Chapter 12: Part 2

3.6K 81 27
                                    

-KEVIN KNIGHT BUENAVIDEZ POV-

Palingon lingon pa ako at siguro nahalughog ko na ng tingin ang buong gym, wala pa rin sila.

Bakit ba ang tagal nilang dumating?

Tsaka bakit kailangang sumama pa si Kentt?

Pipigilan ko na sana silang umalis kanina eh pero nagbago din naman ang isip ko. Baka ano pa ang isipin nila at sabihing wala akong isang salita.

Buti nalang dumating si Celine at naaliw ako ng konti. Bored ako masyado.

Celine's pretty, sexy and definitely MY type.

Mataas yata ang standards ko sa babae. Not like Jennica na baboy at madaldal na, bayolente pa.

Celine's not my girlfriend at lalong-lalo na ang mga babaeng lumalapit sa akin sa lobby, sa hallway, sa room at dito sa gym.

Nagkataon lang talaga na pag wala ako sa mood, ine-entertain ko sila.

Pero ewan ko ba kung bakit parang nawawalan na ako ng gana dito kay Celine.

Naiinip lang siguro ako. Antagal kasi nilang dumating.

Sa simula palang, sinasabi ko agad sa mga babae kung ano ang gusto ko at kung ano lang ang kaya kong ibigay. I never sweet talk to anyone and I never led any woman on thinking that they could get anything more from me.

I'm not a heartbreaker dahil sabi nila, okay lang naman daw.

Kasalukuyang kinakausap ako ni Celine pero hindi ako nakikinig dahil hinahanap ko sina Jennica at Kentt.

Asan na ba sila? May iba pa ba silang pinuntahan?

Nang lumipad ang tingin ko sa grandstand, nakita ko sina Jennica na nakaupo sa bleachers.

Mataman ko siyang tinitingnan at nakatingin din siya sakin. Ayokong bumitaw ng tingin dahil baka umalis na naman siya.

She's my slave.

Wala siyang karapatang maglakwatsa sa oras ng trabahong pagiging alalay ko lalo pa at nanjan lang si Kentt. Baka sumama pa sa kanya.

"Well I guess that I should get going."

Yan lang ang tangi kong narinig mula kay Celine kaya lumingon na ako sa kanya.

Nagulat pa ako nang halikan niya ko sa pisngi.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang sa kanya para umalis na siya.

Mayamaya pa ay bumaba na sina Jennica at Kentt at nakikita kong papalapit na sila sakin kaya tumayo na din ako.

Nang nasa harap ko na sila, tinitingnan ko si Jennica ng 'what's-the-matter' look kasi parang galit ata siya. Halos magdikit na ang mga kilay niya ".

Anong problema niya?

Hindi ba dapat ako ang magalit dahil ang tagal nilang dumating?

Hindi ba dapat ako yung galit dahil wala akong sinabing magpasama siya kay Kentt pero nagpasama siya? Gusto ko mag-isa lang siyang mamili dahil gusto kong mahirapan siya.

Kababaeng tao sumasama sa lalaking hindi pa niya lubos kakilala. Kahit naman na bestfriend ko yang si Kentt at alam kong hindi siya gagawa ng masama, lalaki pa rin yan.

Gusto ko tuloy ipasok ulit siya sa Grade one para maunawaan niya ng husto yun.

Teka, baka close na nga sila?

When Jennica thought I have nothing to say, she gave me a dirty look and rolled her eyes at me before leaving the gym.

Pipigilan na sana siya ni Kentt sa pag-alis pero pinigilan ko siya.

"Let her,"

Pinagmamasdan ko lang si Jennica habang padabog siyang naglalakad palabas.

What the heck was that?

Is she for real?

Kahit naman na galit siya sa 'kin hindi naman siya tatalikod ng ganun ganun na lang hanggat hindi niya ako natatalakan, ah?

Really, what's her problem?

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now