Chapter 40

7 1 0
                                    

Keid's POV:

"Bakit kasi hindi mo nalang hiwalayan?"

"H-hindi ko kaya guys," sagot samin ni Yna kaya napailing nalang ako. Nandito kami ngayon sa bar at nag-uusap-usap tungkol kay Yna at Gunner, sa relasyon nila.

"Alam mo Yna, mas lalo lang kayong mag-aaway ni Gunner niyan. Bakit ba ang hirap sa'yong pakawalan siya? Hindi ba mahal mo na kamo si Cloud?" saad pa sa kaniya ni Ara na ikinatango-tango ko. Kung pukpukin ko kaya 'to ng high heels na suot ko para matauhan na siya?

"Tama sila Yna, hindi naman dalawa ang puso mo. Maawa ka kay Gunner," sambit naman ni Aenna.

"Mahirap naman talaga 'yung sitwasyon niya, e," pagtatanggol naman ni Zemie kay Yna. Kahit kailan talaga 'tong batang ito.

"Alam naman namin na mahirap, pero kung papatagalin mo pa, mas lalo ka lang masasaktan, Yna. Kayong dalawa ni Gunner," nakangusong sambit pa ni Ara.

"Kawawa naman kasi si Yna-"

"Naku, Zemie magtigil-tigil ka lang! Kunukunsinti mo pa kasi si Yna, mali naman talaga siya!" putol ko rito dahilan ng pag-iyak niya.

"Huhuhu! Kasi naman, e-"

"Zemie hindi mo kailangang umiyak. Ang samin lang, bilang kaibigan niyo, ni Yna, dapat bigyan namin kayo ng payo," mahinahong saad sa kaniya ni Ara. Nagpunas naman ito ng luha niya habang nag-iiwas ng tingin sa'kin.

Ang sarap paluin sa puwet nitong batang 'to.

"Kung iyan 'yung sa tingin niyong makakabuti samin, sige gagawin ko," nakayukong saad samin nito. Napabuntong-hininga naman ako at agad siyang tinabihan at niyakap.

"Okay lang 'yan Yna," bulong ko pa. Hindi naman kasi ako marunong mag-advice. Wala pa akong karanasan sa true love true love na 'yan.

"Pag-isipan mong mabuti Yna. Nandito lang naman ang team para sa'yo," saad pa sa kaniya ni Ara. Tama naman siya. Kahit ano mang mangyari, laging nandiyan ang TBL at syempre ang TPL para pagaanin ang loob niyo.

"Salamat sa inyo, guys. Sobrang thank you pero may kailangan pa akong puntahan. Kailangan ko nang umalis."

"Saan ka naman pupunta?" kunot-noong tanong ko. Ningisian lang naman ako ng bruha kaya napairap nalang ako.

"Hayaan mo na siya, baka may gagawin naman talaga," saad sa'kin ni Ara. Napabuntong-hininga naman ako at napasandal nalang sa inuupuan ko.

"Guys, nabasa niyo na ba 'to? Padami nang padami 'yung nambabasah sa tatlo, lalo na kay Zadie," saad samin ni Aenna kaya agad naming tiningnan ang phone nito.

"User si Zadie para sumikat, mang-aagaw talaga 'yang si Vince-what the?! Saan nila nakukuha 'yang mga pinagsasabi nila?" nakataas ang kilay na saad ko nang mabasa ko ang iba sa mga comments, under sa post na may relasyon si Zadie at Vince.

"Grabe 'to, oh, mas gusto raw pala ni Zadie ng mayaman, tapos lahat sila naawa kay Cloud kesyo pinagkaisahan daw, ginamit-lintek na mga nagko-comment na 'yan!" inis na sabi naman ni Ara. Napasimangot naman ako. Kamusta na kaya 'yung tatlo?

"Nasaan ba sila Zadie?" tanong ko. Wala kasi sila rito, nasa baba naman sila Axel, Gunner at Tyrone.

"Nag-uusap sila sa parking. Nag-aaway rin sila," sagot sa'kin ni Zemie kaya mas lalo akong napakunot ng noo.

"Si Jasmine kasi ang may kagagawan niyan, kaya nalaman ng mga taga-HU. Ngayon bina-bash na si Zadie ng mga fans nila ni Cloud dati!" saad naman ni Ara samin habang hawak-hawak nito ang phone ni Aenna. "Pati ba naman sa twitter namba-bash sila?"

Lie AgainWhere stories live. Discover now