Chapter 76

12 3 2
                                    

Heaven's POV

Its been 3 days since that accident happens between Ryo and I, everything goes well na naman luckily we both got minor injuries. Naging way pa nga ata itong accident para mas lalong magkakilanlan ang both families eh and it seems like na hindi na magiging arrange marriage ang mangyayare if both of us naman ay gusto maikasal sa isa't isa. But, what if yung maging buhay mag asawa ko ay matulad sa life nina mommy and papa? What if Ryo and I are just meant to know each other but we are meant for others?

"Are you okay, sweetie?", saad ni daddy na kakarating lang sa pwesto ko.

"Yes dad, I'm fine po", sagot ko naman sa kaniya.

"Bago ako dumating ay tila malalim ang iyong iniisip", aniya.

"Wala daddy about sa accidents lang yun and other things", palusot ko dito.

Naupo ito sa upuang nasa harap ko. Naging tahimik si daddy at tila ninanamnam ang sariwang hangin sa balcony.

"Dad...", mahina kong sambit kaya't tinignan niya lamang ako.

"Sorry po for this question but, do you think minahal talaga ni papa si mommy?", tanong ko rito at saglit itong napatigil.

Gumuhit ang bahagyang ngiti sa mukha ni daddy bago tuluyang sumagot.

"Oo naman, minahal ni Renrem si Mika.. Sobrang pagmamahal nga lang ang ibinigay ng mommy mo sa kaniya to the point na naging kampante ang papa mo na hindi siya iiwan ni Mika. Akala kasi ng papa mo na lahat ng kasalanan niya o nagawang mali ay hindi magsasawang magpatawad si Mika sa kaniya. Hindi dapat porket pinapaliguan ka ng pagmamahal ay abusuhin mo, lahat ng tao napapagod, lahat ay may limitasyon. Hindi naman kasalanan ng mommy mo na mas pinili niya ang ikakabuti niya lalo na ikakabuti mo", paliwanag ni daddy.

Dapat ba mahalin ko ng sobra si Ryo o dapat ba manatili akong malamig sa kaniya para hindi mangyare sa amin ang nangyare kina mommy at papa?!

"Walang masama sa pagmamahal ng sobra ang mahalaga magtira ka sa sarili mo. Palagi mong unahin ang sarili mo pero hindi naman dapat dumating sa punto na magiging makasarili ka", dagdag pa ni daddy.

"Ganun ka ba kay mommy, daddy?", sunod ko namang tanong.

Ngumiti muli si daddy at bakas ang totoong saya nito.

"Hindi. Wala akong tinira sa sarili ko, lahat nang pagmamahal ay binigay ko sa mommy mo at sayo", aniya habang nakatitig sa mga rosas na nasa lamesa.

"Eh bakit daddy? Akala ko ba huwag sobra sobra?!", naguguluhan kong tanong.

"Bakit hindi mo kay Ryo itanong", pabitin na sagot ni daddy at saka tumayo sa kinauupuan nito.

"Dyan ka lang ba muna? Susunduin ko lang mommy mo sa mall at mukhang maraming napamili para kay Ryo", paliwanag nito kaya umiling na lamang ako bilang tugon.

Tuluyan na ngang nagpaalam si daddy sa akin at umalis. Umakyat ako ng kwarto ko para makapagbihis dahil dadalawin ko si Ryo sa ospital. Makakakuha kaya ako ng sagot sa kaniya?!




AT THE HOSPITAL

Papasok na ako sa elevator nang may tumawag sa akin.

"Heaven", mahinang boses ni tita kasama si tito.

Pinindot ko ang button sa elevator para manatiling open ito..

"Thanks for waiting iha", saad ni tito habang alalay ko si tita. Nginitian ko nalang ito at bahagyang tumango bilang tugon.

"How's Ryo po? Pasensya na po hindi ako nakadalaw kagabi sumakit po kasi ang sugat ko", paliwanag ko dito.

"Okay na naman siya, naka ano nalang sa wheelchair kaya naiilabas labas na rin para sa sariwang hangin", ani tita.

Nakarating na kami sa floor kung nasaan kwarto ni Ryo. Nang makarating kami sa Room A06 ay si tito na ang nagbukas ng pintuan at unang pumasok si tita.

"Ella...", malakas na tawag ni tita dahilan para sumilip ako agad.

Kitang- kita namin na magkalapit ang kanilang mga mukha at tila magkahalikan. Naitulak agad ni Ryo si Ella nang marinig ang boses ng ina nito.

"Mom, dad... Heaven", halatang kabado ang boses nito habang si Ella naman ay naka ngisi.

"What is this, Ryo and Ella?", halos pagalit ang tono ni tita.

"Mo--", hindi pinatapos ni Ella ang sasabihin ni Ryo.

"Inaayos ko lang ang damit ni Ryo", pataray nitong sagot.

Inaayos pero magkalapit ang mga labi nila.

"Alis na ako... Byeeeerrs", aniya nito tyaka naglakad palabas at inirapan ako.

"Ryo ano iyon? Halatang naghahalikan kayong dalawa", galit na saad ni tito.

I don't wanna know his explanation, I already saw it.

"Tita, tito lets calm ourselves po muna. Baka po makasama sa inyo ang mastress", payo ko.

Sinama ni tito si tita sa labas ng kwarto ni Ryo. Susunod na dapat ako pero nahawakan ni Ryo ang kamay ko.

"Let me explain. Please", halos nagmamakaawa niyang saad.

Papakinggan ko ba siyang magpaliwanag kahit na alam kong magpapalusot lang siya at hindi magsasabi ng totoo. Hindi ako si mommy hindi ako magpapabulag sa pagmamahal na yan!

"Alis na muna ako Ryo, susundan ko nalang muna sina Tita baka mapano sila sa labas", walang gana kong tugon.

"Please Heaven, hear me out. She kissed me first and nabigla ako. I was about to pushed her away but I'm too weak now, I can't move my left arm", mahina at malambing niyang tono.

My heart, bakit tila gusto ko siyang yakapin at sabihin okay lang naiintindihan ko. But at the same time, nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako.

Out of nowhere ay hinatak ko pabalik sa akin ang kamay ko tyaka naglakad nang tuluyan palabas ng kwarto niya. Yes, pain invaded me. Mas nanalo yung sakit kesa maawa at maniwala sa kaniya. He has a reason for everything, kaya naman niya lumayo kay Ella and he can even pushed her away pero pinili niyang hindi gawin kasi gusto niya rin. He likes what Ella did to him.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα