.

"Layuan mo na siya."

"Pano ko naman gagawin yun kung nasa kanya pa ang bracelet ko?"

"Gumawa ka ng paraan. Basta layuan mo siya! Baka gusto mong hindi lang siya ang kaaway mo? Imbis na siya lang, madadagdagan pa yan ng buong mundo!"

"Oh, ano na naman ba yan?"

Buti dumating at nakisingit si Charmaine. Kanina pa 'tong si Ashely eh!

"Eto kasing si Jenna, pipili nalang ng taong kakalabanin dun pa sa taong hinahangaan ng lahat. Pwede siyang mapahamak dun. Tanga kasi!"

Sige idiin mo pa ang 'tanga' Ashely. Mabuting kaibigan ka eh.

"Oh? Sana hindi mo nalang kinalaban yun," Charmaine

"Pati ba naman ikaw Charmaine?" Nagulat pa ako.

Wala na ba akong kakampi dito? Pati mga kaibigan ko?

Sabay tampo.

"Ikaw na magsermon jan! Kapagod din eh. Maglalaba pa ko," Sabi ni Ashely kay Charmaine saka na lumakad papuntang banyo.

"Ano ba kasing nangyari?" Charmaine

"Bakit ba ang big deal naman ata ng issue namin ni Knight? Nakakainis!"

"Iwasan mo na muna ang taong yun, Jenna. Mapapahamak ka jan sa ginagawa mo eh,"

"Di nga kasi pepwede kasi nasa kanya pa yung bracelet ko. Ayaw niyang ibalik sa 'kin."

Tiningnan ako ni Charmaine ng mabuti.

Dali dali naman akong nag-iwas ng tingin.

Biglang nag-iba ang atmosphere.

At parang hindi ko magugustuhan ang flow ng topic na ito. Bakit ko ba kasi nabanggit pa yun?

"Yun ba yung binigay ni Troy sayo?" Tumango lang ako

"Akala ko ba naitapon mo na yun?"

"....."

"So, sa lahat ng mga nangyari hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya?"

Napatingin ako sa kanya, "Hindi naman sa ganun."

"Anong hindi naman sa ganun? Sinasabi ko naman sayo, diba? Kalimutan mo na siya."

"Tina-try ko naman eh,"

"Ang tagal tagal na nun eh. Dapat hindi ka na kumakapit sa isang bracelet lang."

"Naka-move on naman na ako eh,"

"Kung naka-move on ka na nga sa kanya, edi sana noon pa man itinapon mo na ang bracelet."

"Eh.. ano kasi."

"Sabihin mo nga sa 'kin, siya pa rin ba?"

Hindi na ako nakasagot.

Hindi ko din naman kasi alam kung anong isasagot ko.

Nangingilid na ang luha ko.

Pag siya kasi ang topic hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng sakit.

Sinasabi ko na nga ba problema ang dala nitong si Charmaine. Di na nga namin pinag-uusapan ni Ashely si Troy eh.

Naiintindihan ko naman siya. Gusto lang naman niyang maging masaya na ako ng tuluyan.

Nung una gusto niya si Troy para sakin pero na-disappoint siya dahil alam niya kung gaano ko minahal si Troy at kung gaano din ako nasaktan.

Saksi sila sa pag-iyak ko gabi-gabi, sa pagmumokmok ko. May point nga na ayaw ko ng lumabas ng bahay at makipag-usap sa ibang tao dahil gusto ko lang ay ang mapag-isa, umiyak ng umiyak at alalahanin lang ang mga magagandang nangyari sa amin ni Troy.

Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko na siguro alam kung anong gagawin ko.

Sila kasi ang nagpapalakas ng loob ko.

Ginagawa ko naman ang mga advices ni Charmaine sakin eh.


I keep myself busy with all the things I do.

....But every time I pause for a rest, I still find myself thinking of Him.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now