Chapter 36: Setting Free

99 5 6
                                    



-JENNICA RAMIREZ POV-

Kahit kailan ay hindi ko naisip na iiyak siya ng ganyan sa harap ko. Ang ipakita sa akin ang kahinaan niya. Ang halos magmakaawa na siya para lang bumalik ako sa kanya.

"At oo Troy, mahal kita..." sabi ko at ngumiti ng mapait habang pinupusan pa rin ang mga luha na naglalandas sa pisngi niya.

Kahit na masakit ay kinaya kong salubungin ang mga mata ni Troy. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko inakalang masasaksihan ko siya na ganito ka-miserable.

Nandito na naman ako sa sitwasyong nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan sa kanilang dalawa. Kung ang utak ko ba na ang sinasabi ay tumalikod na at lumakad na paalis o ang puso ko na ang sinisigaw ay mahal ko siya at tinatanggap ko na ulit siya.

"Pero noon 'yon. Hindi ko alam kung masasabi ko pa ba sayo 'yan ngayon. Hindi sapat ang paliwanag mo para iwan at saktan ako. Hindi sapat ang mga sinabi mo para paniwalaan kong hindi mo nga ako niloko."

Pero sa kabila ng kalituhan ko, nangibabaw pa rin talaga ang sakit na nararamdaman ko. Mahal ko siya at ang sakit na pero mas masakit pa rin talaga ang ginawa niya.

Pinunasan ko ang luhang kumawala ulit sa mga mata ko. Kailangan lakasan ko ang loob ko. Kailangan magpakatatag ako. Para sa sarili ko. Para sa puso ko.


"Tatlong taon akong naghintay. Tatlong taon akong nasaktan. Ngayong okay na ako, babalik ka at tatanungin mo ako ng ganyan? Kung mahal pa ba kita? Sa tingin mo papaniwalaan pa kita? Ni hindi mo nga maipaliwanag kung ano ang namamagitan sa inyo ni Ashely. Kung bakit hinalikan mo siya noon, kung bakit nagtatago kayong nagkikita ngayon. Tama na, Troy. Sobra-sobra na 'yong sakit na nararamdaman ko. Hindi na rin tama na magpakatanga na naman ako para sa'yo. Nakakapagod na. Lagi na lang ganito, sa huli ako pa rin ang laging talo."

Tumalikod na ako para umalis na pero bigla niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit. Sobrang higpit ng hawak niya. 'Yung tipong ayaw na niya 'kong bitawan, ayaw na niya 'kong pakawalan. I pressed my lips together tightly at pinipigilan ko ang aking sariling 'wag nang umiyak. Sana noon pa niya ito ginawa. Sana noon pa niya ipinaramdam sa akin na ayaw niya akong mawala.

"Nica," Hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ulit siya. Hindi ko nagawang gumalaw man lang nang masilayan ko na walang tigil na tumutulo ang mga luha niya. Ngayon ay nakatingin na ako sa kanya ng walang kaemo-emosyon. Bakit? Bakit ganito ang ipinapakita niya?

"Kung kinakailangang lumuhod ako sa harap mo, gagawin ko. Tanggapin mo lang ako. Mahalin mo lang ulit ako." Sabi niya sa nahihirapang boses.

"Matagal akong naghintay."

Pinunasan ko ang pangako ko ay huling luha na papatak sa mata ko nang dahil sa kanya gamit ang kanang kamay ko. Naramdaman ko namang lumuwag ang kapit niya sa akin.

"Sobrang tagal. Alam mo bang binagalan ko ang pagmo-move on ko? Akala ko kasi babalik ka para sakin. Akala ko may isang salita ka. Wala pala. Pinagmukha mo akong tanga."

Pinilit kong tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa aking kaliwang braso. Ayoko ng ipilit ang mga bagay na tapos na. Tama na ang pagkulong ko sa aking sarili sa isang bagay na sinasaktan lang naman ako. Kahit gaano kasakit at gaano pa kahirap, haharapin ko ang realidad.

