Chapter 3

23 3 0
                                    

Zadie's POV:

Pumuwesto kami ni Cloud sa magkabilang dulo dahil pagkalabas namin ng backstage ay magsasalubong kaming dalawa.

Lihim akong napangiti nang mapansin ko ang suot niyang plain white long-sleeve at ripped jeans. Nakasuot naman siya ng kulay black and white niyang converse na sapatos na mas lalong nakadagdag sa proma niya.

"Our crandidates no. 7, Ms. Zadie Chrysler and Cloud Toxillo!"

I wear my genuine smile nang magkaharap kami ni Cloud. Sabi nga nila, wearing a genuine smile is the best thing one can wear. As much as you give your smile to other, it will comeback to you multiple number of smiles.

'Go Cloud!'

'Go Zadieee!'

'Cloudie! Cloudie! Cloudie!'

'Ang cute nilang tingnan, ano?'

'Mukha silang couple!'

"Ms. Chrysler is wearing a white floral off-shoulder dress and white with mint color of shoes. On the other hand, Mr. Toxillo is wearing a white longsleeve shirt and ripped jeans with his black and white converse shoes."

Pumuwesto kami sa tabi nila Cassandra habang isa-isang in-interview ng emcee ang iba pa naming kasama.

"Sabi sa'kin ni Levi, may special award daw na best in production number, casual wear, Toxillo students' choice, Mr. and Ms. Photogenic at people's choice," bulong sa'kin ni Cloud na ikinakunot ng noo ko.

"Ikaw, chismoso ka talaga," sagot ko rito at mahinang tumawa. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nakaupo sa kanang bahagi namin. Sila ata 'yung inimbitang 100 students mula sa Toxillo University na kani-kanina lang ay nakaaway ng Hixson. "Toxillo students' choice? Kakaiba 'yon, ah."

"Pft! Oo, pero alam ko kasama rin sila sa magju-judge satin ngayon," sagot pa nito sa'kin. Hindi naman na ako nagsalita pa dahil kinakausap na ni Kuya Drex at Ate Sharmaine si Cass at ang ka-patner niyang si Jonas.

"Kamusta? Anong nararamdaman niyo ngayon?" tanong sa kanila ni Ate Sharmaine.

"Okay naman at masaya ako dahil nakasali ako sa pageant na 'to," sagot ni Jonas at ibinigay ang mikropono kay Cassandra. Kinuha naman niya iyon sabay tanggal ng salamin niya at kumaway-kaway pa bago sumagot.

"We're good! Actually, pinaghandaan ko talaga 'tong pageant na 'to at sigurado akong hindi mapupunta 'to sa wala."

"The power of Ms. Cassandra Bautista! Ang ganda naman ng stilettos mo, mukhang bagong-bago, ah?" saad sa kaniya ni Drex na ikinatawa ng ilan.

Kung hindi niyo naitatanong, medyo may pagka-pusong babae 'yang si Kuya Drex, ang vice president ng student council.

"Ah yes, kakasabi ko lang pinaghandaan ko talaga 'to. I'd spend one thousand three hundred pesos for this stilettos," she boasted. Marami naman ang nagulat maging ako na hindi man lang gumastos ng kahit ano para lang sa pageant na 'to.

Tamang linis lang ng mga sapatos ko at hanap ng mga damit ko, makaraos lang sa pageant na 'to. Pero masaya ako dahil nakasali ako nang walang nilalabas na kahit singko sa pageant.

"How about you guys, kamusta kayo at anong nararamdaman niyo ngayon?" tanong samin ni Ate Sharmaine. Una nitong iniabot sa'kin ang mikropono kaya ako na ang naunang sumagot.

"I'm good! Na-eenjoy naming pareho 'yung pageant at 'yon naman 'yung mahalaga," sagot ko at ibinigay 'yon kay Cloud.

"Masaya, lalo na kung ganito kaganda 'yung patner—aray! Pft! We're looking  forward for the winners and she's right. Ang mahalaga samin ay 'yung experience at na-eenjoy naming 'tong pageant."

Lie AgainWhere stories live. Discover now