Chapter 27

10 0 0
                                    

Ara's POV:

"Bye Zadie!"

"Zadie text-text nalang!"

Kinawayan naman kami ni Zadie bago ito tuluyang bumaba ng bus. Pauwi na kasi kami nang madaan kami sa tinitirahan ni Zadie. Pwede naman kasing umuwi muna, pero ang iba samin ay sa campus ang uwi.

"Sir papasok po ba kami bukas? Wala po bang pahinga?" tanong ni Keid.

"Pwede namang hindi, depende sa inyo pero kailangan ay humabol kayo sa lessons," sagot ni Sir Chan kaya lihim akong napangisi.

"Huwag na tayo pumasok bukas!" sambit ko sa kanila.

"Oo nga! Basta ako, matutulog maghapon!" sambit naman ni Keid at kinumbinsi si Aenna at Yna.

"Kayo ba?" baling ko sa mga boys. Tumango lang sa'kin si Gunner at Axel. Mga inaantok pa kasi kaya wala rin sila sa mood mag-ingay. "Ikaw, Cloud? Vince?"

"Uuwi muna kami ni Vince," sagot ni Cloud kaya napatango-tango naman ako.

"I-kamusta mo kami kay Kuya Khalil, Vince!" saad naman ni Yna.

Kapatid ni Vince si Kuya Khalil, graduated na siya kaya hindi na namin siya nakakasama. Busy na rin siya sa cafe niya at sa pagsupport niya sa pagiging fashion designer ni Tita Alice, ang mother nila. Si Tita Alice din ang kumukuha samin for modeling ni Vince. Sa pagkakaalam ko ay may libo-libo na silang branches na sinusupplyan ng mga designs nila.

"Vince!" tawag ko rito at tumabi sa kaniya nang huminto ang bus namin dahil sa traffic. Nagtaas naman ito ng kilay ngunit nasa cellphone parin niya ang tingin. "Itanong mo kay Tita kung kailan tayo ulit tayo isasalang."

"Ha?"

"Itigil mo muna kasi 'yan!" sambit ko dito at kinuha ang phone niya. Iritable naman ako nitong tiningnan at tinaggal ang earphone niya. "Ang sabi ko itanong mo kay Tita Alice kung"

"Just ask her, nandito 'yung number niya," sagot nito at ibinigay sa'kin ang isa niyang phone kaya agad kong ibinalik sa kaniya ang pinaglalaruan niyang cellphone.

"Pft! 15% nalang 'to, ah?" natatawa kong saad dito nang buksan ko ang phone niya. Agad kong hinanap sa contacts niya ang number ni Tita Alice.

"Zadie used that"

"Si Zadie?!" gulat kong tanong dahilan para mapatingin sila samin ni Vince. Tiningnan naman ako nito ng masama habang ningingitian ko lang siya at ang mga nakatingin samin. "Ginamit 'to ni Zadie?"

"Tsk! Kunin mo nalang 'yung number ni Mom, ang ingay-ingay mo," sagot nito sa'kin. Napanguso nalang ako at s-in-ave sa contacts ko ang number ni Tita Alice.

Nang makabalik kami sa campus ay sinalubong kami ng dean, kaya agad namin itong binati.

"Congratulations sa inyong lahat, huwag kayong mag-alala bibigyan namin kayo ng incentives. Papayagan din namin kayo na magpahinga hanggang bukas," saad nito samin na ikinangiti naming lahat. Sulit na sulit ang pinambayad namin sa camping.

"Thank you po, dean!" sabay-sabay na sagot namin bago nagsibalikan sa kaniya-kaniya naming dorm. Sayang at wala si Zadie, wala tuloy akong kasama rito.

Kringg! Kringg!

"Yes keid?" sambit ko nang sagutin ko ang tawag nito.

"Magpapa-laundry ka ba? Sabay ka na samin nila Zemie."

Lie AgainWhere stories live. Discover now