Chapter 18

12 0 0
                                    

Cloud's POV:

"Bakit kasi isa lang 'yung kawaling prinovide ng school, Sir?"

"Oo nga sir, naunahan tuloy tayo ng girls!" pagsang-ayon naman ni Gunner kay Tyrone na nagrereklamo dahil sa iisang kawali.

"Pwede naman tayong humiram sa Sir Yuan niyo, wala tayong magagawa kaya hayaan niyo na," sagot sa kanila ni Sir Chan.

Muli kaming nagbuhat ng mga gamit namin at inilagay iyon sa space gitna ng mga tent namin. Sinadya talaga naming pabilog ang pwesto ng tent namin para sa gitna namin ilalagay ang lahat ng mga gamit namin, saka namin tatakpan ng tarpulin na dinala ni Sir Chan.

"Naipasok ko na bro 'yung mga gamit natin," saad sa'kin ni Axel na siyang kasama ko sa tent. Tinanguan ko lang ito at sinilip sila Zadie sa kabilang pwesto.

Mukhang nagsisikainan na sila roon samantalang kami ay nagtatayo palang ng mga tent namin.

"Sinong kasama ni Gunner?" tanong ko dahil si Vince ang kasama ni Tyrone sa tent nila. Si Nathan naman at Rafael sa pang-apat na tent at sila Coal at Manuel naman sa isa pang tent. Solo naman si Sir Chan sa tent nila na nakasunod sa tent nila Tyrone.

"Si Gil, kuya niya," sagot sa'kin nito. Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Gunner. "Cloud."

"Bakit?"

"Wala ka bang pagkain d'yan? Nagugutom na talaga ako, ayaw pang magpakain ni Sir Chan," bulong nito sa'kin dahilan nang pagtawa ko. Iniabot ko sa kaniya ang oreo na nasa bulsa ng jacket ko na binili ko lang kanina nang mapa-gas ang bus na sinasakyan namin.

"Thank you, bro. Lalayo muna ako, aagawan ako ni Ty kapag nakita 'to, e," sagot niya kaya iiling-iling na sinundan ko siya ng tingin.

"Manghiram kayo ng kawali sa kabila, kailangan natin magluto ng ulam natin dahil nagkulang ang lunch na inihanda ng school sa inyo," rinig kong utos ni Sir Chan nang lapitan ko sila.

"Anong meron bro?" tanong ko kay Tyrone na nakapamewang sa gilid.

"Pito lang kasi bro 'yung natirang lunch pack satin, kulang na kulang kaya magluluto nalang ng ulam," sagot nito sa'kin at nagkamot ng ulo, nakatingin sa pitong styro na may lamang pagkain at talong supot ng kanin. "May pasobra silang kanin pero ulam, wala?"

"Pft! Magparikit nalang tayo ng apoy, bro," sagot ko rito at pinuntahan sila Coal sa pagpaparikit ng apoy. Kapag minamalas ka nga naman, kakababa lang namin magluluto agad.

"Sir okay na samin 'yung hotdog saka itlog!" saad ni Gunner nang makabalik ito dala-dala ang kawali.

"Sige, kayo muna ang bahala riyan at may kakausapin lang ako sa mga namamahala rito," sagot nito at iniwan kaming nagpapainit ng kawali.

"Where's Axel? Bakit siyam lang tayo rito?" tanong ni Vince habang inaabot nito ang apat na hotdog at itlog kay Gil.

"B-bakit Vince? Nandito ako"

"Hindi mo kami maloloko, bro! May mumog ka pa sa gilid ng labi! Nagsosolo ka, ah, pvta!" sita sa kaniya ni Tyrone na siyang ikinatawa namin.

"Napaka ano mo talaga, 'no? Kumain lang ako ng oreo na binigay sa'kin ni Cloud!" sagot nito sa kaniya habang nagpipigil ng tawa. Nagulat naman ako nang tingnan ako ng masama ni Tyrone.

"Oh bakit?"

"Bakit siya lang 'yung binigyan mo, langit?"

"Ulap kasi, Ty! Langit ka ng langit, heaven nga 'yon!" singit namn ni Gunner samin at binatukan siya.

Lie AgainWhere stories live. Discover now