Chapter 46: Food War

117 7 2
                                    




Para akong matutunaw sa kinatatayuan ko sa tingin na ipinupukol ng mga players sa akin. Nagdadalawang isip pa ako na ibigay sa kanila ang mga pinaghandaan kong pagkain kasi hindi naman talaga ako gano'n kagaling magluto. Hindi naman kasi Food and Beverage ang major ko kundi General kaya less 'yong mga practicals namin.

Nang tumikhim ulit si Knight ay dali-daling sinuot nina Kentt ang sando nila at ang iba pa ay nagtago sa kurtina. Medyo awkward din sa part ko 'yon. Wala akong balak bosohan sila 'no. Kay Knight palang eh, ulam na kaya kontento na ako. Ehem.

"Ah, eh." Paano ko ba ipapaliwanag kay Knight 'to. Ayokong malaman niyang ako ang naghanda ng pagkain nila. Nakakahiya. Hindi ko pa nga siya napaglutuan noon. Hindi ko aakalaing sasaluhan nila ng barkada niya ang niluto ko ngayon. "Hehe. Ako kasi ang inutusan ni Mam Rosales na ihatid ang lunch niyo dito." kamot ulo kong sagot sa kanya.

Tumango lang si Knight at hindi na nagsalita pa. Hay naku, parang hindi talaga gelpren ang tingin sa 'kin nito. Opo mga kaibigan, bumalik po si Knight sa nakagawiang ugali niya.

"Oy ayos! Ang bango, mukhang masarap 'to ah!" sigaw ni Kentt at saka ako inakbayan. "Ikaw ba nagluto, Jenna?" tanong niya.

Awtomatikong umiling ang ulo ko. "Hindi 'no! 'Yong mga classmates ko!" Mabilis kong tanggi sa kanya. "Kumuha na kayo." sabi ko saka naman nag-agawan ang mga players para sa parte nila. Para talagang mga bata, sakto lang naman ang dinala ko, hindi naman sila mauubusan 'no.

Umupo ako sa tabi ni Knight pagkatapos kong isa-isang binigay sa mga players ang kanilang iced tea.

Nang lumingon ako sa gawi ni Knight ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang dahan-dahang buksan niya ang styro. Hindi ko aakalaing slow-mo din pati ang pagsubo ni Knight ng pagkain at nguyain ito. Napalunok ako.

"Masarap ba?" tanong ko sa kanya.

Matagal pa bago ako sagutin ni Knight kaya pinagpapawisan na ng husto ang mga palad ko. Napakapihikan pa naman niya. Siguro, kung lalaitin niya 'yong pagkain ko ay hindi na talaga ako magluluto kahit kailan.

"Okay naman." Walang emosyong sagot nya. Aba, 'yon lang?

"Okay naman?" Ulit ko.

"Yeap, ayos lang." He answered and I just slumped into my chair.

Ayoko naaa. Ayoko na talagang magluto! Dapat talaga tourism nalang 'yong kinuha kong kurso eh. Doon siguro, ang diskarte ko nalang 'yong naipakita ko, 'yong tipong makapaglalakbay ako sa kung saan saan at walang Knight na mang-iiunsulto sa-

"Thank you." Sabi niya makaraan ang ilang minuto kaya natigil ang imagination ko at napatingin ulit sa kanya.

"Ha? Para saan?" Kunot noong tanong ko.

Knight grinned, sitting up straight. "For this." He then answered. "For preparing all these for us. Thank you."

"Hindi naman-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalit ulit si Knight.

"Hindi naman siya masama. After all, you have the skills and I love you, don't I?"

I looked away instantly as he beamed at me.

Knight's beam could probably light up a room of shadows and I smiled inwardly, my mood brightening up after the things he said kahit na hindi gano'n kaganda ang description niya.

I pouted, "Paano mo nalaman na ako gumawa niyan?"

Knight smiled pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. "I know it just by looking at your facial expressions and how you throw questions."

Napangiwi ako. Masyado ata akong transparent pagdating sa kanya. Mabilis din akong maapektuhan pagdating sa kanya. Sa nakikita ko kasi, mabilis na naubos ng mga kasamahan niya ang pagkain at panay ang puri nila dito kahit hindi nila alam kung sino ang nagluto, sadyang importante lang talaga si Knight at ang komento niya.

Napatingin ako sa may pinto nang may marinig akong pumasok.

"Oh, boys, ready na ba?" Their coach shouted as he smiled widely, clapping his hands.

Dali-daling nagtipon ang mga players kasama si Knight sa gitna ng room. Hindi ako umalis sa pwesto ko pero tumayo ako.

"Ito na ang larong pinaghandaan natin ng ilang buwan kaya galingan niyo." Sabi pa nito.

Biglang tumahimik ang paligid at tiningnan ko sila na nakayuko ang ulo at doon ko napansin na nagdarasal sila kaya sumunod ako. Pagkatapos niyon ay inilagay ni coach ang kamay niya sa gitna at pinatong naman isa isa ng mga players ang mga kamay nila.

"For the win!" Sigaw ni coach.

"For the win!" Sigaw din ng mga manlalaro at doon ko nakita ang determinasyon ng bawat isa sa kanila.

Siguro kung titingnan mo sila ay napakulit, napakayabang at parang wala silang pakialam sa mundo pero kung makikita mo silang ganito ay hahanga ka talaga dahil determinado silang manalo para sa buong team at sa buong departmento ng Commerce.

Natigil ako sa iniisip ko at napatayo ako ng maayos nang lumingon ang coach nila sa 'kin. Sumunod naman ang mga manlalaro ng tingin.

"Yes?" Tanong ni coach na para bang tinatanong niya kung ano ang ginagawa ko sa room nila at kung ano ang pakay ko dito.

"Ah, ano po, ako po 'yong pinadala ni Madam Rosales. Ako po 'yong naghatid ng pack lunch." Mabilis at namumula kong sabi sa kanya dala narin ng hiya.

Tumango lang siya kaya mabilis na naglakad na ako papunta sa table.

"Sige po, kukunin ko na ang mga gamit." Sabi ko at isa-isang iniligpig ang pinagkainan at ilagay ang mga gamit sa cart.

Akmang lalabas na sana ako nang pigilan ako ni coach. "Sandali lang."

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kung hindi naman nakakahiya sa 'yo, hija ay baka pwede kang maging assistant ng team."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nalilitong tanong ko dito.

"Ang ibig kong sabihin," simula niya na tila hindi alam kung paano magpaliwanag. "Ang ibig kong sabihin, baka naman pwedeng mag assist ka mamaya sa game nila."

"Po?" Kunot noo kong sabi na hindi mawari ang gusto niyang ipahiwatig doon.

"Baka pwede kitang kunin bilang water girl muna ng team?"

Nanlaki ang mga mata ko at nagmistulang nabingi ako sa sinabi ng coach nila dahilan para hindi na ako makapagsalita.

"Ayos 'yan, Jenna!"

"Sama ka na sa grupo!"

Masayang bati sa 'kin nina Marco at Kentt.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon. Kung matutuwa ba 'ko dahil nakatakas ako sa gawain ko sa kitchen at kay Madam Rosales at makakapanood na ako ng game nila ni Knight ng malapitan o magtatago nalang ako sa kahihiyan.

"Tatawagan ko na ba ang teacher mo para ipaalam ka?" Tanong ni coach at wala na akong nagawa dahil ang mga manlalaro na ang nagkumpirma. Wow, ang galing. Sila na talaga ang nagdesisyon para sa akin.

I could see the heads of every girl as the team and me walked in the hallway, snapping over me and glaring at me nang makita nila ako na kasabay na naglalakad ng mga varsity players. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Bakit parang bumabalik yata ako sa simula? Deja vu ba ito?

"Tuwang-tuwa ka ba dahil alila niyo na naman ako?" Tanong ko kay Knight na katabi ko habang naglalakad.

Knight nodded and laughed. "Ikaw na yata ang pinakamagandang water girl na nakilala ko."

"Heh! Tumahimik ka! Hindi mo pinigilan ang mga kasamahan mo kanina." Irita kong sabi.

"I can't do anything about it. Gusto ko rin namang nando'n ka sa game. Shower me with water and love, okay?" He added and I flushed all over.

Hinampas ko siya sa braso and he laughed wholeheartedly.

"Isha-shower talaga kita ng isang balde ng tubig mamaya. Literal!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Where stories live. Discover now