Chapter 20

60 20 0
                                    

Heaven's POV

"Ano bang mas maganda? Itong stripe or plain peach?", naguguluhan kong tanong.

Aghh bakit ba ang hirap", saad ko sa sarili ko habang tinitignan ang dalawang damit na pinagpipilian ko sa harap ng salamin.

"I think mas bagay sayo iyang plain peach.."

Napatingin ako sa reflection sa salamin at nakita ko ang babaeng nasa likod ko at tila may hawak din na damit na susukatin.

"Ang puti mo kasi, so naisip ko na mas aangat ka sa damit na iyan", nakangiti ngunit nahihiya niyang saad tyaka nagkamot ng batok.

Hinarap ko siya at ngumiti din ako sa kaniya.

"Sure ka ah? Feeling ko kasi yung shape niya is hindi fit sa akin", alinlangan kong tugon.

"Try mo then let see kung how it shapes to your body. Sexy ka naman kaya hindi kana mahihirapan", nakangiti nitong tugon.

"Sige sige, wait, I'll try it", natatawa kong sambit tyaka pumasok sa fitting room.

Hinubad ko ang suot kong top at pantalon, tanging natira nalang sa suot ko ay ang undies ko. Pinagmasdan ko ang katawan ko mula ulo hanggang paa sa malaking salamin at napadako ang aking paningin sa aking dibdib. Binaba ko nang kaunti ang bra ko at lumitaw ang maliit na bahagi ng aking dibdib kung nasaan ang aking maliit na tattoo na isang monarchy butterfly moon.

"Please, stop, don't kill me, please"

"I have no time for your please, bitch"

Isang putok ng baril...

"Hey miss ayos kalang ba jan?", tawag nung babae sa akin.

Shockss! That nightmare again...

"Ha? Ae oo, ito na palabas na", sagot ko.

Agad kong sinuot yung damit upang sukatin tyaka inayos at lumabas na.

"Hm what do you thi---"

"Whaaa OMG ang ganda- ganda mo", malakas niyang saad na may pagka mangha.

Nahihiya akong naglakad papalapit sa kaniya at humarap sa salamin.

"Grabe bagay na bagay sayo iyang damit", sambit niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Thank you, I buy it", nakangiti kong tugon.

"Sana all kasi ganyan kaganda yung katawan at sexy huhuhu", umakto siyang naiiyak.

Natatawa ako sa reaksyon niya kaya siya naman itong tumawa ng malakas. Buti nalang talaga kami lang ang tao sa gawing bahagi ng shop na iyon.

Naging mahaba pa ang pag uusap naming dalawa, tinulungan ko din siya sa pagpili at pagsusukat ng nga damit.

"By the way, I'm Yvethe Kael Fabellon", pakilala nito sa akin.

"I'm Shawneca Heaven Reyes", sabay lahad ko ng kamay ko para makipag shakehands.

Dati alinlangan ako sa apelyido ko but its papa's surname. Mahirap lang talaga mag explain sa mga tao kapag nalaman nilang iba ang apelyido ko kay daddy.

"Ang weird pala ng name natin", sabay tawa niya at nakipag- shakehands sa akin.

"Yeah, oo nga, hahaha. Anyways you can call me Heaven nalang", ani ko.

"Yve nalang", nakangiti niyang tugon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nagflash sa screen ko ang text ni daddy na pinapauwi na ako.

"I need to go, gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sayo eh", nagmamadali kong saad tyaka inayos ang mga pinamili ko.

"No worries, so see you around, again", ani nito.

Tumango naman ako bilang tugon sa kaniya at nagpaalam na. Pagkalabas ko ng mall ay agad akong humanap ng taxi. Nang makahanap ako ay agad akong sumakay. Habang nasa byahe ay hindi parin mawala sa isip ko ang ala- alang bumalik sa akin kanina.

I have to forget that, it's just part of my past. Years have passed and I am far from them

"How she is?"

"Still shaking and scared.."

"Tsk! Too weak!"

"Stop it! Sabrina"

"I can kill her from only one glimpse of my eye"

"Just take a rest and don't mind them, sooner it will easy for you to do it"

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now