Chapter 43

63 10 2
                                    

Ryo's POV

"Need more strength for your last punch, Ryo", sigaw ng coach ko sa akin habang nakahawak sa punching bag.

Pumwesto ako at tinantya ang layo ko sa punching habang binubuhos halos lahat ng lakas ko sa kaliwang braso ko para sa huling suntok.

"Focus, Ryo! FOCUS!", muling sigaw niya sa akin.

Inatras ko nang bahagya ang kaliwang paa ko at nagsimula na ang aking ataki. Buong lakas kong sinuntok ang punching bag at napabitaw doon ang coach ko kasabay ng pag atras nito.

"Coah? Ayos lang po kayo?", nag aalala kong tanong dito dahil nakayuko ito.

Hindi kaya nasaktan siya?

"Sobrang galing mo, Ryo! Sobrang bilis at bagsik nang suntok mong iyon", mangha nitong sambit. Mula sa pagiging strikto kanina na ngayon ay maaliwalas na.

"Ipagpatuloy at pagbutihin mo pa iyan, malayo ang mararating mo. Maaari ka na magpahinga", nakangiti nitong sabi sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot at nagpasalamat. Agad kong tinungo ang shower room ng gym upang makapaligo dahil pupunta ako kina Heaven para sa pamamanhikan na magaganap. Na- meet na nang pamilya ko ang pamilya ni Mr. Shawn kaya hindi sila kasama.

Nang matapos ako sa panliligo at pagbibihis ay nagpaalam na ako kay coach na aalis. Nag abang ako ng taxi sa labas ng gym at saktong may nakaparada doon kaya nakasakay agad ako. Sinabi ko sa driver ang address nang pagbababaan ko. Biglang nag- ring ang phone ko dahil tumawag si mommy sa akin.

"Mom?", bungad ko.

"Nasaan kana? Paalis na kami ng daddy mo", tanong nito.

"On the way na, dun nalang po siguro tayo magkita", sagot.

"Sige sige, bilisan mo lang ah", paalala ni mommy.

"Sige po, ingat", saad ko.

"Ikaw din, ingat ka. Bye!" sabay call end ni mommy.

Ilang minuto ang naging byahe ay malapit na kami sa bahay nina Heaven nang madaan kami sa isang flower shop.

"Kuya pwede pong pahinto saglit, may dadaanan lang po ako dun sa flower shop", sambit ko at tumango naman si manong driver sabay parada sa harap ng flower shop.

Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng shop. Naagaw agad ng mga sunflowers ng paningin ko pati na rin ang mga pulang rosas. Bumili ako ng tig isang bouquet ng sunflower at red roses tyaka agad na binayaran sa counter.

Sunflower dahil ito ang bulaklak na nakita ko noong una kaming magkita ni Heaven at red roses para sa mommy niya.

Agad akong bumalik sa sasakyan para makapunta na agad kina Heaven. Makalipas ang ilang pang minuto nang byahe ay natanaw ko na ang sasakyan nina mom at dad habang pababa sila. Huminto ang taxi sa likod ng sasakyan nina mom at dad tyaka ako nag abot ng bayad kay manong driver kasabay nang pagbaba ko sa taxi.

"Mom, dad", tawag ko sa kanila at napatingin naman sila sa gawi ko.

"Lets go", aya ni dad kaya naglakad na kami papunta sa gate ng bahay at nagdoorbell.

Agad na lumabas mula sa pintuan si Mr. Shawn at pinagbuksan kami ng gate.

"Come in, nandun na silang lahat sa may dinning area", nakangiti nitong salubong.

Tinapik ni Mr. Shawn ang balikat ko tyaka ngumiti sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik.

Kinakabahan ako? Oo, sa hindi ko malamang dahilan.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now