Chapter 14

14 0 0
                                    

Zadie's POV:

Mabilis akong humiwalay rito at humarap sa kung sino man ang may pakana ng paghagis ng bola ng volleyball sa'kin.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang babae. Minsan ko na silang nakasagutan noon nang una kong kausapin si Vince.

"Aish! Sumusobra na talaga 'tong-"

"Tsk! Huwag mo nang patulan. Mag-thank you ka nalang sa'kin, okay?" pigil sa'kin nito nang balak ko pang sugurin 'yung dalawa.

Psh! Mamaya kayo sa'kin, akala niyo gano'n-gano'n lang 'yon? Pwes, akala niyo lang 'yon bitches!

"T-thank you pala," pagpapasalamat ko rito at sinilip ang braso niya. Mabuti nalang at hindi iyon namula dahil sa pagharang niya ng bola. "Sige na, may pupuntahan pa ako. Salamat ulit, Vince Asher!"

Nilagpasan ko na ito at palihim na sinundan ang dalawang bruha na balak pa akong patamaan ng bola. Pasalamat sila at pinigilan ako ni Vince kanina kung hindi, naku, sinasabi ko sa kanila!

"Excuse me!" nakangiting singit ko sa pinag-uusapan nila. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ko matapos ko silang kawayan. "Ahm-"

"What's your problem?" maarteng tanong sa'kin ng babaeng kulay itim ang suot na fitted dress na halos makita niya ang suot niyang... panty?!

"Yea right! What are you doing here?" tanong naman sa'kin ng kasama niyang naka-jeans at polo nga pero napakalalim naman ng colar niya kaya't kitang-kita ang dibdib niya. Aish! Bakit ba ganito sila magsuot ng damit?

I sighed as I rolled them my eyes. "Hindi ba sinabi ko na sa inyo na ilulugar niyo 'yang mga sinusuot niyo?" sambit ko dahilan para mapatingin silang dalawa sa mga suot nila. "Tingnan niyo nga, ikaw kay iksi-iksi ng dress mo wala ka namang short o cycling! Nakita ko na 'yang kulay pink mong panty!"

Matapos ko siyang ituro gamit ang hintuturo ko ay nakapamewang namang binalingan ko ang kasama niya. "Kung magpopolo ka naman, ibutones mo lahat ng 'yan nang hindi pinagpi-piestahan ng mga lalaki 'yang dibdib mo!"

"Why did you... bakit ba pinakikialaman mo 'yung life namin?"

"Oo nga, you don't know our life!"

Napa-smirk ako dahil sa mga naging sagot nila. Ano raw?

"Why did you stop talking now?!"

"Just go to your home, witch!"

"E kung kayo kaya ang pauwiin ko sa mga bahay niyo?" sagot ko at unti-unti silang nilapitan. Nauubos na talaga ang natitirang pagtitimpi ko sa dalawang babaeng 'to, e!

"G-go away-"

"Ang ganda ng labi mo, ah, gusto mong mas papulahin pa natin?" nakangising putol ko dito habang patuloy na lumalapit sa kanila.

"Ano bang ginawa namin sa'yo?!" tanong namam ng isa niya kasama na ikinatigil ko.

"Hindi ba kayo 'yung nambato samin ng bola-"

"Si Clarisse 'yon!"
"That's Fiona!"

Napatango-tango naman ako. Clarisse at Fiona pala ang mga pangalan ng mga 'to. Kay gaganda sana, ang sasama naman ng mga ugali-

"That's enough," malamig na saad sa'kin ng isang lalaki habang nakahawak sa kamay kong dadapo na sana sa mukha ng dalawang 'to.

"Vince baby! My hero! Buti nalang dumating ka!"

Lie AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora