Chapter 39

8 1 0
                                    

Zadie's POV:

"Hijaa! Mabuti at napadalaw ka!"

"H-hello po tita," bati ko pabalik dito matapos ako nitong yakapin. Sumingit naman samin ang kaisa-isang anak niyang si Cloud.

"Ma, ipinagluto mo ba kami ni liit?" tanong nito kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Oo naman! Sigurado akong na-miss niyong dalawa na sabay kumain ng cookies ko," sagot niya. Tulad ng dati ay agad kaming nagtungo sa kusina nila.

"Wala pong nagbago sa cookie niyo, sobrang sarap parin!" saad ko matapos tikman iyon. Nagkatinginan naman silang mag-ina at sabay na natawa.

"Naalala mo ba noon liit? 'Yung kahit sunog 'yung cookies ni Mama, kinain mo parin lahat"

"Dati pa 'yon! Kapag naaalala ko, mukha akong timawa no'n!" putol ko rito kaya't mas lalo silang nagtawanan ni tita.

"Nakakatuwa talaga kayo, pero may kailangan pa akong asikasuhin sa office ko. Maiwan ko muna kayong dalawa riyan," paalam samin ni tita na ikinatango naman namin ni Cloud.

"Ubusin mo 'yan liit!" saad sa'kin ni Cloud kaya agad kong inusog ang tray sa tabi niya.

"Ang dami n'yan," tanggi ko ngunit agad ko ring inilapit sa'kin ang tray. "Iuuwi ko nalang kung ayaw mo."

"Pft! Ang takaw mo talaga," natatawang saad niya at nag-umpisa na namang maglaro.

Kasalukuyan akong kumakain ng cookies nang tumunog ang phone ko.

"Hello?" sagot ko habang nakatingin sa phone ni Cloud, pinapapili ako ng gagamitin niyang hero.

"Bubwit, nag-aya si Jasmine na maglaro kami ng ml, okay lang ba?"

Dugdug.Dugdug.

Hindi ako nagsalita, ngunit napakunot ako ng noo nang marinig ko sa kabilang linya ang boses ni Tyrone.

"Vince! Kanina ka pa hinihintay ni Jasmine!"

"Sige na bubwit, salamat," sagot naman nito sa'kin at ibinaba ang telepono niya. Inis ko namang binagsak ang phone ko. Wala pa nga akong sinasabi

"Ang pangit mojoke lang, bakit ka ba kasi nakabusangot?!" saad nito. Iniwas ko ang matatalim kong tingin sa kaniya at inis na sumandal sa upuan.

"Kapag ba hindi ako sumagot kapag may hinihiling ka sa'kin o nagpapaalam, anong iispin mo?" tanong ko rito at muling kumagat ng cookies. Napaisip naman siya ngunit agad ding sumagot, nasa phone parin niya ang tingin.

"May kasabihan nga na silence means yes."

Napailing naman ako sa sinagot niya.  Silence means yes? Hindi ba pwedeng kaya ako tahimik kasi ayaw ko? Hindi ba pwedeng silence means no?

"Maglaro ka nalang liit, online sila Ty. Makipaglaro tayo," saad sa'kin nito. Napabuntong-hininga nalang ako at muling kinuha ang cellphone ko.

"Ayain mo si Vince, kasama niya si Jasmine, 2v2 kamo," saad ko sa kaniya habang hinihintay na mag-load ang ml ko.

"Sigurado ka ba?" hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin. Napatango naman ako at muling kumuha ng cookies. "Pft! Wag mong sabihing nagseselos ka kaya"

"Edi wag nalang," putol ko sa kaniya, ngunit tumawa lang ito at kinuha ang phone ko.

"Ayan na, pumayag 'yung dalawa!" saad niya. Agad kong kinuha ang phone ko at pumili ng hero.

Lie AgainWhere stories live. Discover now