Chapter 44

8 1 0
                                    

Zadie's POV:

"Pupunta ba tayo, Cloud?"

"Oh bakit parang wala ka sa mood? Are you okay? May nararamdaman ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin nang abutan ko siya ng juice. Pabagsak akong naupo sa upuan at nakangusong humarap sa kaniya.

"Wala lang, gabi na kasi"

"Pft! Joke ba 'yan? Halos abutin nga tayo ng ala-una sa bar tapos sasabihin mo gabi na?" hindi makapaniwalang sabi nito sa'kin.

"Ayoko muna silang makita Cloud," bulong ko ngunit mukhang hindi niya narinig. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko pa sila haharapin. Oo, matapang ako, amazona na kung amazona, makapal din mukha ko, pero sobra-sobrang kahihiyan na 'yung ginawa ko.

"Hurry up, kanina pa sila nandoon," saad niya at naunang tumayo palabas sa kusina. Nang mapansin nitong hindi ako nakasunod ay mabilis niya akong binalikan at hinila. "Hindi ka ba excited na makita sila?"

"Cloud, ayoko talaga," pigil ko rito ngunit hindi ako pinansin ng lokong ulap.

"Special day para kay Keid 'to, magtatampo 'yon kapag hindi tayo pumunta. Isa pa, isang linggo narin noong huli tayong nag-hang out," pamimilit pa nito sa'kin. Hindi na ako nakipagtalo pa, ayoko rin namang magalit o magtampo sa'kin si Keid dahil special nga naman ang araw na 'to for her. Ngayon kasi ang tatlong taon niya sa pagiging vlogger.

"Fix yourself, liit. Tingnan mo nga 'yang mukha mo sa salamin!" sambit pa nito sa'kin at ibinaba ang salamin na nasa kotse niya.

Napatingin naman ako sa salamin. Nakabusangot ang mukha ko, kaya agad ko 'yung pinalitan ng seryosong mukha at walang emosyon na mga mata. Kailangan kong panagutan 'tong sinimulan ko. Bukas o sa susunod, sasabihin ko na talaga kung ano at sino talaga ako.

Ayoko nang magpanggap pa.

Ayoko nang patagalin pa ito at paabutin pa sa pag-uwi ni Ate Za.

Sasabihin ko na rin sa kaniya ang tungkol dito.

"I said we're here!"

Dugdug.Dugdug.

"A-ah, oo nga," sambit ko, nagmamadaling tinanggal ang seat belt bago lumabas ng kotse niya.

"Are you really okay?" may bahid na pag-aalalang tanong niya. Pagtango na lamang ang isinagot ko at naunang pumasok sa loob. Malamang nandito na sila, napansin ko na kasi ang mga sasakyan nila.

"Hi Zad!"

"Yo guys!"

"Dumating din!"

Ningitian ko lamang sila at naupo sa gilid. Maging si Vince ay hindi ko nagawang lapitan, buti na lamang at busy siya sa cellphone niya.

"So guys! Congrats sa'kin, thank you sa inyo and let's partyyy!" sigaw ni Keid at ininom ang bote ng beer na in-order nila. Lihim akong napangiti, ilang buwan ko na rin silang kasama. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba silang iwan o kalimutan kapag nangyari ang kinakatakutan ko.

"Hi Zad!" bati sa'kin ni Ara kaya ningitian ko ito nang pilit. Nakakunot-noong humarap naman ito sa'kin at sinalat ang noo't leeg ko. "Wala ka namang sakit, ah, ba't ang tahimik natin?"

"Baka nag-away sila ni ano," pabulong na sabi naman ni Keid nang maupo ito sa tabi ko. Napakunot naman ako ng noo at napatingin sa direksyon ni Vince na siyang ninguso niya.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magbuntong-hininga.

Will he let me explain what I did this?

Lie AgainWhere stories live. Discover now