Chapter 20: It's Him

3K 69 27
                                    


"Sigurado ba kayo sa gagawin natin?"

"Oo naman." Charmaine

"Eh, pano kung hindi natin to kaya?"

"Kaya yan." Ashely

"Pagsubok lang yan sa buhay." Charmaine

"AAAHHH!!! Yah! Yah! Patay kayo lahat sakin!!"

Nandito kami ngayon sa Timezone sa SM.

Naglalaro kami ng pukpok-pukpokan. Ang ingay ingay nga namin dito eh tapos nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Para kaming mga bata. Eh ganun talaga pag baby face.

Weekend eh. Ano pang gagawin, diba? Edi ang mag-enjoy.

Marami-rami na din 'tong mga tickets namin. Balak kong ipunin at solohin ang mga ito kasi ipagpapalit ko 'to sa gusto kong stuffed toy. Yun bang malaking malaking Papa Smurfs? Cute cute kasi.

Hindi naman yun pwedeng bilhin. Kailangan ticket talaga.

After namin dun sa pukpok-pukpokan, tinry din namin ang sa darts, motor-motoran saka sa car racing.

Nagpaunahan pa kami sa race car. Kung sino ang huling makaabot sa finish line, siya ang taya sa pag-vivideoke namin mamaya.

Safe ako kasi ako ang first place.

At ang malas ngayong araw na ito ay si......

Tentenenentenen!Walang iba kundi si Charmaine!

Naglaro pa kami ng iba pang games.

Grabe adik na ako sa mga nalalaglag na piso. Yung sa huhulugan mo ng piso para maitulak yung iba pang mga piso para malaglag at maging ticket? Nagtagal ako dun eh.

Samantalang sina Ashely at Charmaine naman ay masayang-masaya sa pagba-basketball. Ayoko nga dun dahil bukod sa walang lumalabas na ticket, ayaw ko talaga nun.

Ang gulo ko kausap.

Makailang beses pa naming naikot ang buong mall bago pa kami nakapag-decide mag-videoke. Di kasi namin alam kung saan kami pupunta eh.

Pang dalawang oras ang binayaran ni Charmaine kasi mahilig kaming magbasagan ng tonsils 'tsaka ng eardrums. Favorite namin to sa lahat.

Unang sumalang si Ashely.

Hay, kapapasok pa nga lang namin dito sa karaoke room basag na agad tenga namin ni Charmaine. Para pang baliw si Ashely na nakawala sa hawla niya sa itsura niya.

Mga isang oras na rin ang nakalilipas.

Kasalukuyang kumakanta si Charmaine tapos ako naman ay pumipili ng kanta ko.

Si Ashely, masyadong abala sa cell phone niya eh kaya hindi kami nag-uusap.

"Ah Jenna, labas na muna ako ah. May pupuntahan lang ako saglit," paalam ni Ashely sa 'kin maya maya.

Tumango lang ako tapos lumakad na siya palabas.

Nakakaintriga din itong si Ashely, eh noh? Saan ba siya pupunta?

Hala, baka makipagkita 'to dun sa callmate niya?

Masundan nga. Malihim kasi siya masyado eh.

Sa wakas makikita ko na din si TM!

Nagpaalam na muna ako kay Charmaine bago ako lumabas.

Sinundan ko si Ashely habang naglalakad siya pero syempre di ako nagpakita.

Hala, ang cool ko naman! Para akong isang spy nito eh.

Bumaba siya ng escalator kaya bumaba din ako.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now