Chapter 23 (Boys)

7 0 0
                                    

Axel's POV:

"Station 3 ang una nating pupuntahan," sambit samin ni Vince. Nang humudyat na si Sir Chan ay mabilis kaming nagsitakbuhan para hanapin ang flag namin.

"Kapag minamalas ka nga naman! Sinusumpa ko talaga ang makakuha ng flag nito!" bulong ko at inihagis ang flag ng team ni Ara sa puno.

Ayaw naman sumabit!

"Nasa puno 'yung flag natin!" rinig kong sigaw ni Gil kaya agad kong inihagis muli ang flag ng girls na nakuha ko sa gilid ng puno.

"Ako na ang aakyat!" prisinta ko at nagsimulang umakyat sa puno ng narra. Nang makuha ko ang flag namin ay mabilis akong bumaba nang may kung anong nilalang ang kumagat sa braso ko. "Aray! Pvta! Napakadaming antik!"

"Let's go, sayang ang oras," sabi samin ni Vince kaya naman medyo nagpaiwan ako. Hindi man lang ako tinulungang alisin 'yung mga antik!

"Siko at tuhod lang ang gagamitin!" sigaw samin ni Yna nang magsimula kaming gumapang sa putikan. Basic lang naman 'to samin kaso hindi sinasadyang dumausdos si Tyrone kaya naitungkod nito ang kamay niya.

"Minus 1! Tyrone!" sita sa kaniya ni Yna na ikinatawa ko.

"Hindi naman sinasadya, e! Sabunutan kita diyan, e!" sigaw nito pabalik sa kaniya na mas lalo kong ikinatawa.

"Tawa ka nang tawa riyan, 'yung paa mo! Minus 1 ulit!" sita naman sa'kin nito kaya pinagtawanan naman ako ni Ty at Gil.

"Cloud huwag kang madaya! Minus 1!" sigaw nito kay Cloud. Nang makatapos kami ay agad na kinuha ni Tyrone ang pitong flag saka kami dumiretso kay Sarah.

"Lintek na shakeys 'yan!" tawang-tawang namin saad nang masagutan na namin ang mga hinanda nito quiz 'daw'!

"Last three question, ilan ang stars sa American flag?"

"51!"

"Wrong!"

"52 stars!"

"Kung ang vinegar ay suka, ano naman ang toyo?"

"Soy sauce!" sabay-sabay naming sagot. Kapag madadali lang, talagang magkakasabay-sabay kami. Hindi tulad sa naunang tanong, si Vince lang ang nakasagot.

"Saan binaril si Rizal?"

"Sa likod!"

"Hahahaha! Inamo Ty!"

"Pft! Sa likod ampvta!"

"Totoo naman, ah-aray!"

"Ayan nabatukan ka tuloy! Hahaha!" tumatawang sabi ko matapos siyang batukan ni Vince.

"The site where Rizal was executed...West of Bagumbayan Field also known as Luneta Park?"

"Correct! Ito ang tatlong flag niyo, Goodluck!"

Mabilis kaming nagpunta sa field kung saan may sexy na babae ang naghihintay samin doon. Napasipol naman ako nang bigla akong batukan ni ulap.

"Kapag ikaw narinig, lagot ka kay Vince," bulong niya kaya napatikom nalang ako ng bibig.

"Hello sa inyo! Tuturuan ko kayo ng left and right dance challenge, handa na ba kayo?"

"Opo!" sabay-sabay naming sagot kaya nagsimula itong magturo.

"Okay, dito ko na kayo bibigyan ng grade!" sigaw samin nito at plinay ang music. Napasayaw naman kami ng 'di oras kahit pa hindi kami nagkasabay-sabay.

Lie AgainWhere stories live. Discover now