Chapter 50

8 1 0
                                    

Ara's POV:

"Lil Sis!"

Bigla na lamang akong napahawak ng mahigpit kay Keid at tiningnan ito. Maging siya ay hindi alam kung anong gagawin. Anong nangyayari?! Bakit hindi ko maintindihan?

Dugdug.Dugdug.

Napatingin ako kay Zadie. Unti-unti nitong hawiin ang pinto at lumabas doon. Alam kong lahat sila ay natigilan dahil sa pagtawag sa kaniya ni Rin ng 'lil sis'. Wait, alam na ba ni Vince ang totoo?

"Damn it! Anong ginagawa ni Rin? Gulat na gulat si Vince, oh! Don't tell me siya ang magsasabi kay Vince?!" bulong sa'kin ni Keid. Magsasalita na sana ako nang muling tawagin ni Rin ang kapatid niya.

"Come here, Zadie. I really want to thank you for taking care of Vince. I know ginawa mo lang 'to for me, right?"

Dugdug.Dugdug.

Gulat akong napatingin sa magkapatid. Anong pinagsasabi ni Rin? Bakit parang ibang Rin ang nasa harapan namin? Ngunit, mas lalo akong nagulat nang biglang ngumiti si Zadie ng matamis at niyakap ang ate niya.

"Your welcome, Ate Za. N-Now that you're here, a-alam kong maaalagaan mo na s-siya," sambit pa ni Zadie.

"W-w-what's t-the meaning of this?" naguguluhang tanong ni Vince. Sa wakas at nagsalita na ito. Kanina ko pa gustong itanong sa dalawa 'yan, baka nababaliw lang sila.

"Baby, hindi mo pa ba alam? Hindi pa ba sinabi sa'yo kanina ni Zadie?" tanong sa kaniya ni Rin. Napakagat naman ako ng ibabang labi ko nang palihim akong kinurot ni Keid.

Tang*na nakakabaliw 'tong mga nangyayari!

"A-ahm k-kasi-"

"Baby, magkapatid kami ni Zadie. Mahabang kwento pero kapatid ko talaga siya. Her mother and father is my parents too. She just changed her surname dahil ayaw niyang makilala niyo agad kung sino siya."

I raised an eyebrow. Anong pinagsasabi ni Rin? Hindi ba niya alam ang totoong kwento? Bakit niya sinasabing ginawa lang ni Zadie 'yon para hindi agad namin siya makilala?

Dugdug.Dugdug.

"Then, sabi ko sa kaniya she will be the one who will take care of you, while I'm still in Canada. And now that I'm came back, let's get marry right away your graduation, baby."

Damn it! Nakita kong tumingin si Vince kay Zadie na para bang 'totoo-ba-lahat-ng-'to look'. Please Zadie, tell them it's not! I'm begging you.

Damn it!

Sabihing mong mali ang lahat ng sinasabi ni Rin!

"Oh bakit gulat na gulat ka? We're still engaged, right? And I'm now ready na magpakasal tayo," nakangiting sambit ni Rin at isinukbit ang braso niya kay Vince. Lumayo naman sa kaniya si Vince at lumapit kay Zadie.

"B-buwit, anong sinasabi niya? Tell me, tell me the truth at sa'yo lang ako maniniwala," rinig naming sabi sa kaniya ni Vince habang hawak-hawak ang mga kamay ni Zadie.

Damn it! Zadie tell him the truth! Don't try to lie again! Nandito kami Zadie! Alam namin ang katotohanan!

Para akong natalo sa isang napakalaking deal nang bawiin ni Zadie ang mga kamay niya. "T-t-that's my sister, Zarine Ycá Villin. I'm a Villin, yes that's true. B-but-"

"Z-Zadie," tawag sa kaniya ng kapatid niya. Pupuntahan ko na sana sila para ako ang magsabi ng totoo nang pigilan ako ni Yna.

"B-bitawan mo ako, Yna," matigas na bulong ko rito. Magpupumiglas pa sana ako nang maging si Aenna ay hawakan ako.

Lie AgainWhere stories live. Discover now