Chapter 23 (Girls)

4 0 0
                                    

Keid's POV:

"Wala ba muna kayong cheer?"

"Meron kami sir!" sagot ng boys kaya agad akong napatingin sa kanila.

Pinangunahan naman ni Tyrone at Axel ang cheer nila at nagbilang ng tatlo saka sila nagsimula. "Boom give way, poging team is on the way! Boom give way, ang papangit niyo, boom!"

Aba! Aba! Aba! Excuse me, sinong pangit?!

"Ang kapal!"

"Kayo lang 'yung pangit!"

"Maganda na sana pero mas maganda 'yung samin!" sabat ko naman at binulungan sila isa-isa. Sinenyasan ko naman si Ara na magbilang.

"Just off the shores of Never Land A hideaway at sea," sabay-sabay na kanta namin. Humarap naman ako sa mga ka-team ko at saka sumigaw.

"Yo Ho!"

"Yo Ho!"

"Let's Go!"

"Let's Go!"

"A pirate band outwits the plans of Captain Hook and Smee!" kanta pa namin na sila namang ikinatawa ng boys. Kayo kaya si Captain Hook at Smee!

"Yo Ho!"

"Yo Ho!"

"Let's Go!"

"Let's Go!"

"The merry crew of Never Land Pirates. Through & Through - they're jolly buccaneers. Join with Jake and the Neverland Pirates. Come Along - We need some volunteers."

Ara! - Ahoy!
Zadie! - Ahoy!
Keid! - Ahoy!
Aenna! - Ahoy!
Janica! - Ahoy!

"Yo ho lets go! Hahahahaha!" pahabol ko pa na mas lalo nilang ikinatawa.

"Napakaganda at nakakatawa cheer, siguro naman ay handa na kayong lahat?" saad ni Sir Yuan habang natatawa parin ito.

Ang ganda kaya ng cheer namin!

"Sir yes sir!"

"On your mark, get set, Go!"

Nang marinig namin ang 'Go' ay mabilis kaming nagsitakbuhan oara kuhanin ang flag namin sa mga puno.

"Guys, satin 'yon, oh!" sigaw ni Janica habang nakaturo sa taas ng puno. Mahina naman akong napamura, wala pa nga kami sa station 1, pahirapan agad sa pagkuha palang ng flag?!

"Sino ang aakyat?" tanong samin ni Ara habang nakatingin sa mga boys na naghahanap parin ng flag nila.

"Ampvta! Hindi ko aakyatin 'yan!" sagot ko rito nang tingnan ako nito. Sunod niyang tiningnan ang mga kasama ko.

"Ako nalang"

"Hoy Zadie! Anong ikaw?!" gulat na tanong ko rito ngunit ningitian lang ako nito at hinubad ang tsinelas niyang ubod ng mahal. Ubod ng mahal tapos dudumihin lang niya, tsk! "Zadie! Malaglag ka, e!"

"Ingat ka Zad!" saad naman sa kaniya ni Janica nang magsimula itong umakyat sa puno ng narra. Kapag talaga may napilayan samin, babalian ko ng buto si Sir Chan at Sir Yuan!

"Nakuha ko na!" sambit ni Zadie kaya agad naming siyang inalalayan sa pagbaba.

"Dalian na natin!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa station 1. Si Zemie ang nagbabantay roon at si Nathan. Talagang pinaghiwalay-hiwalay nila ang mga team namin para walang dayaan.

Lie AgainWhere stories live. Discover now