Chapter 4

114 40 0
                                    

Mika's POV

Naging abala si Heaven sa mga bagay na kailangan nitonv ayusin ayon na rin sa utos ni Shawn sa kaniya bago kami tuluyang lumipad pabalik sa Pilipinas.

"Whaaaa bes tuloy na tuloy na talaga kayo dito sa Pinas?", excited na tanong ni Chy habang ka- videocall ko.

"Oum nga. Gusto ni Heaven na dyan mag aral at gusto rin siya makasama ni Renrem", paliwanag ko.

"Hay nako bes ang dami kong chika sayo kaya bilisan na nang makalipad na kayo dito", saad nito.

"Hahahaa ikaw talaga! Si Heaven nalang naman ang hinihintay namin at pati na rin pala matapos ang mga pagtransfer ni Shawn ng trabaho sa Pinas", saad ko.

"Bes ang dami na nang nagbago sa Pilipinas, mag- iisang dekada ka nang hindi umuuwi dito daii", mataas na boses nitong sabi.

I expected changes naman

"Pati si Renrem sobrang laki na nang pinagbago niya"

Napataas naman ng kaunti ang kilay ko sa sinabi niya. Alam ko na may mga changes si Renrem kahit papank compare dati.

"Kung single ka lang, nako baka ini- ship na namin kayo ulit ni Renrem. Hindi naman sa ano ah, pero yung Renrem na nakilala natin noon at Renrem na kilala natin ngayon ay magkaibang- magkaiba na as in", paliwanag ni Chy.

"But don't worry kay Shawn pa rin naman kami boto. Iba ang alagang Shawn lalong nakakaganda HAHAHA", biro nito na kinatawa namin.

"Makakahanap rin yan, ireto mo kasi HAHAHA hindi siya pabata para maging choosy pa noh", biro ko.

"Ayy bes ginawa ko na yan. Nireto ko na siya sa halos lahat ng kakilala kong single na babae"

"Oh anong nangyari?", tanong ko.

"Wala, nirejected lang ni kumag. Feeling gwapo eh. Sabi ba naman sa akin, kung hindi lang daw katulad mo ang irereto ko sa kaniya ay no thanks nalang daw. Kapal ng mukha HAHAHA hindi niya alam na nag- iisa ka lang, duhh!", pagyayabang ni Chy.

"Gaga ka din eh HAHAHAHA kusa naman kasing dadating yun sa kaniya, maghintay pa siya", ani ko.

"Maghintay siya na maging asul ang uwak jusmee!", reklamo nito.

"Oh kalma! Mas naiistress ka pa sa lovelife niya eh, ikaw ba kamusta na lovelife mo?", tanong ko.

"Well going strong kami ni Renz, pero heto waiting sa kaniyang proposal na mukhang wala yatang balak na gawin", irap nito.

"Hindi pa ba nagpo- propose sa iyo?"

"Kung nag- propose na jusko ikaw una kong sasabihan, kaso malabo pa yata sa sabaw ng adobong pusit kung magpo- prose ang isang iyon eh. Wala yatang balak na pakasalan ako", naiinis na nitong sambit.

"Baka naman may plano, maghintay ka nalang at wag mo siyang pangunahan", payo ko.

"Baka plano na magloko!", sabay irap nito.

"Chy, people change okay"

"May history na yan si Renz, retired babaero", iritang tugon nito.

"For almost 6 years, Chy. Nalaman mo bang niloloko ka niya? Nakita mo bang may kasama siyang ibang babae na hindi mo alam o kilala?", tanong ko.

"Wala..", mahinahon nitong sagot.

"Oh wala naman pala eh"

"Pero Mika, 6 years! So anong plano niyang gawin ganito nalang kami? Walang kasiguraduhan kung kami yung ending o hindi", irita nitong paliwanag.

"Hindi lahat ng kasal ay nagtatagal at hindi lahat ng hindi kasal ay naghihiwalay agad o walang plano. Nasa magkapareha yun kung paano sila mananatili sa relasyon na binuo nila", maikling saad ko.

"Hindi ko alam bes, siguro natatakot lang ako na baka ako lang pala yung may plano sa aming dalawa", malungkot nitong tugon.

"Shhh bes mas kilala mo si Renz at alam mo kung gaano ka niya kamahal. Pag usapan niyo", ani ko.

"Paano ko kakausapin kung kada sisimulan ko yung topic na ganun ay umiiwas siya pilit. Mahal ko si Renz kaya hindi ko kaya na iwan niya ako", umiiyak nitong tugon sa akin.

"Uy tahan na, kakausapin ko si Renz para sayo at ako na mismo ang magtatanong", pagcomfort ko sa kaniya.

"Hindi na bes, hayaan mo nalang na siya ang gumawa ng way niya. Tyaka alam kong sobrang busy ka"

"Okay lang, basta ikaw Chy", ani ko.

"Sige na, basta kontakin mo ako agad kapag nandito na kayo sa Pinas tyaka yung pasalubong ko wag mong kalimutan ah", paalala nito.

"Yes po mam, noted po HAHAHA", natatawa kong saad.

"Very good, sige na babyee na. Ingat kayo jan ah. I love you", paalam nito.

"Yeah, kayo din. I love you too..", paalam ko sabay end call nung tawag.

Hindi dapat ganun ang maging mindset ni Chy pero hindi rin dapat siya magpaka- kampante dahil maraming possibilities ang pwedeng mangyari. Pwedeng maganda at pwede ring sobrang gulo o sakit.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now