Chapter 21: The Knight

3.2K 76 28
                                    

-KEVIN KNIGHT BUENAVIDEZ POV-

Nasa mall kami ngayon nina Jarren, Marco at Kentt.

Dapat ay nasa bahay lang ako ngayon at naghihintay gumabi para pumunta sa bar pero boring naman pag sa condo lang ako tatambay kaya pumunta kami ng SM.

Napagpasyahan naming pumunta na muna dito sa food court. Medyo nagutom din. Ang gugulo pa ng mga kasama ko.

Kumakain na kami pero iba din itong si Marco. Halos lahat nalang kasi na mga cute na babaeng nadaan ay kinikindatan niya.

Ito namang sina Jarren at Kentt , sinali pa ako sa kabaliwan nilang mag girl rating. So far naman ang pinakamataas na naibibigay namin ay 7. Pinakamababa ay 1. Aba. Hindi ako ang nag-rate ah. Si Marco.

Pagkatapos naming kumain, bumaba kami ng ground floor at dun pumasok kami sa Timezone. Nagkapustahan pa kami sa basketball.

Tulad nga ng inaasahan, panalo na naman ako.

Nakailang rounds pa kami pero wala eh, panalo pa rin ako.

"JENNA!"

Nabitawan ko ang bola na dapat ay ishu-shoot ko palang at awtomatikong napalingon ako sa labas ng Timezone pagkarinig ko ng pangalan na yun. Anraming mga tao at ang ingay dito sa loob kaya hindi ko malaman kung sino ang sumigaw nun.

Tinapik ko si Kentt at sumenyas na lalabas lang ako at nagmadaling tinunguan ang labasan. Dumarami na ang mga taong pumapasok at halos pagmumurahin at itulak ko silang lahat dahil haharang harang sila sa lintek na daraanan ko.

Tama man o hindi ang rinig ko, si Jennica man o hindi ang tinutukoy ng taong sumigaw ng pangalan niya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong puntahan kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa kanya.

Pagkalabas ko, nakita ko si Ashely na tumatakbo at parang may hinahabol siya.

Nang lumipad ang tingin ko sa labas ng mall, saka ko naman nakita si Jennica. Si Jennica.

Agad agad kong tinawag si Ashely pero hindi niya ako pinapansin. Binilisan ko ang lakad ko at marahas na hinawakan ang braso niya mula sa likod dahilan para mapatigil siya at napaharap sa akin.

Medyo nagulat rin siya nang makita niya ako.

"Ano bang nangyari?" kunot noong tanong ko sa kanya.

Nag-aalala ang mukha niya at para bang nag-aalangan siyang magsabi ng kung ano sa 'kin.

"S-si.. J-jenna." Panimula niya. Hirap pa siyang magsalita. Hinahabol pa niya hininga niya, "Ano kasi..."

Antagal bago niya dugtungan ang sinasabi niya kaya naubusan na ako ng pasensya. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat niya at niyugyog yun, "ANO?"

"Ano kasi, t-tulungan mo naman ako, oh. Habulin natin siya. Baka ano pang mangyaring masama—"

Parang nagkaroon ng sariling utak ang mga paa ko at tumakbo ng mabilis para habulin si Jennica. Hindi ko na binigyan pa ng pagkakataon si Ashely para tapusin ang sinasabi niya.

Bakit parang alalang-alala siya?

Habulin? Mangyayaring masama?

Ano ba ang nangyari?

Hindi ako kuryosong tao at hindi ko din ugali ang makialam pero ewan ko ba kung anong meron si Jennica at hinahabol ko siya ngayon.

Malapit ko na siyang maabutan. Takbo parin siya ng takbo na hindi lumilingon.

May nakita akong maliwanag mula sa aking kaliwa. Nakarinig ako ng mga sasakyang bumubusina at ingay ng mga tao sa paligid.

"What the hell!" bulong ko.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin