Chapter 6

19 2 0
                                    

Zadie's POV:

"Welcome to Toxillo University, Mr. and Ms. Hixson!"

Napatingin ako sa mga estudyante na nasa second floor hanggang sa fifth floor ng building na nasa harapan namin. May inilabas silang banner na nakasulat ang sinabi nila matapos kong mabuhusan ng pintura.

Grabe! Napakagandang pa-welcome! Magpasalamat sila at hindi nalagyan ng pintura ang sapatos ko kung hindi makakakita sila ng demonyo!

"Pft! Buti nalang pala-"

Napahinto sa pagtawa at pagsasalita si Cloud nang may lumapit saming isang lalaki na may ka-edaran na.

"Pasensya ka na, Ms. Chrysler. Ayan ang hiniling nilang pa-welcome sa inyo," saad niya habang nakangisi. Napatingin naman ako sa damit at katawan kong nagkulay asul na. Nakangusong napairap ang mga estudyanteng nakatingin samin mula sa itaas. "Tanggapin mo 'to, bagong uniform."

"Nasaan po ang shower room niyo?" tanong ko matapos kuhanin ang damit na ibinigay niya sa'kin.

"Diretso ka lang diyan and then kaliwa," turo niya sa'kin. Matapos kong magpasalamat ay agad kong sinenyasan si Cloud na hintayin ako at mabilis na nagtungo sa shower room.

Sana naman ay walang mag-post ng picture ko sa internet!

Matapos kong makapagbihis ay agad akong humarap sa salamin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Mabuti nalang at may halong tubig ang ibinuhos nila sa'kin kaya madali ko iyong natanggal. Nang pabalik na ako ay marami na akong nakasalubong na mga estudyante. Binabati ako ng ilan habang pinagbubulungan at pinagtitinginan naman ako ng iba.

Hello? Ako lang 'to oh, 'yung binuhusan niyo ng pintura.

"Zadie, hahanapin ko muna 'yung dorm ko. Halika na, magkatabi lang naman 'yung building ng dorm natin," salubong sa'kin ni Cloud habang hila-hila ang maleta namin. Tumango lang ako at kinuha sa kaniya ang maleta ko at isinukbit ang bag ko. "Diyan sa kanan, nasa envelope 'yung number. Kita nalang tayo sa cafe."

"Okay, sige," sagot ko at lumiko sa kanan. Napahinto ako nang bumungad sa'kin ang limang palapag na building. Napatingin ako sa number na nakasabit sa pinto. Nasa first floor ang dorm number one to five. Number 12 ang akin kaya sigurado akong sa 3rd floor ko iyon matatagpuan.

Pumasok ako sa gate at umakyat ng hagdan. Walang tao ngayon dito dahil lahat ng mga estudyante ay hindi allowed na magtungo sa kani-kanilang dorm kapag oras ng klase o break. Dismissal lang sila pu-pwedeng bumalik sa dorm nila. Isa pa may curfew ang Toxillo University, 4pm-8pm ka lang pwedeng lumabas at 10pm ang lights off.

Lahat ng rules and regulations ng school ay nabasa ko na kahapon.

Nang mahanap ko ang dorm number ko ay agad kong kinuha ang susi mula sa wallet ko at binuksan iyon. Bumungad sa'kin ang isang isang double-deck na bed. Hindi iyon pangkaraniwan dahil may nakikita akong pweding lagyan ng mga gamit sa hagdan.

May dalawang study table rin sa gilid na katabi ng isang malaking cabinet. Sa kanan naman ay may isang maliit na kabinet din at cr.

No wonder kung bakit mayayaman ang mga nag-aaral dito lalo na ang mga kumukuha ng dorm.

Ipinatong ko ang bag ko sa couch at binuksan ang malaking cabinet. Wala iyong laman kaya sunod kong binuksan ang mga lalagyanan sa hagdan papunta sa pangalawang kama at may mga laman iyong damit pati narin ang maliit na cabinet sa gilid.

Sinuri ko rin ang comfort room. Malinis iyon at kumpleto ang mga gamit. Mabuti nalang at nagdala ako ng sarili kong pampaligo dahil malapit narin maubos ang nandoon.

Lie AgainWhere stories live. Discover now