Chapter 31: Will you believe me?

2.6K 61 40
                                    

-JENNICA RAMIREZ POV-

"Ate, ingat kayo, ha? Uuwi din ako sa atin sa bakasyon. Give everyone a kiss for me. Tell Mom and Dad I'm... I'm sorry. A-and tell them I love them." Naiiyak na mahabang sabi ko kay Ate Eca.

Nandito kami ngayon sa terminal ng bus. Nagmadali akong makauwi galing school kanina para lang maihatid ko sila ni Nica dito. Hindi na nga ako um-attend dun sa meeting namin ni Miss Domingo para sa performance ko sa CAS Days kahit na alam kong sa Saturday na yun.

"I will," sabi niya. "And come back soon. I'll miss you. Pati na din si Nica."

Nginitian niya ako pero halatang pinipigilan niya ang maiyak. Close kami ni Ate Eca kaya kami ganito ka-emosyonal ngayon. Ilang buwan ko na din kasing hindi siya nakita eh. Simula kasi nung nag-college ako ay madalang na akong umuwi sa bahay namin dahil sa pag-aaral ko.

"I'll miss you too, Ate Eca." Sagot ko sa kanya pagkatapos ay tinignan si Nica na karga karga niya.

Maingat na hinaplos ko ang buhok ng bata dahil baka magising siya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya. Ang maamo niyang mukha, ang mahahaba niyang pilik mata, ang kulot niyang buhok. Mamimiss ko talaga siya.

Kinuha ko si Nica kay Ate Eca at kinarga. Alam kong matatagalan pa bago ko pa ulit siyang makitang muli. Gusto ko lang sulitin ang gabing ito. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Kahapon lang ay ang saya saya pa naming nagpunta sa simbahan. Kahapon lang ay masayang pinapakain ko pa siya. Kahapon lang ay nakangiting pinaghehele ko pa siya para makatulog pag nagigising siya sa madaling araw.

Napapikit ako at ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay pumatak na. Ang sakit isiping mawawalay na naman ulit ako sa kanya. Bakit ba kasi ang bilis ng panahon? Bakit kapag kasama ko ang mga mahal ko sa buhay ay mabilis lang lumipas ang oras?

"Ma— mamimiss ko talaga kayo." Sabi ko pa kay Ate Eca pagkatapos ay ibinalik na si Nica sa kanya.

Nahihirapan akong banggitin ang mga salitang yun. Gusto kong pigilan sila pero kailangan kong tiisin ang nararamdaman ko.

"Wag ka na ngang umiyak, Jenna. Pag si Nica nagising, baka hindi na kami makauwi niyan." Biro niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Umiling at ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay hinalikan ang noo ni Nica.

"Sige na, sumakay na kayo. Baka hindi ko na talaga kayo paalisin niyan." Tatawa tawang sabi ko sa kanya habang pinupunasan din ang luhang ayaw tumigil sa pagtulo sa pisngi ko.

Sa totoo lang, gagawin ko talaga yun dahil ayoko nang mawalay ulit sa kanila lalong lalo na kay Nica. Naaawa ako sa bata dahil ang sabi ni Ate Eca sa akin habang papunta kami dito ay palagi daw niya akong hinahanap.

Minsan nga ay umiiyak nalang daw siya habang binabanggit ang pangalan ko. Gustuhin ko mang dumito nalang muna si Nica ay hindi pwede. Wala akong magawa. Matagal na naman ang hihintayin ko para makita siyang muli.

Naglakad na kami papunta sa may bus. Huling byahe na ito ngayong gabi kaya hindi pwedeng mag-iyakan lang kami.

"Alagaan mong mabuti ang b-bata, ah? At aliw-aliwin mo na din dahil hinahanap hanap na niya ang t-tatay niya. Kayo na ang bahalang ipaliwanag sa kanya." Umiiyak ko pa ring sabi.

Malungkot na tiningnan ni Ate Eca si Nica, "Siguro nga hindi habang buhay ay pwede nating itago ang lahat sa kanya."

"Ate, sasabihin ba natin ang totoo kay Nica?"

"Kung pwede lang sana ay ginawa na namin. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Alam mo naman yun, diba? Tatlong taon palang si Nica. Masyado pa siyang bata para maintindihan niya ang lahat at para lumagay sa magulong buhay."

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now