"Lumuhod ka man, magmakaawa ka man, hinding hindi na mababago pa ng gagawin mo ang nagawa mo na." Lakas loob kong sabi

Sa mga salitang 'yon, alam ko na na wala na 'yong happy ending na pinapangarap ko kasama siya. Magsisimula ulit ako sa uumpisa. Babalik ako sa starting line. Iiwanan ko na sa park na 'to ang mga panget na nakaraan. Dadalhin ko ang aking mga natutunan. Hahakbang ako ulit. Mas maganda kung ako na lang. Mas magaan, mas madali. Hinding-hindi ko dadayain ang susunod na laban. Darating din ako sa finish line. Magiging masaya din ako.

Tumalikod na 'ko at naglakad palayo. Hindi sasabay ang mundo sa pagtigil ko. Hindi lang ako ang nasasaktan dito sa mundo. Pero sila, lumalaban sila. Pilit na binibitiwan ang mga bagay na nagpapabigat sa buhay nila. Kung kaya ni Troy na iwan ako noon, kakayanin ko rin ngayon.

Bumalik ako sa Plaza Rotonda kung saan ako iniwan ni Knight. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako umiiyak. Kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Para sa mga taong nagpapalakas ng loob ko.

"Knight," bulong ko nang makarating ako sa tapat ng fountain. Nakita ko siyang nakatayo lang doon. Napakadilim ng paligid dulot ng lumalalim na ang gabi.

Tila narinig naman ata ni Knight ang pagtawag ko sa kabila ng hina ng boses ko.

Ang noo'y patay kong puso ay naramdaman kong pawang tumibok muli.

"Masaya ka na ba?" Sabi niya ng hindi lumilingon sa akin. Ang boses niya, hindi ko maintindihan pero parang... nasasaktan siya.

"Hindi kana ba iiyak dahil bumalik na siya?" Pagpatuloy niya.

Sa huling mga salita niya ay doon ko na napagtanto. Nakita niya ako. Nakita niya kami. Gusto kong magsalita, magpaliwag. Gusto kong sabihing hindi ako bumalik sa aking nakaraan. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan.

Humarap si Knight sakin. Kitang kita sa mukha nya ang lungkot, pangungulila. Namumula ang mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Alam mo bang mahal kita?" Mahinang  amin niya. "Oo, mahal kita, Jennica."

Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko yun sa bibig niya. Pilit kong inintindi lahat ng mga salitang binibigkas niya.

"Kanina, habang tinitingnan kita na sinabihang mahal mo siya sa harap niya, naisip ko na, if I were given a chance na bumalik sa araw na una tayong nagkakilala, una tayong nagkita, una tayong nagkatabi... Will I still choose it? Will I still choose the decision na buksan ang sarili ko
sa'yo, pipiliin ko bang makilala ka pa despite sa lahat ng sakit na nararamdaman ko..."

Bigla kong naalala ang sinabi ko sa kanya noon. Na kapag sinabi niyang mahal niya 'ko ay hinding-hindi ko siya paniniwalaan. It's not that I don't want to believe him. I just don't want to fall for him even more.

"Maybe I would still choose to know you. Maybe I woud still choose to sit beside you. I would still buy you ice cream, comfort you when you feel so down and lonely... and love you truly."

Nakatingin lang ako sa kanya na inilalahad ang nararamdaman niya para  sa 'kin. Ito na yata ang pinakahaba at pinakasinsero niyang nasabi simula nung nakilala ko siya. Unti unti akong lumapit papunta sa kanya.

'Tama na. Naniniwala na ako sayo.' Gusto kong sabihin ang mga salitang 'yon pero nanahimik ako. Ayoko siyang patapusin nang hindi niya nalalaman ang panig ko.

"But when I saw you with him, I realized that I wasn't for you. From then on I decided to set you free, though it hurts me 'cause you love him. I've been a jerk to you and I know how many times I've hurt you. I just want you to be happy."

I feel everything. From the fear I felt when I heard him say he is setting me free, to the pain in his sad eyes. Ayoko. I think such small and intricate thoughts; untouched blades, so dangerously sharp. These thoughts cut the deepest and yet a part of me craves to hug him tight. Ang huling mga salita niya ang nagpabagsak ng mundo ko.



"Bumalik kana sa kanya."

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now