Chapter 11

10 1 0
                                    

Zadie's POV:

"Ms. Zarine Ycá Villin! Why did you fvcking do this to me?!" malakas na sigaw ni Vince dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong glass sa gulat.

"Z-Zarine?"

"Zadie! A-are you okay?!" nag-aalalang tanong sa'kin ni Cloud nang lapitan ako nito. Nilayo pa niya ako sa mga bubog ng wine glass na nabasag ko.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango rito at umiwas ng tingin sa mga kasama namin. Hindi ako makapaniwala na si Rin at si Ate Za ay iisa. Bakit hindi ko man lang naisip 'yon?

"Kilala mo ba si Zarine, Zadie?" tanong sa'kin ni Keid. Nakatingin din sa'kin ang iba pa naming kasama at maging si Vince na hinihintay ang sagot ko.

I shook my head as I stared at Vince for a few moments. "H-hindi, I-I don't know her. N-nagulat lang ako dahil sa pagsigaw ni Vince. I'm sorry," I lied.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon nila lalo na ni Vince kapag nalaman nila ang totoo.

Ayokong magalit sila sa'kin, kaya mas pinili kong sabihin ang mga salitang hindi totoo at magsinungaling muli sa kanila.

I'm sorry but I think I need to lie again.

***

"Zadie liit, kanina ka pa tahimik," tawag sa'kin ni Cloud habang kasalukuyan kaming papunta sa second subject namin.

"A-ah wala, may iniisip lang," sagot ko dito at pilit na ngumiti sa kaniya. Mukhang hindi naman siya nakumbinsido sa naging sagot ko.

"What is it? Baka pwede akong makatulong. Hindi lang ako nakakapansin, pati sila Keid," saad pa nito at ipinaharap ako sa kaniya. "Kahapon ba?"

"H-ha?"

"Dahil ba sa sinabi ni Vince? Villin din kasi ang surname"

"H-hindi! Hindi, 'no! Nagulat ako oo, pero hindi ko talaga siya kilala Cloud! Akala ko lang kasi Villin din pero hindi pala," putol ko ruto at itinaas pa ang kanang kamay ko na ikinatawa niya.

"Pft! Masyado ka namang defensive, e. Halika na nga!" sagot pa sa'kin nito matapos niyang tumawa at guluhin ang buhok ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at saka siya sinundan. Hindi dapat ako magpaapekto sa nalaman ko. Just pretend that you don't hear anything, Zadie. Wala kang nalaman, okay?

Matapos ang klase namin ay agad kong kinausap si Keid.

"Pasama naman sa cr," saad ko rito nang malapitan siya. Nakapamewang naman siyang humarap sa'kin.

"After mo kaming hindi pansinin, magpapasama ka? O sige arat na!" sagot nito kaya mahina akong tumawa bago lumabas ng room.

"Rupok!" tawag nito kay Yna nang makita namin itong papunta sa cafeteria. Mabilis naman siyang tumakbo palapit samin.

"Bakit?"

"Samahan natin 'tong si Zadie papuntang cr," sagot sa kaniya ni Keid sabay hila papunta sa cr. "At baka mawala pa ang bata."

Napailing nalang ako rito kay Keid. Wala na atang araw na hindi nila ako inaasar. Palibhasa matatangkad silang lahat pati si Zemie.

"T-teka mas mukhang bata sa'kin si Zemie, ah!" pagtatanggol ko pa sa sarili ko bago ako pumasok ng cubicle.

"Oo nga, pero mas mukha ka paring bata, Zad!" rinig ko namang sabi ni Yna. Aish! Wala na talaga akong kakampi sa kanila.

"Zad! Dalian mo, gutom na ako!" sigaw naman sa'kin ni Keid kaya dali-dali akong tumayo at nag-flush ng toilet bago lumabas.

Lie AgainWhere stories live. Discover now