Chapter 34

8 1 0
                                    

Zadie's POV:

Moon jja wat ssong! Moon jja wat ssong!

"Epal naman 'tong si Cloud!" inis na sambit ni Ara na ikinatawa ko. Hiniram kasi niya ang phone ko at nagsasanay maglaro ng ml.

"Anong sabi ni Cloud?" tanong ko naman habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Magkita raw kayo sa cafeteria, may sasabihin daw siya-ay! Bobo ampvta!"

"Pft! Kanina ka pa gigil na gigil d'yan," natatawang saad ko pa rito bago ako tuluyang lumabas ng dorm. Ano naman kayang sasabihin niya?

Nagtungo ako sa cafeteria. Nang makita ko roon si Cloud ay agad akong naupo sa upuang kaharap nito.

"Ulaptaptap!" tawag ko at kinaway-kaway ang kamay ko sa harapan niya. "Bakit ka ba tulala?"

"L-liit! Nandiyan ka na pala," sagot naman nito kaya napakunot naman ako ng noo.

"Ano bang sasabihin mo? May problema ka ba? Ano?" sunod-sunod ko tanong. Nagulat na lamang ako nang hawakan nito ang dalawang kamay ko.

Nakatingin lang ako roon nang may pagtataka. Bakit sa tuwing siya ang may hawak ng kamay ko ay wala akong nararamdamang kakaiba? Samantalang magdikit pa lang ang mga balat namin ni Vince ay para na akong kinukuryente?

"Z-Zadie, alam kong mabibigla ka pero hindi ko na kayang itago pa 'to," sambit niya kung kaya't nagsimula na namang magkarerahan ang tibok ng puso ko.

"U-Ulap-"

"Zadie, I like you. Gustong-gusto kita-ay hindi, mahal na kita, Zadie."

Dugdug.Dugdug.

"C-Cloud-"

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero mga bata palang tayo, kakaiba na 'yung pagtingin ko sa'yo. Habang tumatagal, hindi na bilang kaibigan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita Zadie, mahal na mahal."

"P-pero Cloud-"

"Please Zadie, give me a chance."

Dugdug.Dugdug.

Binawi ko ang kamay ko rito at umiling-iling sa kaniya. Ayokong saktan si Cloud pero ayoko ring masaktan si Yna nang dahil sa'kin.

"C-Cloud, sana maintindihan mo pero kasi ayoko ko kayong saktan. Ayoko kitang saktan, s-si Yna-"

"Bakit mo naman sinasama rito si Yna? P-pwede mo namang sabihin na ayaw mo sa'kin at si Vince-"

"Cloud, hindi, ano ka ba? Gusto kita, Cloud. Gusto kita at totoo ang sinasabi ko. I like you but just as a friend," putol ko. Napansin ko ang pagkabigla nito at unti-unting pagyuko niya ng ulo. Hinawakan ko naman ang mga kamay nito na ikinatingin niya sa'kin. "Cloud sana wag kang magalit sa'kin. Ayokong paasahin ka, ayokong saktan kita, pero sorry, hindi ko matutumbasan 'yang pagmamahal mo sa'kin."

Lie AgainWhere stories live. Discover now