Chapter 30

13 1 0
                                    

Zadie's POV:

"Sigurado ka bang kaya mo na anak?"

"O-opo, tatlong araw na po akong absent. Kailangan ko pong humabol," sagot ko rito nang makababa ako ng sasakyan niya.

"Mag-iingat ka, anak," sambit pa nito. Nang makuha ko ang bag ko ay mabilis akong yumuko rito.

"Salamat po ulit, a-at sana po, hindi niyo na po ako tawaging anak. Hindi po kasi ako sanay," sagot ko pa at naglakad papunta sa dorm namin.

Agad kong tinanggal ang mask na suot ko nang makarating ako sa dorm. Mapait akong napangiti matapos kong makita ang kaliwang pisngi ko na may sugat. Sugat na iniwan sa'kin ni Mrs. Villin sa halos dalawang araw kong pagkakakulong sa kaniya.

Muli ko iyong binalik at tiningnan ang mga gamit ko. Nakaayos ang higaan at closet ko. Nahihiya tuloy ako kay Ara dahil nung iniwan ko ito ay sobrang gulo.

"Sige bye!"

Nang marinig ko ang mga boses sa labas ay mabilis kong isinuot ang mask ko na siyang tumatakip sa sugat ko. Ayoko namang malaman pa nila at saka may magandang dahilan naman na ako kung bakit ako naka-mask.

"Ara"

"Zadie?! Zadie nandito ka na nga!" tawag sa'kin nito at mahigpit akong niyakap. "Sabi sa'kin ni Sir Chan ay nakabalik ka na. Gusto ka rin niyang kausapin."

"A-ah gano'n ba? Sige bababa na ako"

"Mamaya na, ang dami ko pang tanong, e!" pigil nito sa'kin na ikinakaba ko. Naupo kami sa couch, napahawak naman ako sa longsleeve na suot ko nang kunot noong mapatingin ito roon. "Bakit tagong-tago 'yang katawan mo?"

"A-ah kasi nilalamig ako kanina sa byahe kaya loose 'yung sinuot kong long sleeve," sagot ko naman.

"E 'yang mask mo"

"A-ah nagpabunot ako ng ngipin, saka inuubo ako, baka mahawaan ko pa kayo!" pigil ko sa kaniya nang balak niyang tanggalin ang mask ko.

"Okay, siya nga pala napanood mo na ba 'yung vlog ni Keid?" pag-iiba nito na ikinakunot ko naman ng noo. Matagal narin nung huli kong napanood ang mga vlog ni Keid. "Sa ekspresyon ng mukha mo mukhang hindi pa."

"Ano bang vlog ni Keid"

"Mamaya mo nalang panoorin!" pigil nito sa'kin nang kuhanin ko ang phone ko. Binigay ito sa'kin ni Mr. Villin kahapon. Sabi niya nakausap na niya si Mrs. Villin pero hindi niya ito napilit na humingi ng sorry sa'kin.

Hinayaan ko na. Hindi ko naman kailangan ng sorry niya at alam kong kahit mag-sorry siya, hindi siya sincere roon.

"Saan ka ba nagpunta kasi? Tatlong araw ka nang wala!"

"Nag-message naman ako 'di ba? Umuwi kasi 'yung parents ko kaya nag-bonding kami," sagot ko rito. Hindi ko alam kung sa langit pa ba ang punta ko dahil sa mga kasinungalingan ko.

Alam kong mali, pero hindi naman na nila kailangang malaman 'yung totoo. Ayoko silang mag-alala at ayokong makarating pa ito kay Daddy lalong-lalo na kay Zion.

As much as I can, poprotektahan ko sila laban kay Mrs. Villin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa'kin noong huli kaming magkita.

'Isusunod ko ang mga kaibigan mo at ipaparamdam ko sa kanila na wala kang kwenta. Hindi ka bagay sa mga tulad nila dahil basura ka!'

Lie AgainWhere stories live. Discover now