Chapter 9

47 1 0
                                    

Zadie's POV:

"Keid, ano ba! Umayos ka nga, kundi bibitawan kita, sige!"

Nang maisuot ko ang jacket ko ay agad kong nilapitan si Ara na inaalalayan ang lasing na lasing na si Keid. Paano ba naman kasi nakipag-inuman doon sa baba.

"Leeeeet's goooooo!" sigaw niya at tinanggal ang braso niyang nakasukbit sa leeg ni Ara dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Inom pa tayo, guys!"

"Aish! Keid halika na nga!" sambit ko rito at tinulungan siyang makatayo kaso hindi rin kinaya ng powers ko kaya pati ako ay napaupo.

"Ts, sa liit mo 'yang kakayanin mo 'tong si Keid?" tanong sa'kin ni Vince at nag-smirk. Napataas naman ang kilay ko at saka tumayo.

"Maliit lang ako, pero kayang-kaya kitang patumbahin, 'no!" sagot ko rito at saka tinulungan si Cloud na alalayan si Keid. Narinig ko lang ang pagtawa nito habang pasakay kami ng kotse niya.

Anong nakakatawa roon?

"Umuwi na tayo, tulog na tulog na 'tong si Keid," nakapamewang na sabi ni Ara at tumabi samin. Napatingin naman ako kay Keid, paano kaya 'to makakapasok bukas?

Nang makarating kami sa campus ay pinagtulungan na ni Vince at Cloud na buhatin si Keid. Dala-dala naman ni Zemie ang sapatos at mga gamit niya.

"Hindi na kami pwede rito. Kaya niyo na 'yan," mabilis na sambit ni Vince at mabilis na hinila si Cloud paalis. Nagkatinginan pa kaming lima bago namin iniakyat ng paunti-unti si Keid.

"Grabe, ang bigat ng babaeng 'to!" reklamo ni Yna nang makarating kami sa 3rd floor.

"Teka muna guys! Nakakapagod, jusko tatamaan talaga sa'kin 'tong bruhang 'to kapag nahimasmasan!" pigil samin ni Ara at naupo sa sahig habang napasandal naman ako sa pader.

"Zad, ang ganda mo riyan."

"Pft! Oo nga, Zad. Pantay na pantay, ah," pagsang-ayon naman ni Ara kay Yna kaya agad ko silang tiningnan ng masama.

"Buhatin na nga ulit natin 'tong si Keid!" saad ko pa at dahil nasa fourth floor pa ang kwarto niya ay pinagtulungan ulit naming siyang buhatin.

"Hoo! Sa wakas!" mahinang sambit ni Yna nang makarating kami sa 4th floor. Pinabitaw naman kami ni Ara at hinatak sa dalawang kamay si Keid papunta sa tapat ng kwarto niya.

"Uy grabe kayo kay Keid!" nagpipigil na tawang sabi ni Aenna. Habang mahina naman kaming nagsitawanan ni Yna at Zemie. Nakakatakot din kasi baka magising 'yung mga natutulog na.

"D'yan na kayo, Zemie sa kwarto ka nalang namin matulog. Arat na!" nakangising sagot ni Ara at mabilis kaming hinila ni Zemie.

Pabagsak silang nahiga sa kama nang makapasok kami at natulog. Mga hindi man lang nagpalit ng damit. Napailing nalang ako at kinumutan silang dalawa bago nagpalit ng damit ko pantulog.

Moon jja wat ssong! Moon jja wat ssong!

Kinuha ko ang cellphone ko at umakyat sa kama ko bago basahin ang message.

Ulaptaptap,

'Kamusta? Nasa dorm na ba kayo?'

Yup! Naihatid na namin sila, matutulog na rin ako kasi bagsak na rin sila Ara at Zemie.

Matapos ko siyang replyan ay inayos ko ang higaan ko at nahiga. Nakakapagod pero naging masaya naman kami kanina. Nag-enjoy ako at mukhang mag-e-enjoy pa ako kasama sila.

Lie AgainWhere stories live. Discover now