Chapter 41: Teamwork

82 6 0
                                    


Mag-a alas onse na nang makarating ako sa BriTech University. Tinanghali kasi ako ng gising at huli na nang mabasa ko ang mensahe na natanggap ni Charmaine na galing daw kay Marco. Hinamon daw ni Troy si Knight ng isang basketball match.

Sabado at alam kong pwedeng-pwedeng makapasok ang outsiders tuwing weekends sa school basta may nag-imbita sa kanila.

"Charmaine, Jennica, dito!" Sigaw sa 'min ni Marco na nasa right lower deck ng gymnasium, halatang hindi ito mapakali.

Humihingal na tumakbo kami ni Charmaine papunta sa kanya. Inabutan din naman niya kaming dalawa ng tubig.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng gym. Batid ko ang tensyon na kasalukuyang bumabalot sa loob nito.

Mas lalo na nang makita ko ang apat na taong naglalaro sa court kasama na roon ang dalawa, sina Knight at Troy, pati na rin si Kentt at isa pang lalaking hindi ko kilala. Pinagpapawisan sila ng husto at halatang wala sa kanilang hitsura ang magpatalo.


Wala rin namang magawa kundi ang manood na lamang sina Jarren, Jake, Dylan, Andrew at Lex na nasa bleachers. Naka jersey silang lahat at siguro ay galing silang practice. Sa palagay ko ay nahinto ang practice nila dahil sa hamon ni Troy.

"Blonde guy has done it again! 3 points in a whole!" Narinig kong anunsyo ng isang babae sa left lower deck at doon ko napansin na hindi lang pala kami ang nandito.

May mga nasa hindi lalagpas sa sampung babaeng cheerleaders ang nandoon at parang sila ang nagsilbing scorers ng dalawang team.

"Go Knight, huwag kang magpapatalo sa blonde na 'yan!" Sigaw pa ng isa na may hawak ng score card na 5 points. May nakasulat din na Team Knight iyon.

Knight, Kentt, Troy and 1 unfamiliar guy were playing 2 on 2. Knight and Kentt were on the same team and Troy and the other guy were on the same team. Alam kong hindi taga BriTech ang kasama ni Troy dahil ngayon ko lang ito nakita.

Sa palagay ko ay kulelat sa larong ito sina Knight dahil katabi ng score card nina Knight ay isa pang babaeng may hawak na 17 points at may nakasulat na blonde guy sa ibaba ng numero iyon.

"Bakit ang tagal ninyo?" Napukaw ang atensyon ko kay Marco na nasa aming likuran dahilan para lingunin ko siya. "Jennica, basahin mo 'to."  Iniabot niya sa 'kin ang cellphone niya. Binasa naming dalawa ni Charmaine ang mensahe.


1 message received
7AM

It's better if you give up on basketball. No matter what you say about effort, it's no use. To survive in today's basketball, you have to have talent. It's an undeniable fact in not just basketball but everything else as well. Wala kang talent pagdating sa ganitong bagay.


Tiningnan ko si Marco nang may tanong sa aking mga mata. Mukhang nabasa rin naman yata niya ang aking ekspresyon kaya siya nagsalita. "Cellphone ito ni Kentt. Hindi ko alam kung saan nakuha ng blonde na 'yon ang number niya. Pero ang mensaheng ito ay para kay captain."



Hindi ako nagsalita at binalik ang tingin doon sa court. Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ito ni Troy. Malinaw sa aming dalawa ang pagtatapos ng aming relasyon.

"Stop showing off. Save it for your real game." narinig kong pang-iinis ni Troy kay Knight, dribbling the ball around him. "Kung ako sa 'yo ay magba-back out na ako." pagpatuloy pa nito.

Troy went up for the shot and out of nowhere, Kentt came up and knocked the ball out of his hands. Naagaw ni Kentt ang bola.

"Ano ba Knight, umayos ka!" Sigaw ni Kentt kay Knight na halatang gustong-gusto nang suntukin si Knight sa mukha.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now