Chapter 37

6 1 0
                                    

Cloud's POV:

"Nakasakay na kami sa bus, ang kulit niyo naman, e!"

"Tsk! Ang sungit mo naman!" saad naman sa'kin ni Zadie at palihim akong siniko.

"Kami rin, katabi ko 'tong si bruha," sagot naman samin ni Ara at itinapat ang camera niya kay Keid. "Tapos, ayon sila sa likod. Guys kaway kayo, si Zadie at Cloud!"

"Basta guys, kita-kita nalang. Matutulog muna kami ni Zadie," saad ko at binabaan sila. Napataas naman ako ng kilay nang mapansin ko ang masamang titig ni Zadie. "Bakit? Maglalaro ako, e."

"Tsk! Puro ka ml," sagot naman niya na ikinangisi ko. Agad kong hinablot ang cellphone niya at pinindot-pindot 'yon.

"Samahan mo na ako, hindi ka naman makakatulog," saad ko sa kaniya. Napailing naman ito ngunit agad ding tinanggap ang pag-i-invite ko. Hindi naman ganoon kalayo ang una naming pupuntahan dahil dito lang din sa Manila.

"Bumaba na 'yung rank ko, nilalaro 'to nila Ara at Keid," nakangusong sambit niya kaya mahina akong natawa.

"Retreat na, retreat na Zad," bulong ko rito ngunit ang babae sumugod pa. "Sabi ko kasi retreat na, ilang taon ka lang hindi nag-ml 'di mo na alam 'yung retreat?"

"Your bestfriend has been slain, hahahaha!" asar pa nito kaya napailing nalang ako. Hindi ko malaman kung sinadya ba niyang magpapatay o talagang nakalimutan lang niya.

"Ayusin mo naman, Zad," mahinahong sambit ko rito nang magpakamatay na naman ito.

"Nakakatamad-"

"Ililibre kita sa lahat ng bibilhin mo, ayusin mo lang," saad ko kaya agad siyang napangisi at muling humarap sa phone niya. Ibang klase rin talaga 'tong si Zadie. Siya lang ata ang kilala kong mayaman na sobrang kuripot.

Natapos kami sa paglalaro ni Zadie. Sobrang ginanahan ata siya sa sinabi ko kaya mvp pa ang nakuha niya.

"Hoy lovebirds, nandito na tayo sa Art in Island!" tawag samin ni Denise kaya agad kaming sumunod sa kanila palabas.

"Zad, dala mo ba 'yung camera mo?" rinig ko tanong ni Levi rito. Ibinigay naman niya 'yon sa kaniya. "Hindi tinanong ko lang, dala ko naman 'yung camera ko."

"Cloud, picturan mo 'ko. Picturan kita pagkatapos," sambit naman niya sa'kin. Tumango na lang ako at sumunod sa kanila. "Nag-text sila Ara, papunta palang sila."

"Baka hindi na nila tayo maabutan, sa EK nalang kamo tayo magsama-sama," sagot ko naman dito habang hawak-hawak ang camera nito, pini-picture-an siya.

"Oo nga para sila Denise muna 'yung makasama natin ngayon," sagot niya. Ngumiti naman ako nang ako ang kuhanan nito. "Itabi mo 'yan, sayang 'yan."

"Guys, tara picture tayong lahat!"

***

Keid's POV:

"Guys, hindi na natin sila maabutan, malamang nasa dulo na sila!" nakangusong saad ko nang makababa kami sa bus.

"Okay lang 'yan, ang mahalaga sa EK tayo magkasama-sama," sagot naman sa'kin ni Ara. Nagsipasukan naman kami sa loob at nagtanggal ng mga sapatos namin.

"Photographer natin si Keid, ah!"
"Oo nga Keid, ikaw bahala samin!"

"Basta ako una niyong pi-picture-an!" sagot ko naman sa kanila. Inihanda ko ang camera ko na iniregalo pa sa'kin nila Ara.

Lie AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt