Chapter 30: Comforting Touch

2.4K 58 21
                                    

-KEVIN KNIGHT BUENAVIDEZ POV-

As soon as I heard the elevator ding and the doors slid open, I quickly made my way down the corridor without waiting for Jennica. I didn't even give her a glance. She was calling me out but I just ignored her, taking long strides, hurrying towards their unit.

"Knight!" tawag ulit ni Jennica sa akin.

Simula kanina ay hindi pa kami nagkaroon ng isang matinong usapan dahil sa walang kwentang sinabi niya. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Naaasar lang ako dahil iniisip niyang sumuko nang dahil lang sa gagong nang-iwan sa kanya noon. Ni hindi man lang sumagi sa utak niya na may mga tao pang nagpapahalaga sa kanya sa paligid niya. Naaasar ako dahil nagpapakabulag siya.

"Knight harapin mo nga ako!"

Dumeretso lang ako dala dala ang mga pinamili namin kanina. Malapit na kami sa unit nila. Gusto ko nang ibigay na itong mga pinamili namin kay Nica para makaalis na ako. Ayoko nang magtagal pa dahil ayokong may madamay pang iba at mabuntunan pa ng pagkaasar ko. I'm having that feeling of punching everyone in the face right now. Everyone.

"Knight ano ba!"

"WHAT!" Lumingon na ako kay Jennica nang pigilan niya ako sa braso.

Galit na tiningnan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa braso ko pagkatapos ay sa mukha niya na para bang sinasabi kong bumitiw siya. Napansin ko namang medyo nahintakutan siya dahil napaluwag ang kapit niya.

"G-gusto ko lang namang sabihing—"

"Look. If you'll say something stupid again then just save it! I don't want to hear it."

Hindi na siya nagsalita pang muli at mas lalong lumungkot ang mukha niya. Yumuko siya pagkatapos ay binitawan ang braso ko. Naglakad na ako ulit pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla siyang nagsalita.

"I— I just want to thank you for being by my side." Jennica whispered soft enough that I could barely hear her.

That made me stop walking. I spun around and looked at her, not believing that she actually said that. Napansin kong medyo nailang siya dahil titig na titig pa rin ako sa kanya pero nakikita ko sa mukha niya na seryoso siya sa kanyang sinabi.

"You know what, Knight? I realize that maybe it's time for me to find myself in order to learn how to love myself. Siguro nga tama ka. Masyado kong tinuon ang atensyon ko para sa kanya na kahit mismo ang sarili ko ay nakalimutan ko na. Ni hindi ko man lang nakita na may mga tao pa palang nanjan lang palagi para sa 'kin."

"And?" sarkastikong sabi ko. Alam ko namang ang gagong yun parin ang nasa isip niya. Ang dami pa niyang sinasabi.

"And when the time comes that I learn how to love again, I can love that person more because I learned how to love myself first."

We were silent for a while, neither of us not wanting to speak. She looked at me and smiled a small smile. In her eyes, I could see the pain she was going through from where I was standing.

Honestly, I'm getting really worried about her. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa Jennica na palagi nalang nakikipagtalo sa akin. Mas gugustuhin ko pang makita ang galit niyang mukha kesa ngayon. Nakangiti nga siya, purong kasinungalingan naman.

"I also want to thank you for making me realize how stupid I am." She said, trying hard to not let her voice crack but failed. Kitang kita sa mukha niya na nahihirapan siya pero pinipilit niya pa rin ang sarili niyang magsalita.

"...And that I could go on with my life without him. Isipin ko palang masakit na. Pero sa tingin ko wala naman na akong magagawa. Iiyakan ko siya ng iiyakan. Iisipin ko siya ng iisipin hanggang sa isang araw magising na lang ako na hindi ko na siya mahal. Tipong wala na akong babalikan sa nakaraan. Wala nang mararamdaman. Makakaya ko naman siguro yun, diba?"

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now