Chapter 12

8 1 0
                                    

Keid's POV:

"Tama na nga 'yan!"

"Bubwit lumapit ka lang dito!"

"Nyenyenye!"

"Pft! Tama na sabi, e!" natatawang awat ko sa dalawa nang mag-away 'to sa harap namin. Halata namang walang laban 'tong si Vince dahil napaka-amazona nitong si Zadie.

"Birthday ko guys! Ano ba!" sigaw ko at saka ngumuso. Wala man lang kasing bumabati sa'kin. Hello? October 10 na kaya ngayon. Naunahan pa kayo ng mga followers at subscribers kong bumati!

"B-birthday mo?" gulat na tanong sa'kin ni Zadie at umayos ng upo sa tabi ni Ara.

"Oh bruha, happy birthday!" bati naman sa'kin ni Ara at ipinatong ang isang na box sa harapan ko. Agad ko iyong kinuha at inalog-alog nang pigilan ako nito. "Kapag iyan nabasag!"

"Regalo namin 'yan ni Ara, Aenna at Zemie, sirain mo kaagad, ha?" she uttered with a mocking smile. At dahil sa sobrang excite ay agad ko iyong binuksan.

"Nagustuhan mo ba?"

"Bakit ganiyan reaksyon mo?"

"Kulang 50k 'yan, umayos ka!"

"OMG Girls! Waa! Thank you!" tuwang-tuwang sambit ko sa kanila at isa-isa silang niyakap at hinalikan.

"Ew! Huwag na!" tanggi ni Ara na ikinairap ko. Kahit kailan talaga, napaka-arte!

Agad kong ipinasok ang kahon ng camera na iniregalo nila sa'kin. Mamaya ko na 'to i-ta-try sa dorm.

Grabe, pangarap ko talaga magkaroon ng ganitong camera. Ang mahal kasi nito, e! Nagtitipid pa naman ako! Canon G7 X Mark III lang naman ang ibinigay nila sa'kin.

"Iba talaga kapag mayayaman 'di ba Keid?" saad ni Tyrone kaya mabilis ko itong tinanguan.

Kilala lang naman sa industry ang pamilya ni Ara samantalang si Zemie nasa ibang bansa ang tatay. Si Yna naman half-American ang nanay at mayaman din. Si Aenna naman, nagtatrabaho ang parents niya sa ibang bansa, tita lang niya ang nag-aalaga sa kanila at sa mga kapatid niya.

Ako nga lang ata ang tag-hirap dito.

"Kayo wala kayong regalo sa'kin?" nakangusong tanong ko sa mga lalaki. Napatingin naman ako kay Zadie. "Zadie, ikaw?"

"Pft! Just tell her whatever you want and she will surely buy it, Keid," sagot naman sa'kin ni Cloud kaya agad siyang hinampas ni Zadie.

I genuinely smiled. "Talaga ba, Zadie? Kahit anong gusto ko?"

"A-ah oo," tango-tangong sagot niya habang sumusubo ng fries. "Basta 'yung kaya lang ng bulsa ko."

Lumapit naman si Ara sa tabi ko at may ibinulong. "Hindi ba, type mo 'yung louis vuitton kong sunglasses? 'Yon nalang, dali!"

"Gaga! 'Yung kaya nga lang daw ng bulsa niya, e, magkano ba 'yon?" pabulong din na saad ko dito habang nakangising nakatingin kay Zadie.

"400 dollar?" patanong na sagot nito kaya agad kong tinabig ang mukha niya. 400 dollar? What the heck? Nasa 20k halos 'yon sa peso! "Bahala ka, hindi ko naman talaga balak ibigay sa'yo 'yon o kahit ipahiram!"

Dali-dali itong bumalik sa pwesto niya sa tabi ni Zadie. Napanguso naman ako, napakadamot!

"Keid! Mag-wish ka na kay Zadie!" tawag sa'kin ni Zemie. Pft! Aba pvta mas excited pa ang babaeng 'to kaysa sa'kin e!

Lie AgainМесто, где живут истории. Откройте их для себя