Chapter 13

13 0 0
                                    

Zadie's POV:

"Last song syndrome? I-ibig sabihin may sakit ako? Huhuhu!" umiiyak nitong sagot dahilan nang pagtawa naming lahat.

"Huhuhu! Zadie may sakit na ba talaga ako?" tanong nito sa'kin at mahigpit na yumakap. Umiling-iling naman ako habang pinipigilan ang tawa ko. "Nakakamatay ba 'yon? Kailangan ko bang magpa-doctor?"

"Ampvta! Zemie tumigil ka na! Ang sakit na ng tiyan ko!"

"Pft! Langya talaga si Zemie!"

"Tsk! Huwag niyo kasing tawanan!" saway ko sa kanila at pilit na pinipigilan ang tawa ko. Nakayakap parin sa'kin si Zemie, para akong may anak na inagawan ng candy at pinapatahan ko.

"Hoy! Tama na! Grabe kayo kay Zemie!" saway naman sa kanila ni Ara at nilapitan din si Zemie na hanggang ngayon ay hindi pa tumitigil sa pag-iyak. "Halika muna sa labas Zemie, hayaan mo sila d'yan."

"P-pero may sakit nga ako, e!" tanggi niya at mas lalong humagulgol. Agad kong tiningnan ng masama ang mga kaibigan naming muling nagtawanan dahilan para mapatigil sila.

"Ipapaliwanag ko, okay? Pero tara muna sa labas, hinihingal ka na sa kakaiyak mo!" sagot sa kaniya ni Ara at inalalayan ito pababa.

"Hep! Hep! Hep! Saan kayo pupuntang pito, ha?" tanong ko sa kanila ngunit mga tinawanan lang ako at mabilis na sinundan sila Zemie.

Napailing naman ako at napatingin kay Vince na tulala. Ano na naman kayang problema ng isang 'to? Parang kanina lang inaaway niya ako, ah?

"Bubwit!" tawag nito sa'kin nang maupo ako sa harapan niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Tigilan mo nga 'yang kakatawag mo ng bubwit sa'kin!" inis na sabi ko pa rito at kinuha ang wine glass na hawak ko kanina.

"Bagay kaya sa'yo ang bubwit-"

"Maliit lang ako pero hindi ako daga no!" putol ko na siyang ikinatawa niya.

"Bakit? Daga lang ba ang tinatawag na bubwit?" tanong nito kaya napairap nalang ako. Hindi na ako magtataka kung talagang magpinsan nga sila ni Cloud.

I heard him sigh and drink the beer he was holding in his left hand, while the other one just landed on the couch he was sitting on.

"Bubwit!" tawag pa nito sa'kin kaya agad kong ibinaba ang cellphone na hawak ko at tumingin sa kaniya. "H-how to forget the past?"

Dugdug.Dugdug.

Nagtatakang tiningnan ko ito. "Hm, siguro simulan mo sa acceptance. Tanggapin mo 'yung katotohanan, ganon," sagot ko. Hindi ko tuloy maiwasan maalala 'yung dinanas namin dati. Iyon din naman ang una kong ginawa noon, acceptance na hindi na talaga kami matatanggap ng biological parents namin. "And then change your mindset."

"How?"

"If your mind focuses on the negative things that had happened in your past, makakaapekto talaga 'yan sa takbo ng buhay mo. Just get over it," sagot ko rito at inubos ang laman ng hawak kong glass saka iyon ibinaba sa lamesa. "Basta ang mahalaga is 'yung acceptance and forgiveness. Magiging okay ka rin."

"T-thanks," tipid niyang sagot at inubos din ang laman ng nasa boteng hawak niya.

"Tigil-tigilan mo ako, Tyrone, ah!"

"Bakit babe? Naglalambing-aray! Tang*na naman Ara!"

Napalingon kami sa papaakyat na si Ara at Tyrone na namimilipit sa sa'kit nang paikutin nito ang kamay niyang nakaakbay kay Ara. Mahina naman akong natawa. 'Yan ang napapala ng mga mahihilig mang-akbay, mga feeling close!

Lie AgainWhere stories live. Discover now