Chapter 19

12 1 0
                                    

Tyrone's POV:

"Ty tingnan mo nga 'yung kanin natin."

Napanganga ako nang utusan ako nitong si Vince. Kitang may ka-chat akong mga chix-

"Hurry up, inuutusan kita 'di ba?"

"Bakit pa kasi ako? Sila nalang!" nakabusangot na sagot ko rito dahilan para tingnan niya ako ng masama.

"Kapag ako ang tumingin doon, ikaw lang ang hindi kakain -"

"Ito na po bossing!" mabilis kong sagot at lumabas ng tent namin. Nilapitan ko ang sinaing namin para mamayang gabi.

"Luto ka kaya 'to?" bulong ko at kumuha ng pat holder at tiningnan ang kaldero.

"Waaaa! Fvck! Fvck! Fvck!" malalakas kong sigaw at mura nang maibagsak ko sa paanan ko ang takip ng kaldero. Pvtang*na! Sobrang init, tang*na!

Pinulot ko ang takip at itinabi 'yon nang makita ko ang kanin namin sa kaldero.

"Waaa! Tang*na niyo magsitayo kayo riyan! 'Yung pagkain namaligno!" sigaw ko sa kanila at mabilis na tumakbo pabalik sa tent namin.

"Anong nangyari sa'yo?!" kunot-noong tanong sa'kin ni Vince at saka ako hinila palabas ng tent namin.

"Fvck bro! 'Yung kanin natin kulay pula!" hindi makapaniwalang sagot ko rito na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

"Damn it! Anong nangyari rito? Bakit kulay green 'yung tinola natin?" rinig naming sabi ni Gil nang lapitan nito ang dalawang kaldero.

"Sabi ko sa inyo, e! Namaligno 'yang pagkain natin! Pvta! Umalis na tayo rito!" sigaw ko sa kanila at mabilis na kinuha ang bag ko nang muli akong hilahin ni Vince.

"Umayos ka, nand'yan na si Sir Chan!" bulong sa'kin nito kaya agad kong ibinato kung saan ang bag ko at tumabi kay Cloud.

"Anong nangyayari rito? Rinig na rinig namin ni Sir Yuan ang sigaw niyo," tanong samin nito.

"E-e, sir! 'Yung pagkain natin namaligno raw sabi ni Ty!" sagot ni Axel sa kaniya. Ampvta! Nakakapit pa sa braso ni Gunner ang duwag!

"Sir Chan 'yung kanin natin naging kulay pula. 'Yung tinola naman po naging green," sagot naman ni Vince. Agad na binuksan ni Sir Chan ang dalawang takip ng kaldero. May mga usok-usok pa bago niya tuluyang nakita ang mga kulay no'n.

"Hindi kayo namaligno, saka wala naman gano'n, ano ba kayo?!" sagot samin nito kaya lahat sila ay napatingin sa'kin.

"Sa tingin ko sir, nahaluan o may naglagay ng food color sa mga 'yan," saad naman ni Sir Yuan kaya nagkatinginan kaming muli.

"Sino sa inyo ang may pakana nito?" nakapamewang na tanong samin ni Sir Chan nang makaalis si Sir Yuan. Paktay na! Magiging dragon na naman ang lalaki 'to!

T-teka.. lalaki nga ba?

"Sir hindi kami!"

"Nasa tent lang kami ni kuya."

"Hindi rin kami sir."

"Sir pinatingin lang sa'kin 'yan ni Vince!" sagot ko naman nang ako ang sunod nitong tingnan. Nagsiilingan naman ang iba pa naming kasama.

"E sino nga ang gagawa niyan? Maligno?"

"Opo!" sabay na sagot namin ni Axel kaya parehas din kaming nakatanggap ng batok mula kay Gunner at Cloud.

Lie AgainWhere stories live. Discover now