Chapter 35: Trapped

2.7K 73 74
                                    

Votes and comments sa mga active please. Naubusan na ako ng pag-dedicate-an eh. Wala na akong kilalang active readers nito. XD

____________________________________

Pakiramdam ko, parang tumigil sa pagdaloy ang dugo sa aking katawan. Bigla akong nanlamig at nanginig ng husto ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko nga ay parang mawawalan na ng mga buto ang aking mga paa. Ang hiling ko lang sana ay hindi ako matumba at bumagsak sa lupa. Nanghihina ako. Hindi nga ako nagkakamali ng dinig. Si Troy nga ang nagsalita.

"Kahit wala na akong mukhang maihaharap sa 'yo sa mga nagawa ko, please love me. Please turn around and look at me."

May mga bagay talaga na bumabalik nalang sayo ng kusa. Yung hindi mo inaasahan. Yung magugulat ka nalang bigla. Ang lakas ng hagulgol ko nang marinig ko ang mga sinabi niya pero wala akong lakas ng loob para harapin siya.

Ganun nalang ba 'yon? Inaasahan niya bang isang sabi lang niya, gagawin ko agad para sa kanya? Sobrang pasakit na ang binigay niya sa akin noon magpa-hanggang ngayon.

Oo, mahal ko pa rin siya. Hindi na niya kailangan sabihing mahalin ko ulit siya. Pero ang lingunin siya? Anong akala niya? Na simpleng bagay lang ang ginawa niyang pag-iwan sa akin ng mahigit tatlong taon, lokohin ako at syotain ang best friend ko? Ganun lang ba kadali ang lahat?

"Nica," Narinig ko na papalapit siya sa akin at pakiramdam ko ay mas lalo akong namutla.

Ramdam kong malapit na siya at madiing pinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil hindi ko alam ang gagawin. Gustuhin ko mang maglakad ulit ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi. Ayoko. Ayokong harapin at kausapin siya dahil natatakot ako sa maaaring mangyari. Ayokong lumingon sa likuran ko kasi baka pag nakatingin ako sa kanya, hindi pa nga siya nagpapaliwanag ay ang tanging gawin ko lang ay yakapin siya bigla at magmakaawang kalimutan nalang ang lahat at balikan siya.

"Jan ka lang." Kahit na humahagulgol ay nakaya kong sabihin sa kanya 'yon. Ramdam kong huminto din naman si Troy sa paglalakad. "Wag mo 'kong lalapitan. Wag mo 'kong tingnan."

Ayokong tingnan niya ako. Ayokong makita niya kung gaano ako nasasaktan at ka-miserable ngayon nang dahil sa kanya. Bakit niya ba ako sinundan? Hindi ba siya naaawa sa akin? Bakit niya ba ako pinapahirapan ng ganito?

Mas pinili na niya ang kaibigan ko. Bakit pa ba sinasabi ang mga bagay na kahit sa panaginip ay hirap na hirap akong tanggihan? Humakbang ako ng isang beses para umalis na. Ang bigat ng mga paa ko at tulo parin ng tulo ang mga luha ko. Na para bang ang hirap lumayo mula sa lalaking nagpasaya ng husto sa buhay ko.

"Nandito na ako. Harapin mo naman ako. Bumalik ako. Bumalik ako para sayo."

Lumakas na naman ng husto ang mga hikbi ko. Maniniwala na ba ako sa kanya ngayon? Ano ba! Magpapakatanga na naman ba ako? Wala ba talaga akong kadala-dala?

Pilit kong inaalisan ang nakaraan, kahit pilit, hindi ko maiwasan. Nandito na nga siya. At habang naririnig ko ang boses niya, naiisip ko ang mga masasayang araw naming dalawa pati ng mga ginawa niya, at heto. Tutulo ang pesteng luha. Nakakaasar. Nakakainis. Gustong-gusto ko ba talagang pahirapan ang sarili ko?

"Ganito ka na ba talaga kamanhid?" Hindi mapigilang sumbat ko sa kanya habang tumutulo pa rin ang mga luha ko at hindi pa rin siya hinaharap. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, magpapakita ka at sasabihin ang mga bagay na 'yan na para bang walang nangyari? Troy, ganyan ka ba talaga kamanhid, ha?"

Humakbang pa ako ng isa pang beses. Iniisip kong hindi nalang totoo ang lahat ng ito at ipinagdasal na magising na ako sa letseng bangungot. Kinurot ko na ang sarili ko pero wala... Totoo 'to. Nandito siya. At nasasaktan ako sa mga sinasabi niya dahil hindi ko alam kung sa akin lang ba niya sinabi ang lahat ng 'yan o sinasabi din niya ito sa iba.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon