Epilogue

28 2 3
                                    

Zadie's POV:

It's already 11:45 am, malamang nagsisimula na ang ceremony ng kasal nito. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakangiting humarap sa mga kasama ko.

"Thank you guys sinamahan niyo ako," pagpapasalamat ko sa kanila at isa-isa silang niyakap.

"We will miss you so much, Zad!"

"Mamimiss ka namin, Zadie!"

Ningitian ko naman ang silang dalawa at muling niyakap sabay harap kay Levi at James na kasalukuyang boyfriend ni Camille.

"Kayong dalawa, alagaan niyo 'to, ah? Kapag nalaman kong pinaiyak niyo 'to lagot talaga kayo sa'kin," sambit ko sa kanila.

"Oo na, mami-miss din kita liit!" sagot sa'kin ni Levi at ginulo ang buhok ko. Napabusangot naman ako ngunit agad ko rin itong niyakap.

"James, ah, sabihin mo rin sa kapatid mo, huwag niya akong masyadong ma-miss!" sambit ko pa rito na ikinatawa nila. Mortal enemy ko kaya ang kapatid niya, pero ganoon pa man, I still care for her. Biruan lang naman ang pang-aasar ko sa kaniya.

"Kayong dalawa," tawag ko kay Cloud at Klein saka ito niyakap. "Huwag na kayong umiyak, mga bakla ba kayo?"

"Damn, make sure to comeback here, liit!" sambit pa sa'kin ni Cloud at muli akong niyakap. Natatawang niyakap ko naman ito pabalik.

"I will, kaya wag nang umiyak para namang tanga, e!" sagot ko pa.

"Zad..." tawag naman sa'kin ni Klein. Muli ko itong niyakap. Kahit hindi kami madalas magkasama ni Klein, para ko na ring kapatid 'to. Dahil sa kaniya, nakilala namin ni Cloud sila Levi. "I'll miss you."

"I will miss you too. Take care of yourself, huh?" saad ko pa na ikinatango niya. Nakangiting tiningnan ko silang anim bago ko kuhanin ang maleta ko.

"Amina si Scott at Taki. Kaya ko na 'to," sambit ko pa at kinuha ang dalawa.

Yes, kasama ko sila sa flight ko. They already used to be in their carrier for a long time. Hindi lang naman ito ang unang beses naming sasakay ng eroplano. Besides, Philippine Airlines allows passengers to transport animals, such as dogs, cats, and household birds, but only as checked baggage.

Hindi pwede sa cabin.

"Bye Zadie!"

"See you soon!"

"Mag-iingat ka roon!"

Kinawayan ko na lamang sila at matamis na ningitian. Mahina pa akong natawa nang makita ko ang mga luha ni Klein at Cloud. Mamimiss ko talaga silang pareho.

Before I check in for my flight, napatigil ako at napalingon sa likuran ko. This is it! Wala nang atrasan 'to. Ito na 'yung hinahanap-hanap kong lugar. Away from sadness, away from pain, judgement, and from people who keeps on blabbering about my life. This is a break that I need and wanted.

I really a need a break from this society.

Bigla ko tuloy na-realize na 'yung pain na nararamdaman natin may porpose 'yan, may reason 'yan kung bakit natin nararanasan, at darating at darating 'yan. All you have to do is to let it visit, cry it out, vent it out, bleed it out and then sabihin mo sa kaniyang umalis na siya, tama na.

If something causes us pain, like hell or like a hot stove, we have to remind ourselves and mind na we don't need to touch that hot stove or to leave that hell again para lang maalala ulit natin how painful it was sa simula.

Lie AgainWhere stories live. Discover now