Chapter 15

76 22 0
                                    

Ryo's POV

"Ryo...", sigaw ni Joyce habang lumalapit papunta sa akin tyaka yumakap sa braso ko.

"Iiwan mo na ba talaga ako. Sama mo ako Ryoooo", pagkukunwari nitong umiiyak.

"Gusto mo bang bugbugin ako ni Uncle", natatawa kong sambit.

"Sabihin mo din kay lola na kunin niya din ako dito", tugon nito sabay yugyug sa braso ko.

"Joyce what are you doing?", sita ni Uncle.

"Dad I want to go in the Philippines, too", sabay bitaw niya sa braso ko at lumapit kay Uncle.

"You are still studying and you cannot leave until you are done", paliwanag ni Uncle sa kaniya.

"But dad..."

"No buts Joyce and you, Ryo, hurry there and you might be late in your flight", utos ni Uncle.

"I'm already done Uncle", tugon ko.

Binitbit ko na ang lahat ng bagahe ko at pumasok na sa loob.

"Ryoooo mag iingat ka tatawagan mo ako ah", sigaw ni Joyce na bahagyang naiiyak na.

Tumango naman ako tyaka ngumiti at kumuway sa kanila.

Habang naglalakad patungong eroplano ay hindi mawala sa isip ko ang babaeng nakilala ko dun sa airport.

May posibilidad ba na magkita kami ulit? Sana meron..

Nang makapasok sa loob eroplano ay inayos ko ang mga gamit ko doon at tahimik na naupo. May babaeng tumabi sa akin and I think na pure american siya dahil sa kutis at natural na kulay ng buhok niya. Ngumiti ito sa akin nang mapansin niyang nakatingin siya sa akin.

"I'm He--". Hindi na niya natatapos ang sasabihin niya dahil biglang nag- ring ang cellphone niya kaya't tumayo ito paalis para sagutin ang tawag.

Bakit ba everytime na may magpapakilala sa akin lagi nalang napuputol.

Wait! Did she said He?

"That girl again, ginugulo na naman niya ang isipan ko", mahina kong sambit.

Kinuha ko sa maliit kong bag ang isang ribbon, ribbon ito nung babae na nameet ko sa airport. Naalala ko bigla kung paano siya mamula noon at mautal sa pakikipag usap sa akin.

Sadya bang hanggang doon lang talaga ang pagkikita namin?!

Ilang minuto pa ang lumipas nang muling bumalik ang babae.

"I'm sorry, I'm in a wrong plane", natatawa nitong sabi tyaka hinampas pa ng mahina ang noo kasabay ng pagkuha ng ilang gamit.

"Its okay", nakangiti kong saad.

"By the way, again, I'm Hera. And you are?", sabay alok nito ng kamay niya para makipag shakehands.

"I'm Ryo", tugon ko tyaka nakipag shakehands.

"Nice to meet you, Ryo. I just need to go, babyee", paalam nito.

"Bye take care", sagot ko at tumango naman ito at naglakad paalis.

Naging tahimik ang paglipad ng eroplano. Its been 6 years simula nung umalis ako sa Pinas and for sure na sobrang dami na ng pinagbago noon ngayon. Uuwi ako nang Pilipinas para bantayan si lola at para makapag aral na din doon.

Buong byahe ay natulog at kumain lang ako dahil sa puyat din ako, nagpa party kasi ang team bago ako umalis padespedida daw nila sa akin.

After almost 17 hours of travel ay palapag na ang eroplano sa NAIA. Inayos ko na ang gamit ko habang ang ilang pasahero ay naglalakad na pababa ng eroplano. Nang makuha ko na lahat ay nakipila na din ako sa kanila para bumababa.

"Iba na din pala ang amoy ng Pilipinas", natatawa kong saad nang tuluyang makababa ng eroplano.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa mismong airport. Nilibot ko ang buong paningin ko roon hanggang sa matanaw ko sina Lola na kumakaway sa akin at may hawak na tila banner. Natatawa at nakangiti naman akong naglakad papalapit sa kanila.

"La..", saad ko nang makalapit.

"Jusko! ang gwapo kong apo", sambit ni lola habang hawak- hawak ang pisngi ko at tila pinang- gigigilan iyon.

Niyakap ko naman ito at niyakap din ako pabalik.

"Namiss ko po kayo la", masaya kong saad.

"Nako Ryo excited na nga si Lola pumunta dito eh para makita ka", natatawang sumbong sa akin ng pinsan kong si Luiz.

"Oo nga kuya Ryo, kanina pa hindi mapakali si lola", dagdag pa ni Lea na kapatid ni Luiz.

"Nako kayo talaga, wag niyo na nga ako isumbong", saad ni lola.

"Kayo talaga hahahaa namiss ko kaya kayo", sambit ko.

Nagkamustahan kami sa mismong airport hanggang mayayaya kami ni Luiz na sa bahay nalang nina lola iyon ituloy dahil marami raw niluto si lola para sa akin kasama sina mama at papa.

Taon na din ang lumipas simula nung hindi ko na makita sina mama at papa.

May galit parin kaya sa akin si papa?

Ayaw ni papa na umalis ako na bansa para sa pangarap kong maging boxer pero wala naman siyang nagawa dahil iyon ang gusto ko. Tutol si papa na pangarap ko na iyon at hindi siya nakasuporta, ganun din si mama noon pero habang tumatagal ay tinanggap nalang din mama.

Kung galit man si papa ay ayos lang pero alam kong mahihirapan ako na pakisamahan si papa.

Kaya sana maging ayos na kami ni papa sa pagkikita namin ngayon.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now