Prologue: Lie Again

91 5 0
                                    

Cloud POV:

Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko at wala sa sariling napangiti.

"Helloー"

"Magkita nalang tayo sa cafe, bye ulaptaptap!"

Mahina akong natawa at napailing matapos akong babaan ni Zadie, ang makulit at maliit kong kaibigan. HAHA! Oo, 'yon nga siya. Actually, fourteen years na kaming magkakilala ni Zadie. Mula pagkabata ay siya na ang kasa-kasama ko at nag-iisang kalaro ko kahit pa magkaiba kami ng kasarian.

'Nand'yan na si Cloud!'

'Halika na dali!'

'Hi Cloud!'

'Cloud baby ko!'

'Nasaan si Zadie, Cloud?'

"H-Hi, si Zadie? Parating pa lang," sagot ko at mabilis na naglakad patungong cafeteria kung saan kami magkikita ni Zadie. Nasanay na yata ako na pinagkakaguluhan ng marami. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa naging student council dito sa campus kaya ganon na lang ako kasikat.

Wews! Anyway back to Zadie tayo.

Ang babaeng 'yon, kakaiba siya sa lahat. Dahil sa lahat ng babaeng kilala ko, siya lang ang may lakas ng loob na mamisikal sa liit niyang 'yon. Natatandaan ko pa noong mga bata kami, mga panahong mas matangkad siya sa akin ng 2 inches.

"Hoy ulaptaptap!" tawag sa'kin ni Zadie. Itinigil ko ang paghuhukay ko at tiningala ito. "Manood ka!"

"Zadieee!" sigaw ko sa pag-aakalang mahuhulog ito sa punong inakyatan niya. Pinagpag niya ang dalawang kamay niya matapos tumalon mula sa puno at nakangising lumapit sa'kin.

"Hanga ka, ano?" sambit pa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na ikinakunot ko ng noo. "Pft! Hindi ka na tatangkad, ulaptaptap! Hanggang ganiyan ka nalang! HAHAHAHA!"

Pft! Dahil sa sinabi niyang 'yon, ginawa ko ang lahat para tumangkad. Nagpabili pa ako ng cherifer noong bata ako kay Mommy at lagi akong natutulog sa tanghali. Nakakatawa pero naging effective naman. Kung makikita niyo si Zadie, para siyang junior highschool student! Lakas nga naman ng balik ng karma.

"Cloud! Nakita mo na ba 'to?" tawag sa'kin ni Levi at mabilis akong nilapitan dala-dala ang headset niya at ipod. "Viral 'yung video niyo, bro!"

Agad kong inagaw sa kaniya ang ipod niya at pinanood ang video na kahapon pa niya pinapaalam sa'kin na i-upload sa facebook. Ito 'yung time na nagkakantahan sila sa room at si Zadie na inis na inis.

"Zadie!" tawag ko rito ngunit hindi man lang ako nito nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Zadie liit!"

Still, no response.

"Kawawa ka naman, bro. Busted ka na naman ni Zadie!" bulong sa'kin ni Levi kaya agad ko itong tiningnan ng masama. Tumawa lang ito at naki-jamming sa iba pa naming tropa.

Hindi ako papayag na pahiyain ako nitong si Zadie!

"Hoy Zadie panget! Famous ka na?! Kaya hindi ka tumatangkad—"

"Nakakainiis ka, ah! Kapag pinatulan kita..." inis na putol nito sa'kin na ikinahinto ko at ng iba ko pang mga kaklase. Kinunutan ko ito ng noo na ikinangisi niya. "..tayo na."

(Unang araw palang minahal na kita~)

Mabilis akong tumalikod dito habang pinipigilan ang tawa ko. Agad kong ibinato ang nadampot kong libro sa mga tropang kong nagsikantahan.

Lie AgainМесто, где живут истории. Откройте их для себя