Chapter 28: Truth about Forever

2.6K 67 22
                                    

"Bakit nandito 'yang lalaking yan? Kailan pa kayo nagkasundo na dalawa, ha?" Marahas na tanong sa akin ni Ashely sabay turo sa pinto kung saan nasa labas si Knight na siguro ay nakikipaglaro kay Nica.

Kakarating pa nga lang namin galing simbahan nina Knight at Veronica ay hinila agad ako ni Ashely dito sa kwarto ko para sermonan. Hindi niya kasi alam na umalis kami dahil wala naman sila dito nung mga panahong yun.

"Nagsimba lang naman kami eh." Sagot ko naman sa kanya sa mabait na tono.

Kanina kasi, Napagbuksan ko si Knight sa labas ng unit namin na nakapamulsa at seryosong-seryoso ang mukha. Gulat na gulat nga ako nun. Akala ko may kailangan na naman siya sa akin, yun pala mang-iimbita siyang magsimba daw kaming tatlo.

Sakto namang nakapagbihis na kami ni Veronica dahil magsisimba din naman kami. Alangan namang tanggihan ko pa si Knight, diba? Tuwang- tuwa pa nga si Nica eh. Sabi pa nga niya kanina happy family daw. Pftt.

"Ah, ganun ba?" sabi ni Ashely na para bang nakonsensya siyang sinermonan niya ako. Napansin ko kasi ang paglambot ng mukha niya at paghina ng boses niya. Aba, dapat lang noh. Saan sa tingin niya kami nagpunta? Sa plaza?

"Actually, aalis pa kami mamaya." Nasa mahina kong boses na sabi.

Akmang aalis na sana si Ashely at bubuksan na sana ang pinto nang marinig niya akong magsalita. Pumikit ako ng mariin. Inunahan ko na siya dahil alam kong sisigaw siya. Kung inaakala niyang mamamasyal kami at pupuntang plaza, baka nga hindi siya nagkakamali.

"ANO?" Malakas na sigaw niya sa pagmumukha ko na kamuntik ko ng ikabingi. Naku naman.

Eto talaga ang pinagtataka ko sa kanya eh. Sa tuwing maririnig niya ang pangalan ni Knight ay sumasabog nalang siya bigla. Bakit ba ang laki ng galit niya sa lalaking yun? Nagkaengkwentro ba silang dalawa? Ba't parang hindi ko naman ata alam yun?

"Naka-oo na kasi ako sa kanya eh. Nakakahiya naman kung babawiin ko pa." paliwanag ko.

Sisigaw pa sana si Ashely pero hindi na niya natuloy nang biglang bumukas ang pinto at dumungaw si Charmaine.

"Jenna, may plano ka pa bang lumabas jan? Naiinip na si Knight kakahintay sayo dun, oh."

"Isa ka pang konsitidor ka. Dito ka lang, Jenna. Palabasin mo na nga ang lalaking yun!" utos ni Ashely kay Charmaine.

Kung ganun nalang ang tulak sa akin ni Charmaine kay Knight ay siya namang hatak sakin pabalik ni Ashely. Hindi talaga sila nagkakasundo sa part na yan.

"Hindi! Umalis na kayo Jenna habang hindi pa nagdidilim. Ako na ang bahala sa babaeng 'to!" taboy sa akin ni Charmaine.

Pumasok na siya ng tuluyan sa kwarto ko pagkatapos ay tinulak ako palabas. Papagalitan ko pa sana siya kaso mabilis na naisarado na niya ang pinto. Nakakainis na babae. Kwarto ko, siya pa magpapalabas sa akin? Lokohan?

Narinig kong nagsisigawan na silang dalawa sa loob pero hindi ko yun naiintindihan dahil hindi naman klaro ang mga salita nila dito sa labas. Naiiling na dumeretso na lamang ako sa sala para puntahan sina Knight. Malala na kasi talaga ang mga kaibigan ko.

"Mommy!" masayang tawag ni Nica nang makita niya akong papalapit sa kanila. Tumatakbong sinalubong naman niya ako kasunod si Knight.

"Daddy said that I am soaking wet and I have to rest." sabi niya sa akin.

Ay, ang bait bait naman. Napangiti ako sa tinuran niya. Matigas ang ulo ng batang 'to at ito ata ang unang pagkakataong tumigil siya sa ginagawa niya para sabihing magpahinga na daw siya. Napatingin ako bigla kay Knight. Isa ba siya sa dahilan? May nagagawa naman palang mabuti itong lalaking 'to eh. Akala ko puro lang siya kayabangan sa katawan.

Mr. Conceited Jerk (Queen's Knight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon