Chapter 15

13 0 0
                                    

Ara's POV:

"Pst!"

Kaagad akong napalingon sa nag-pst sa'kin at hindi nga ako nagkamali, si Vince na nga iyon. Ano na naman kayang problema nito at kinailangan akong kausapin.

"Anong problema natin erp?" tanong ko rito nang makaupo ako sa upuang kaharap niya. Kinuha ko ang sandwich na nakalapag sa isang tray at binuksan iyon nang mapansin kong nakatitig lang ito sa ginagawa ko. "Bakit?"

"Did you wash your hands?" tanong nito na ikinagulat ko. Alam ba niya kung anong ginawa ko bago ako nagpunta rito?

"Anong sabi ni Vince?" tanong ko nang makalabas ako ng banyo. Success men!

"Hinahanap ka syempre, sabi niya may pag-uusapan daw kayo," sagot sa'kin ni Keid habang nasa laptop parin nito ang tingin niya.

"Anong sinabi mo?" tanong ko pa at inayos ang laman ng bag ko. Pinagsisiksik ko ang mga balat ng candy sa gilid ng kama ni Yna ng palihim habang nakatingin sa kaniya.

"Sabi ko nasa cr ka pa—"

"Pvta! Sinabi mo bang tumatae ako?!" I cut her words short. Mabilis akong kumuha ng unan at ihahampas na sana sa kaniya nang sumigaw ito.

"Hindi ko sinabi! Bruha, hindi naman ako tanga para sabihin pa 'yon!"

"H-huh? Oo, naghugas ako! Amuyin mo pa"

"Ts! Kadiri ka Ara! Sabi ni Keid nag-poop ka raw," putol nito sa'kin at mabilis na iniiwas ang mukha niya nang ididikit ko sana ang palad ko.

"Sinabi ni Keid 'yon?" tanong ko rito. Lintek talaga, humanda sa'kin ang babaeng 'yon kapag nagkita kami!

"Oo, naghugas ka ba talaga?"

"Umayos ka Vince, ah, hindi naman ako dugyot para hindi maghugas ng kamay pagkatapos tumae!" sagot ko na ikinatawa lang niya. Kasalan talaga 'to ni Keid, bruhang 'yon. "Anyway, bakit ba pinapunta mo ako rito?"

I heard him sigh. "I can't explain, pero what do you think? May iba ba sa'kin, changes or anything na hindi ko naman ginagawa dati?"

Napakunot naman ako ng noo sa tanong niya at saka napaisip. Tbh, malaki ang pinagbago ni Vince simula nang mawala si Rin. Madaming nagbago sa kaniya pero habang tumatagal ay nasasanay naman kami, hindi naman kasi mapipigilan 'yon 'di ba?

"Wait, ngayon ko lang din na-realize, ah," sagot ko dito at gulat siyang tiningnan. Shocks! Bakit ngayon ko lang napansin? "You've change a lot, erp!"

"R-really?"

"Oo, teka isa-isahin ko, ah. Una maliwanag na 'yang mukha mo. Unlike before, walang kaemo-emosyan 'yan tapos nakapaseryoso," sagot ko pa rito na ikinatango-tango naman niya kaya muli akong nagsalita. "Nakikipagbiruan ka na rin samin. I even saw you laughing with us! Damn! Anong meron erp?"

"I don't even know what's wrong with me, pre."

"Ano ka ba! It's good to know na masaya ka na ulit," saad ko at ningitian pa siya bago kumagat ng sandwich. Matagal na kaming mag-pare nitong si Vince. Nakilala ko siya noong high school student kami.

"It's good?" paninigurado niya na tinango-tanguan ko naman. "I don't think, it's good."

"Why? Nagdu-drugs ka ba kaya high ka minsan?" pagbibiro ko dahilan para tingnan ako ng masama nito. "Kidding! Bakit nga? In love ka ba? Inspired?"

Lie AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon