Chapter 38

41 9 2
                                    

Heaven's POV

"Pa! Sandali lang po", pag- pigil kong tawag kay papa habang hinahabol ko siya at patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Agad naman itong napahinto kasabay ng malalim niyang pagbuntong hininga. Napahinto rin ako bigla sa pagtakbo kasabay nito ang pag- humarap niya sa akin na may blankong ekspresyon.

"Pa, mag usap po tayo. Please!", halos hinihingal kong sambit dahil sa pagtakbo ko kanina.

"Ano pa bang pag uusapan natin Heaven? You already made a decision without any of my consent. Ako ang ama mo pero bakit tila binabalewala mo ako", matigas na tono ni Papa.

"Papa hindi po yun sa ganun. Gusto ko lang tulungan si daddy", pagdadahilan ko.

"Tulungan? So, kaya itatali mo ang sarili mo sa lalaking iyon. Ayoko sa kaniya dahil--". Naputol ko bigla ang sasabihin niya.

"Nang dahil lang po sa unang paghaharap niyo ay hindi naging maganda, kaya ayaw mo na agad sa kaniya!?"

"Ang punto ko lang ay ayoko na matali ka sa lalaking hindi mo naman mahal. Ang gusto ko ay mapunta ka sa lalaking mahal ka at mahal mo din", ani nito.

"Tapos ano, pa? Masasaktan ako, maiiwan lang din ako?", sarkastiko kong tono.

Agad naman itong natahimik dahil sa sinabi ko.

"Kayo ni mommy, hindi ba ay mahal ka ni mommy at mahal mo rin siya. But you both end up, wait! Minahamal mo ba talaga si mommy?", nasabi ko sa hindi ko malamang dahilan.

Napasandal ito sa may gilid ng poste kasabay ng pagyuko niya.

"God knows how much I really love your mom. Lahat binigay ko sa para sa kaniya", saad nito.

"Hindi papa! Materyal na bagay lang ang binibigay mo kay mommy, pero yung totoong kailangan niya ay hindi mo nagawang ibigay. You always hurt her pero laging paghingi lang ng tawad ang nagagawa mo and you'll never change. You always say that you love her, but you always make her feel that she's enough for you", nanginginig na ang labi ko habang nagsasalita.

"Nagbago naman ako, anak", sambit niton

"Bakit hindi mo sinundan si mommy sa abroad? Bakit hinayaan mo siyang maging mag isa dun? Bakit wala ka nung mga panahong kailangan ka niya?", sunod- sunod kong tanong.

Sobrang dami kong gustong itanong sa kaniya noon pa man.

"Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, nagtanong ako ng maraming beses sa lola at lolo mo pero ayaw nilang sabihin sa akin. Nagmakaawa ako sa kanila at lumuhod sa harapan nila pero ayaw talaga nilang sabihin", umiiyak na nitong sabi.

"Kaya ayoko na magmahal kasi ayokong makatagpo ng lalaking katulad mo. Sobrang mahal kita papa, pero ayoko na yung taong mamahalin ko ay katulad mo", halos wasak ang boses ko habang nagsasalita pati na rin ang panginginig ng buo kong katawan.

"Kung hindi mo sinaktan si mommy, sana buo tayo, sana masaya tayo. Ikaw yung sumira ng pamilya natin, papa. Ikaw ang sumira sa lahat ng plano at pangarap niyo mommy", sigaw ko sa kaniya kasabay ng paghagulgol ko.

Agad itong lumapit sa akin tyaka ako niyakap ng sobrang higpit. Hindi ko alam pero sa dami ng yumakap sa akin, ito ang unang pagkakataon na nakadama ako ng purong sakit.

Kung papapiliin ako kung sino ang gusto kong maging tunay na ama, si papa pa din ang pipiliin pero hindi sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko naramdaman na may totoo akong ama sa inyo, pero naramdaman ko na may isang ama na palaging nasa tabi ko, at si daddy Shawn yun", saad ko habang yakap niya pa rin ako.

"Patawarin mo ako, anak. Kung wala man ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ako. Sinubukan ko lahat pangako, ginawa ko ang lahat para mahanap kayo. Patawarin mo ako Heaven", sambit nito habang unti- unting napapaluhod sa harapan ko.

"Hayaan niyo na po ako sa desisyon na ito, gusto kong tulungan ang taong tumayong ama sa akin", matigas kong sambit.

Patuloy lang na umiiyak si Papa habang nakaluhod sa harapan ko at humihingi ng tawad sa akin.

"Pa, tumayo na po kayo. Wala po kayong kasalanan sa akin", pag kokompronta sa kaniya.

"Patawarin mo ako, anak!", tanging nasambit nalang niya.

Matagal ko ng napatawad si papa simula nung ikuwento iyon sa akin ni mommy. Hindi lang naman puro bad sides ni papa ang kinuwento sa akin ni mommy, kung hindi pati na rin kung paano ito naging mabuti sa kaniya at kina lola.

Mahal ko si papa bilang totoo kong ama. Baliktarin ko man siya pa rin ang taong may parte sa akin.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now