Chapter 48

6 1 0
                                    

Zadie's POV:

Its been two weeks, at hanggang ngayon hindi parin kami nagkakayos, nag-uusap, nagkikita kahit sa chat. Ganoon din sa mga kaibigan namin ni Cloud. Mabuti nalang at naiintindihan ako ni Cloud at hindi na niya pinilit alamin kung bakit dahil maging sa kaniya, hindi ko parin kayang sabihin.

'Vince Toxillo added photo his story.'

Mapait akong napangiti ng tingnan ko 'yon. Litrato nilang dalawa ni Jasmine na naglalaro ng ml. Mukha kinuhanan sila ng hindi nila alam dahil hindi sila nakatingin sa camera.

Ngayon ko lang din na-realize, ang hirap pala kapag wala kayong label. Ang hirap-hirap palang gumalaw kapag hindi naman kayo in a relationship.

Bawal mag-demand.

Bawal magselos.

Bawal mag-expect.

At bawal magalit, kasi wala naman palang kayo.

Wala kayong label.

Dugdug.Dugdug.

Tama pa ba 'to?

Pft! Anong klaseng tanong 'yan Zad? Alam mong sa simula palang mali na. Bigla ko tuloy naalala 'yung laging sinasabi ng teacher namin sa Science dati, mali kapag walang label.

"Scott," tawag ko rito at kinarga siya. Sobrang bigat niya, pakiramdam ko mas mabigat pa siya sa'kin. Sobrang laki na ng anak namin ni Cloud. Pft! "Have you eaten yet?"

"Anak, hindi 'yan sasagot," sambit ni Papa kaya gulat akong napatingin dito. "Napadaan lang ako, akala ko kasi may lakad kayo ngayon."

"A-ah hindi ko po alam kung tutuloy pa kami ni Cloud," sagot ko sa kaniya at kinarga naman si Taki na nakabuntot kay Papa.

"Dalawang linggo ka nang nakakulong dito, ah"

"Grabe naman kayo Pa, lumalabas din naman ako kasama si Scott at Taki!" depensa ko.

Alam kasi ni Papa na pagkagaling ako ng school diretso uwi. To be honest, third year is more important than you think.

Third year is the time to ensure that we are on the right track toward fulfilling the requirements of our major. Baka kasi napipilitan kalang sa course na kinuha mo, kailangan talagang pag-isipan mong mabuti. Time is precious and the right decisions are crucial, but don’t stress too much.

Think of this as your milestone year. Isipin niyo 'yon, you have already completed half of the requirements of your degree. You must be proud of yourself! You’ve made it through the temptation years when freedom from home and partying are a costly distraction for many students like me.

I'm very proud of myself, despite my problems, family or friends, nakakaya ko parin. Kahit na nagba-bar pa ako paminsan-minsan. Hindi naman kasi masama kung paminsan-minsan kakalimutan mo 'yung problema sa school at magsasaya ka. But, we have to be diligent about how we manage our time and resources in third year. Dahil 'yung mga actions, or lack thereof, may have a way of creeping up on us in our final year.

"Sumama ka na anak, magiging busy ka na sa mga susunod na weeks," sambit pa ni Papa kaya muli akong napaisip. Kung tawagan ko kaya si Cloud?

Moon jja wat ssong! Moon jja wat ssong!

Speaking of the devil, si ulap!

'I'm on my way, sabi ni Keid at Ara pilitin daw kita na sumama ngayon.'

'Okay, magbibihis na 'ko.'

Matapos ko itong replyan ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako ng simpleng black t-shirt at denim skirt. Mahina pa akong natawa ng maalala ko ang laging sinasabi ni Keid saming dalawa ni Aenna.

Lie AgainWhere stories live. Discover now