Binalingan ko si Gabriel Grey. Halatang nagpipigil ng tawa ang loko.

Kainis yung pangalan niya! 'pakahaba Grey na nga lang itatawag ko sakanya, Alright, Grey then!

Dali-dali kong kinuha ang ballpen sa bag at nanggigigil na sumulat.

--- it's non of your business! ---

Iniabot ko sakanya ang papel sabay pasimple ko siyang siniko. Napahawak siya sa kaniyang braso na para bang nasaktan siya sa ginawa ko.

Am I being sadistic also like my friends? DAMN!

Umakto ako na parang wala akong ginawang masama.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha sa tainga ko. Ramdam ko ang maligamgam niyang hininga.

Holy shit! Anong ginagawa niya?

"Nga pala, hindi na kita kanina inistorbo sa pagdadasal mo, kaya nauna na ako," sabi niya habang pinipigilan niya ang sarili na matawa.

Umusog ang ulo ko at tinulak ko siya ng marahan. Ramdam ko parin ang pangingilabot ng ulo ko dulot ng kaniyang pag-bulong.

He's acting like a damn child, feeling close ang kupal at ang lakas mang-asar!

After a few minutes, we're all settled down.

Lumabas narin si Ma'am Arcy kaya muling nabuhay ang mga usapan, ngunit hindi na ganoon kalakas kumpara kanina at noong mga nakaraang araw.

Hindi ko na pinatulan pa ang pang-aasar ni Grey, nagpokus nalang ako sa sumunod na subject.

I encountered people like him before. Mga tipo ng lalaking pala-kaibigan pero hindi pwedeng pagkatiwalaan.

Minds full of malice, thinking that a homosexual like me is fantasizing them so they will end up dumping me. Para bang kapag nakisalamuha sila sa'kin ay nayuyurakan ang pagkalalaki nila.

Sana lang ay hindi siya ganoon dahil pagod na akong paligiran ng mga talangkang utak.

Mabilis na lumipas ang isang linggo sa paaralan. Medyo naninibago ako dahil I was expecting na magiging madali lang ang SHS life ko tulad ng JHS, but no. Literally a BIG NO!

Isang linggo palang pero tila malapit na ang final exam sa dami ng tasks na pinapagawa sa bawat asignatura at sandamakmak na assignments agad ang inuwi ko kaya hindi ko masyado na-enjoy ang weekends ko ngayon.

Marami narin akong kakilala sa mga kaklase ko at isa na 'don si Grey, na talagang napaka fc, but I admit he's charming. But sometimes I can't stop thinking if he is aware how charming and attractive he is, I mean why is he even...

God why am I even thinking 'bout him

"Jess! bilisan mo na riyan!" Bulyaw ng aking ina. Nasa labas na siya ng bahay.

I stared at myself in the mirror once again. Kanina ko pa sinusuri ang aking sarili kung ayos lang ang suot ko. I wore a light maroon liptint and I also put a very light powder on my face.

It's Sunday, we're going to church.

Minsan lang kami ni Mommy magsimba dahil madalas she's busy during weekends. Umaattend siya ng mga seminars and events with her friends. 'Yan ang libangan ni Mommy.

Gustohin man niyang mag-trabaho para may pagka-abalahan, but Dad didn't let her. Sapat naman daw ang pinapadala niya. Lately, 'yun ang pinag-aawayan nila. Pero sa huli, kagustuhan parin ni Dad ang nasunod.

"Jess!" Muling sigaw ni Mommy sa napakalakas na boses. Umaalingawngaw.

Napabalikwas ako at kabayong tumakbo palabas.

The Parallel Red StringsWhere stories live. Discover now