Chapter 4

18 4 0
                                    

3rd Person's POV:

"Simulan muna natin sa special awards, our best in production number... " nakangiting anunsyo ng emcee habang nakatingin sa mga kandidatang tulad ng mga manonood ay sabik na sabik nang malaman kung sino ang tatanghaling mananalo.

"Congratulation to Ms. Cassandra Bautista and Mr. Jonathan Vendez!"

Masigabong nagsipalakpakan ang lahat nang malaman kung sino ang nanalo. Sabay na nagtungo sa harapan ang dalawang kalahok upang tanggapin ang kani-kanilang sertipiko at sash.

"Susunod naman po ay ang ating Ms. and Mr. Photogenic of the year! Congratulation to... Ms. Zadie Aria Chrysler and Mr. Cloud Toxillo!" anunsyo muli ng emcee dahilan upang muling magsigawan ang manonood.

Kitang-kita ang tuwa at saya sa dalaga at binata habang tinatanggap nila ang kani-kanilang sash at sertipiko.

"Hindi lang 'yan, tatanggap pa kayo ng cash prize at ang picture niyo ng naka-frame!"

Masayang tinanggap iyon ng dalaga at binata galing sa mga judges na silang nag-aabot at nagsasabit ng kani-kanilang mga napanalunan. Hindi naman mapigil ang mga kaibigan nila at nagsipuntahan sa harapan para kuhanan sila ng litrato.

"Sumunod po ay ang Toxillo University choice award. Congratulation to Ms. Kierah Salvador and Mr. Jonas Mercado!"

Nakangiti ang mga kalahok na nagsisitanggap ng pagkilala. Ngunit hindi pa diyan natatapos ang patimpalak dahil nasa lalagyanan pa nito ang korona na minimithi ng bawat kalahok na nasa entablado.

Marami ring mga manonood ang nag-aabang kung sino ang tatanghaling panalo at magkakamit ng napakagandang koronang iyon.

"Next is best in casual wear, walang iba kung hindi sina Ms. Zadie Chrysler and Mr. Kurt Ramos!"

Muling naghiyawan at nagsipalakpakan ang mga manonood at maging ang mga kapwa nila kalahok.

"With the total of 32 thousand likes and 11 thousand shares, our people choice award goes to... Ms. Zadie Chrysler and Mr. Cloud Toxillo!"

Hindi na napigilan ng mga tagahanga nila ang saya lalo na ang mga kaibigan nila na sumusuporta sa kanila. Masaya silang nagtungo sa harapan at isinisigaw ang parehas nilang pangalan.

"Our people choice award ay kasama sa ating criteria for judging na may 50%. Again, congratulation to the both of you," pag-iimporma ng emcee sa lahat. Kinuha naman nito ang pangalawang envelope kung saan nakalista ang mga winners ng naturang pageant. "3rd runner up!"

Muli nilang narinig ang tunog ng drum na nagsisilbing hudyat at pampakaba sa mga estudyanteng nanonood gymnasium ng unibersidad. Halos mapuno ang napakalaking gymnasium na iyon ng mga estudyante, mga magulang at mga bisitang nagsidalo sa naturang event ng paaralan.

"Congratulation to Ms. Keirah and Kurt Ramos from 3rd year college!"

Umakyat ang mga magulang nito habang tinatanggap ng dalawang nagwagi ang kani-kanilang mga sertipiko, sash at cash prize na mula sa mga judges.

Si Ms. Beunave na siyang nagkakabit ng sash at korona, si Ms. Cruz na siyang nag-aabot ng sertipiko at puting envelope at si Mr. Villin na siya namang nag-aabot ng bulaklak para sa mga nanalo.

"2nd runner up goes to... sinong bet niyo?"

Lalong napuno ng hiyawan at sigawan ng mga estudyanteng isinisigaw ang mga pangalan ng kani-kanilang pambato. Sari-saring opinyon ang naririnig nila ngunit nangingibabaw ang pangalan ng apat na kadidata't kandidatong talaga namang nagpakita ng kani-kanilang husay sa pageant.

Lie AgainWhere stories live. Discover now