Chapter 20

14 0 0
                                    

3rd Person's POV:

"Hindi ka parin ba naniniwala sa'kin, Sir Yuan?" tanong ng lalaki sa kaniya nang makapasok sila sa tent nito.

"P-pero S-sir paano kayo napapayag ni Ms. Chrysler?" nagtatakang tanong nito sa lalaki na siya namang ikinangisi nito.

"Papayagan ko naman talaga ang grupo mo, Sir Yuan. Gusto ko lang din talaga malaman kung totoo nga ang hula kong lalapit sa'kin ang pamangkin ko," sagot nito kaya mas lalo naguluhan si Yuan.

"Pamangkin? Anong ibig niyong sabihin Sir Chan?" tanong muli nito sa kaniya. Tumayo naman ang lalaki at naglakad-lakad sa loob ng kaniyang tent habang sinusundan lang ito ni Yuan at hinihintay ang sagot niya.

"The truth is I am a fortune teller, Sir Yuan. Hindi ba't ako ang nagsabi sa iyo na isang estudyante ang magiging kasintahan mo?" pag-amin nito sa kaniya na mas lalong ikinagulat ng guro.

"P-pero sir, papaanong"

"Mahabang paliwanag, Sir Yuan. Pero kadalasan nagiging totoo ang mga hula ko," putol nito sa kaniya at bumalik sa pagkakaupo sa upuan nito kaharap ng guro.

"Ngunit hindi ko maintindihan sir, bakit nakumbinsi kayo ni Zadie samantalang"

"Dahil nangyari na ang gusto ko, Sir Yuan," muli niyang putol sa kasamang guro. Tiningnan niya ito sa kaniyang mga mata na sinalubong naman ni Yuan. "Hindi lang basta pangkaraniwang babae si Zadie, Sir Yuan. Siya ang heir ng Hixson Group na pinapalago ni Mr. Ariano Daluz Hixson, ang founder ng Hixson University."

Dahil sa sinabi ng lalaki ay mas lalong hindi makapaniwala ang guro. Hanggang ngayon ay hirap paring i-proseso ng kaniyang utak ang mga nalalaman tungkol sa lalaki. Ngunit kahit anong pilit niyang binibiro lang siya nito ay hindi niya magawang paniwalaan dahil seryosong-seryoso ang lalaki.

"Totoo ba ang sinasabi mo Sir Chan?" hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki.

"Zadie Aria Villin ang totoo niyang pangalan, Sir Yuan. Zadie Aria Hixson ang nakalagay sa birthcertificate niya habang Chrysler naman ang ginagamit niya," saad pa ng lalaki. Habang tumatagal ay hindi na kinakayanan ng lalaki ang naririnig mula sa kaniya. "Bakit? Dahil katulad ko ay ayaw kong makatanggao ng respeto o special treatment nang dahil lang sa kung ano klaseng oamilya ang meron ako. Alam ko 'yan Sir Yuan, sa'yo ko lang sinasabi ang lahat dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko."

Humugot ng lakas si Yuan para salubungin muli ang tingin sa kaniya ng lalaki. Ibinuka niya ang bibig ngunit hindi sapat ang lakas niya upang bigkasin ang mga tanong sa isipan niya.

"Si Zadie, hindi ko malaman kung totoo but love will destroy her. Nang dahil sa pagmamahal ay magagawa niya ang isang bagay na mali sa mata ng Diyos, Sir Yuan. Hindi biro ang pagdadaanan ng batang 'yon lalo pa't kailanman ay hindi siya matatanggap ng kaniyang tunay na Ina," makahulugang sambit pa nito sa kaniya kung kaya't mas lalo lamng nagulo ang isipan ni Yuan.

"B-b-bakit niyo 'to sinasabi sa'kin?" naguguluhang tanong niya sa lalaki.

"Dahil gusto kong palihim mong matyagan si Zadie at alamin kung totoo nga ba ang mga nakikita ko."

***

Ara's POV:

"Zadie! Zadie, gising na. 4:30 am na!" panggigising ko dito dahil 5:45 am ang exercise namin at dapat ay nasa field na kami bago ang time call. Nasa entrance ng campsite ang field kung saan kami pupunta mamaya.

Lie AgainWhere stories live. Discover now