Chapter 45

58 12 0
                                    

Ryo's POV

Malapit na ako ngayon sa bahay nina Heaven para sunduin siya at ipagpaalam kung pwede kaming lumabas, a date one. Inihinto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nina Heaven, kakadating lang kasi nung kotse ko from Montreal at sina mom ang nag asikaso. Balak pa nga nila bumili ng bago but I really want my car. Okay! Too much information and chitchat.

Napansin ko din na may kotseng pumarada sa tapat nila, hindi ko nalang iyon pinansin at agad na bumaba ng sasakyan ko dala ang mga bulaklak na para kina tita Mika at Heaven. Magdo- doorbell na sana ako nang mapansin kung sino ang papalapit sa pwesto ko. Its Heaven's real dad, matalim itong nakatingin sa akin na parang anytime ay macha- chop chop ako sa mga tingin na iyon.

"Goodmorn--"

"There's no good in my morning kung ikaw ang una kong makikita dito", sarkastikong putol niya sa sasabihin ko.

Hindi nalang ako sumagot dahil hindi naman ako nagpunta dito para makipagsagutan sa kaniya. Siya na mismo ang nagdoorbell at agad namang lumabas si tita Mika mula sa loob at pinagbuksan kami.

"Hm? Ang aga niyong dalawa at sabay pa talaga kayo", bungad ni tita Mika.

"Goodmorning tita, flowers for you po", nakangiti kong bati at inabot sa kaniya ang bouquet ng bulaklak.

Nakita ko ang pag iwas nang tingin ng papa ni Heaven at pag- angal.

"Oh you're too sweet, Ryo. Goodmorning din", malawak na ngiti nito sa akin.

Siguro kung hindi ko alam na anak niya si Heaven ay aakalain kong magkapatid lang silang dalawa. Ang bata pa kasi talagang tignan ni tita, she looks like 20s even na nasa 30s na siya. Power of baby face and taking good care to herself.

"Tsk! Pabida", inis na bulong ni tita Renrem.

"Goodmorning Ren", bati ni tita na tila binalewala ang sinabi nito.

"Maganda ka pa sa umaga, Mika", bati nito pabalik.

Inaya na kami ni tita sa loob at magkasabay kaming pumasok habang si tito Renrem ay nasa likuran namjn nakasunod.

"Oh Ryo, Renrem", bati ni tito Shawn.

"Maganda umaga po tito", bati ko dito.

"Magandang umaga rin, Ryo", bati nito pabalik.

"Goodmorning Ren", bati ni tito Shawn kay tito Renrem pero wala itong naging tugon.

Binalewala nalang niya iyon at tinuon sa akin ang atensyon.

"Kumain na ba kayo? Bakit ang aga niyong dalawa at sabay pa kayo?", tanong ni tito Shawn.

"Kumain na po tito. Hm tito, tita pagpapaalam ko po sana si Heaven kung pwede po kaming lumabas?", magalang kong sambit.

"Hindi ba dapat sa akin nagpapaalam kasi ako ang ama ni Heaven?", kunot noong sabat ni tito Renrem.

Damn! Ryo, dapat magpaalam ka din sa kaniya.

Humarap ako sa kaniya tyaka nagsalita.

"Pwede ko po bang ilabas si Heaven, tito?", paalam ko dito.

"Yayayain ko din si Heaven lumabas kaya hindi pwede", agad na sagot nito.

"Nandito kana pala", sambit ni tita Mika habang nakatingin sa may bandang hagdanan kaya napatingin din kami doon.

Its Heaven, she's wearing a plan white upshoulder dress at nakalugay ang may pagka kulot nitong buhok na may clip na sunflower sa gilid ng buhok niya. She's attractive even she is very simple.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now