Chapter 1

84 5 0
                                    

Zadie's POV:

"A-ako? Ayaw ko po"

'Bakit si Zadie pa?'

'Oo nga, e, ang liit liit niya.'

'Walang maliit na nagpa-pageant!'

Napatigil ako sa mga kumento ng iba ko pang mga kaklase. Mahina akong natawa, tama naman sila. "Prof ayoko po

"At dahil d'yan prof, pa-patner-an ako ni Zadie at papatunayan niyang hindi hadlang ang pagiging maliit!" singit ni Cloud at ginulo-gulo ang buhok ko. "Small but terrible nga 'di ba guys?"

"Hoy ulaptaptap, ano bang sinasabi mo, ha?" bulong ko rito habang ngumingiti ng pilit kay prof na nakatingin samin ni Cloud. Hindi naman niya ako pinansin at pinisil pa ang pisngi ko.

"Ang cute niya prof 'di ba? Sasali po kaming dalawa," saad pa niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang inis at palihim na kinurot si Cloud sa tagiliran niya. "A-a-aray!"

"Prof, siguradong mananalo tayo sa votings! Ako na ang bahala roon!" panggagatong naman ni Levi at saka tinuro ang mga kaklase ko. "I-share at magreact kayo, ah!"

"Well, mukhang ayos na ang lahat. Aasahan ko 'yang mga sinabi niyo at kayong dalawa... aasa ako na mananalo kayo," nakangiting sagot ng prof namin bago lumabas ng classroom.

Agad kong kinuha ang chance at tinanggal ang kamay ni Cloud sa balikat ko at ipinaikot iyon.

"A-a-aray! Fvck! Zadieeee!"

"Magtiis ka! Kasalanan mo 'to! Ang dami namang iba!" sagot ko at mas lalong ipinilit na ipaikot ang kamay niya. Mabilis naman akong inawat ni Levi at Klein habang nilayo naman ni James si Cloud.

"Ang kj mo naman Zadie, e! Kami na ngang bahala sa lahat, 'yung susuotin mo pwede tayong manghiram sa kapatid ni James si Cass"

"As if namang ipapahiram ni Cass 'yon bro, e, sasali rin siya," putol sa kaniya ni James. Napanguso naman ako at pabagsak na naupo sa upuan ko.

"Sasali si Cass? Ano kayang magiging reaksyon non kapag nalaman niyang sasali ka Cloud?" nanunuksong saad naman ni Klein.

Para sa kaalaman niyo, naging ex nitong si Cloud si Cassandra, ang kapatid na babae ni James. After 2 months nag-break din sila, but I don't know why at wala na rin naman ako pake para alamin pa 'yon.

"Ano ka ba babe, kilala kaya si Zadie sa pagiging fashionista dito sa school! Sigurado ako matatakot sa kaniya ang mga kalaban niya," singit naman ni Denise, ang girlfriend ni Levi for five years. Actually, madaming humahanga sa kanila. Biruin mo 'yon mula highschool up to now sila parin.

Mapapa-sana all ka nalang talaga.

"Mas kilala naman sa pagiging fashionista si Cass, ghorl!" sagot naman sa kaniya ni Camille, isa sa mga kaibigan namin.

"Kayang-kaya ni liit-a-ah! n-ni Zadie 'yan!" saad ni Cloud. Inirapan ko lang ito at naunang lumabas ng room.

***

"Ms. and Mr. HU candidates, sisimulan na natin ang photoshoot!" anunsyo ni Ate Sharmaine, ang president ng student council. Siya ang namamahala sa pageant na gaganapin sa isang araw.

"Pst! Ang pangit mo, ayusin mo nga 'yang mukha mo. Kanina ka pa nakabusangot!" sita sa'kin ni Cloud nang malapitan ako sabay lagay ng palad niya sa mukha ko.

Lie AgainWhere stories live. Discover now