Chapter 26

54 12 0
                                    

Ryo's POV

Hindi ko inakala na muling magtatagpo ang landas naming dalawa kahit na sobrang imposible noon para sa amin. Nang muli ko siyang makita may kung ano na naman akong naramdaman, may tila humaplos sa aking tyan at nagbigay ng kakaibang kiliti sa akin.

Nababakla ba ako?! She's the most beautiful women that I've ever seen, hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi pero pakiramdam ko ay muli na naman akong nahulog sa patibong ni pag ibig...

Heavenly Shawnecca Reyes.. Ang aking pinakamagandang anghel..

"Hoy Ryo!", sigaw ni Luiz na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ha? Bakit?", taranta kong tanong.

"Oh diba wala sa earth ang pag iisip niya", natatawa pa nitong biro.

"Ryo kanina pa tumutunog ang cellphone mo, mukhang may tumatawag", sambit ni Lea.

Tyaka ko lang napansin tumutunog pala ang cellphone. Tumatawag pala si Joyce. Dinampot ko ang cellphone ko tyaka nagpaalam na lalabas muna ng bahay para sagutin ang tawag na iyon.

"Hello Joyce..", ani ko ng tuluyang makalabas at masagot ng tawag.

"Hoy Ryo, bakit ang tagal mong sagutin yung tawag. May date kaba sa ibang babae kaya ka natagalan? O kaya may ginagawa ka nang kababalaghan diyan?", pagsusungit nito.

"Busy lang ako kaya di'ko nasagot agad. Sorry na! Kamusta ka pala?", pagbabago ko sa topic namin bago pa siya tuluyang mawala sa mood.

May pagka moody pa naman ang babaeng iyon..

"Ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam sa akin, feeling ko may iba kana jan", may halong pagtatampo sa boses nito.

"Joyce, nag aaral kasi ako kaya heto nagiging busy rin, sorry", paumanhin ko.

"Pasalamat ka malakas ka sa akin kundi nako talaga", aniya.

"Salamat Joyce na maganda", saad ko.

"Wag mo nga akong bolahin Ryo", tawa nito.

Naging mahaba pa ang pag uusap naming dalawa dahil sa dami ng kunwento nito, daig pa namin ang isang dekada na hindi nag usap eh.

"Nga pala Ryo, nagpunta dito Daddy mo nung nakaraang linggo"

Si dad? Anong ginagawa niya dun?

"Sabi niya pupunta daw sila ng Pilipinas for business purposes", dagdag pa nito.

As if naman dahil sa akin..

"Kasama si mom?", tanong ko.

"Nasa Pinas na daw si auntie", ani nito.

Pero hindi manlang ako nagawang dalawin dito kina lola

"Hindi pala nila alam na kina lola ka, sinabi ko lang", dagdag pa nito.

"Wala naman silang balak alamin ang mga bagay bagay tungkol sa akin", seryoso kong tugon.

"Hay nako Ryo wag mo nalang isipin yun", pagpapakalma nito sa akin.

Ilang minuto pa ay natapos na ang usapan naming dalawa. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa mini desk na katabi ng kama ko nang bigla kong maisip si Heaven. Binuksan ko ang facebook at saka hinanap ang pangalan niya roon.

Search: Heaven...

"Ano ulit fullname niya? Nakalimutan ko!", sambit ko sabay hampas na mahina sa noo ko.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now