Chapter 28

8 1 0
                                    

Keid's POV:

"Excuse me, pwede po ba magtanong?"

"Yes po ma'am?" saad nito habang nagbubuklat ng mga papel. Nandito ako ngayon sa Sail Residence, dito sa MOA. Dito ko kasing natatandaan na bumaba si Zadie kahapon.

"So ayon guys, nandito na tayo. Itatanong muna natin ang condo ni Zadie," sambit ko sa dalawa kong camera at humarap muli sa babae.

"Anong number ang condo unit ni Ms. Zadie Aria Chrysler?"

"Wait lang po ma'am, ah, itatanong ko muna po si Ms. Chrysler kung"

"Ate naman huwag kang kj! Suprise visit nga, e!" putol ko rito at pinakita siya sa camera.

"Gano'n po ba ma'am? Kaano-ano po ba kayo ni Ms. Chrysler?" tanong pa nito. Ang dami namang tanong, hindi nalang kasi ibigay, e!

"Kaibigan niya po ako."

"Unit number 17, ma'am," sagot nito sa'kin. Agad akong nagpasalamat at sumakay ng elevator.

"So guys, papunta na tayo sa unit ni Zadie. Kung gusto niyong pagnakawan si Zadie, unit 17 dito sa MOA. Hahahah! Charot!" sambit ko sa camera. Nang bumukas ang elevator ay agad kong hinanap ang unit number 17. "Nandito na tayo guys sa unit 17, pindutin na natin 'tong door bell. Hindi ko sure kung door bell ba tawag dito Hahahaha!"

Nang mapindot ko ang door bell ay agad akong kumaway-kaway. Ang alam ko kasi ay tinitingnan muna nito sa parang screen kung sino ang nasa labas. Makalipas ang ilang segundo ay hindi parin ako pinagubuksan ni Zadie kaya muli akong nag-door bell.

"Guys tumutunog na"

Napahinto ako nang magbukas ang pintuan ngunit walang Zadie. Pero isang maliit na aso ang sumalubong sa'kin.

"OMG! Ang cute! Ikaw ba nagbukas ng pinto? Hala, paano mo 'to nabuksan?" sambit ko at lumuhod dito nang bigla itong tumakbo papasok.

"So guys nandito na tayo, first time kong makarating sa unit ni Zadie." sambit ko at ipinakita ang loob ng unit ni Zadie. Magkano kayo ang rent dito?

"Scott stop it!"

"Zadieahhhh! Mommy!" sigaw ko nang makita ko ang isang napakalaking aso na tinawag ni Zadie na Scott. Gulat naman itong napatingin sa'kin.

"A-anong ginagawa mo rito, Keid?" gulat na tanong nito sa'kin.

"Suprise! Suprise visit sana 'to kaso mukhang ako 'yung na-surpise sa aso mo!" sagot ko sa kaniya na siyang ikinatawa niya. Pinaupo naman niya ako sa couch. "Zadie, mag-hi ka naman sa kanila."

"A-ah hi sa inyo!"

"Ano bang ginagawa mo at naka-apron ka?" tanong ko nang mapatingin ako sa suot niyang apron na may chocolate syrup pa. "Ang dugyot mong tingnan babes"

"Nag-be-bake kasi ako! Nag-bake ako ng cupcakes nung nagdoor-bell ka," sagot niya na ikinatango-tango ko naman. Nang magsitahol ang dalawang aso nito ay agad ko siyang tinanong.

"Anong pangalan niyang mga alaga mo Zadie?"

"Si Taki at Scott, sila 'yung mga kasama ko rito," sagot niya. Ang cute talaga ng maliit na kulay white na aso. Sabi ni Zadie, maltese raw 'yon at golden retriever naman si Scout na kasing laki na ata niya.

Lie AgainWhere stories live. Discover now