Chapter 2: Part 2

4.4K 110 15
                                    

"See you, Ms. Jennica Ramirez"

"See you, Ms. Jennica Ramirez"

"See you, Ms. Jennica Ramirez"

Boses niya at ang huli niyang sinabi ang nasa utak ko ngayon!

Kinikilabutan ako... Para bang feeling ko 'delikado siya'.

Tsaka what's with the evil smile? WAAAAAAAAAA. Ang masama pa, pareho pa pala kami ng pinapasukang University. Iniiwasan ko na ngang wag na kaming magkita eh! Ayoko sa kanya!

Ang totoo nyan, nung huli ko siyang makita sa mall, gusto ko siyang makitang muli para tirisin! Hindi ko pa nakakalimutan ang atraso niya sakin noh! Nadagdagan pa nung pinaratingan niya akong pulubi. Mukha nya! >.<

Pero nang makita ko siya kanina, parang... parang ayoko ko na siyang makasalubong ulit. Nakakatakot na lalaki. Kung makangiti kala mo aso. Brrrrr.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"

"HOY! Problema mo?!"

Nakauwi na pala si Ashely di ko man lang namalayan. Maysa 'nuno' ata 'to eh.

"Kasi naman eh! Yung lalaking sinasabi ko sayo. Nagkita kami kanina at ang masama pa, nag-aaral siya sa school natin!"

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" Abat! Nakisabay pa sa pagsigaw ko ah.

"Hoy! Bat sumisigaw ka rin?!"

"Jenna naman kasi! Sa naikwento mo sakin, pinaghahampas at pinagsisigawan mo yung tao. Sinong di sisigaw? Natatakot ako para sayo."

"Wala siyang karapatang magalit! Sa akin siya may atraso!"

"Baka nagalit yun sa mga pinagsasabi mo sa kanya at maghihiganti siya. Hala ka!" Nagsulat siya ng "X" sa ere.

"Ano ka ba! Kaibigan ba talaga kita o ano?! Hindi ako natatakot sa kanya noh!"

LAGOT NA!

Baka hanapin ako nun tas chop-chopin? Alam pa naman nun ang buong pangalan ko. Tapos itatapon niya ako sa ilog? Sa ngiti niya kanina parang may binabalak siya eh.

Wag naman sana.

May mga plano pa ako sa buhay. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral at ipakita sa parents ko ang diploma ko. 3rd year na ako sa pasukan eg! One and a half year nalang ang kulang, sayang naman.

"Di ba parang PG?"

Buti naki-epal si Ashely sa iniisip ko. Hihi! Savior.. ;p

"PG?"

"Yung lalaki,"

"Anong PG?"

"Poor Guy!" ;D

Aysowsssss! Pauso pa eh!

"Hindi. Mukhang di nababahiran kamay eh,"

infairness ha, malambot kamay niya. Hinawakan niya kaya kamay ko nun. ;p

"Ano bang hitsura nung lalaki? Gwapo ba?" ^____^ Sabay siksik sakin. Tsismosang babae!

Hmmm.

Gwapo siya, ganda ng mata niya, matangkad, ang bango bango pa niya, tapos sarap pang yakapin ng lik— "HINDIIIIIIIIIIIII!!!" Napailing nalang ako. Bat ko ba ini-imagine mukha niya?! Waaa.

"Hindi? Ay, edi ichapwera na."

Kainis! 3 years ago, sinabi ko na sa sarili ko na ayaw ko ng maka appreciate ng lalaki eh.

If I felt something... Promise to God, I cut all the communications and stay away as much as possible because I'm afraid of what will be the outcome. Baka mahulog ako tapos masasaktan na naman ako.

Successful naman siya. Hindi na nga ako naapektuhan at naa-attract sa mga lalaki eh.

Kala ko tomboy na ako.

Hanggang sa dumating yung lalaki na yun. Eto na ba yung nafi-feel ko kanina? Na 'delikado siya' sa pagdating niya sa buhay ko?

Na delikado siya sa puso ko?

Hindi maaari!!!

Ganun ba kadaling pasukin ang pusong ito?! Di ba pwedeng pakipot muna?

Tsaka isa pa, di pa ako totally nakaka-move on dun sa First Love ko. I-mission accomplished ko muna siya tsaka pa ako maghahanap ng crush life. ;D

May konting bahid pa eh. May konting sakit pa. May konting paghihirap pa.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now